Nangangatok ang mga tubid ko pati ang puso ko sa sobrang kabang bumabalot sa buong diwa ko. Ramdam ko kasi ang paglapit nito sa likod ko at ang mahigpit na pagyakap nito. Hindi ko talaga mapigilan ang paglambot ng puso ko. Pero iniiwas ko ang sarili rito. "Let's talk," may bahid nang lungkot na saad nito. "Wala na tayong pag-uusapan pa," giit ko. Mabilis kung dinampot ang bag at akmang aalis na nang hilahin ako nito palabas ng kwarto. "Let me go!" "We will just talk." "Mamita," tawag ko rito. "Sumama ka na iha. Kailangan niyong mag-usap," saad nito. "Thank you Mamita," wika ni Red. Hindi ko inaasahan ang sinabi ng Mamita. Mabilis naman ako nitong hinila palabas at pinasakay ng sasakyan. Para naman akong bato na naging sunod-sunuran lang. Nagulat ako kung saan ako nito dinala. Na

