"Nagkaayos na ba kayo?" masayang tanong ni Mamita. Nahihiya man pero masaya akong napatango at napangiti rito, para akong teenager na kinikilig sa harap nito. " I am so happy for you iha." "Pero Mamita ang Daddy Lo," may bahid nang takot sa puso ko, nang maalala ko si Daddy Lo. Hinawakan nito ang pisngi ko at hinimas. "Ako na bahala sa Daddy Lo mo iha. Ang mahalaga magiging masaya ka na." Yinakap ko ito nang napakahigpit sa sobrang thankful ko rito. *** Sinabi namin kay Mamita ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Red at kung sino ang may kagagawan nito nito. Nagulat man ito sa nalaman, hindi pa rin nito magawang magalit kay Dime. Napabuntong-hininga ito nang malalim. "Forgive your sister Dhea, kasalanan ko kung bakit naging ganyan ang kapatid mo," naluluhang saad nito. "Masy

