Pagkalipas ng tatlong taon nagbalik na rin ako sa bansa dahil may sakit ang Lola Maming. Kung nang una ayaw ko sanang umalis ng bansa ngayon naman ayoko na sanang magbalik pa ng Pilipinas. Kung hindi lang sa kahilingan ng Lola Maming hindi na ako magbabalik pa. Maganda na ang buhay ko ngayon, ako ang namamahala sa isang company ng Lolo Antonio sa San Francisco na isang advertisements company. Mag-isa ko ring pinalaki ang anak kung si Philipi, magtatatlong taon na rin ito ngayon. Si Mamita at Daddy Lo naman ay pabalik-balik lang sa Pilipinas dahil kay Dime. Ang kapatid ko namang 'yun ay hindi pa rin kami nagkikita dahil nagtago na naman ito, ayaw talagang magpakita kina Mamita at Daddy Lo. Wala pa rin kaalam-alam sa ugnayan naming dalawa. Habang lulan kami ng eroplano hindi ko mapigilang hi

