"Good morning sir," bati ng secretarya niya. "Tumawag nga po si Mr. San Jose, tinatanong kung kailan daw kayo available na makausap, importante daw dahil sa project natin sa Davao," nagmamdaling sunod nito kay Red. "At ang ibang mga investor natin gusto nang magback-out..."hinihingal na saad nito. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita ulit, nakaupo na ngayon si Red sa opisina niya. "Pinakiusapan ko lang po sila na bigyan pa nila tayo ng kaunting panahon," sunod-sunod na saad nito. Isa kasi itong CEO sa kompanya ng ama niya, isang real estate ang pagmamay-ari nito. Dahil sa pumanaw na ang ama niya siya na ang namamahala rito pero simula ng mga nangyari sa kanila ni Dhea nawalan na ito ng gana sa lahat ng bagay. "Tell them next week kakausapin ko sila," walag ganang saad nito. "Pe

