"Ano pong ibig sabihin nito? Daddy Lo? Mamita?" gulat na gulat kong tanong sa mga ito nang mabasa ko ang papel na ibinigay nito sa'kin habang nasa harden kami. "It's an annulment paper. Gusto kong ma-annual na ang kasal ninyo ng lalaking 'yun. As soon as possible," galit na sabi nito. Walang kibo lang si Mamita sa mga sinasabi ng asawa nito mukhang under siya nito. "P-po!" May gumihit na sakit sa'king dibdib dahil sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kong bakit. Hindi ako matinag sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig ko. "Why, Dhea? Are you gonna still hold on to that marriage? Don't tell me? May balak ka pang makipagbalikan sa kanya? Pagkatapos nang mga ginawa niya sa'yo," may halong galit sa boses nito. "H-hindi naman po sa ganun Daddy Lo," halos walang lakas na nasabi ko. "What

