"Ano 'to? Hindi ba't ang kabilin-bilinan ko sa'yo, h'wag mong ibabalik rito hangga't hindi napipirmahan 'to." "Alam ko 'yun. Mr. Madrigal, pero 'yan po and desisyon ng kabila. Kay Dime lang ang pinirmahan niya at hindi ang annulment paper nila ni Dhea and they are demanding to see his son." "W-what!" gulat na tanong ko, 'yun kasi ang nabungaran kong sabi ng abogado nang pumasok ako ng library dahil pinatawag akong magpunta doon. "Narining mo naman di ba?" mataray na saad naman ni Dime, nakasunod pala ito sa kanya. "And I'm sure, hindi lang 'yan ang hihingin n'yang demand. Kukunin niya ang anak mo," bulong nito sa tenga niya pero dinig ito ng ibang tao sa loob ng library. Humalakhak pa ito nang malakas na tawa. "Tumigil ka!" saway ng Daddy Lo nila. Parang akong binuhusan nang malamig

