"Mabuti at gising ka na apo. Halika ka maupo ka na rito at mag-almusal ka na," bungad sa'kin ng Lola Charita. "Good morning po," nahihiya kong bati sa mga ito. Naabutan ko kasi itong nag-aalmusal na. Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa at napangiti. "Mabuti at kasya sa'yo ang damit ng kakambal mo. Kamukha talaga ninyo ang Mommy niyo," may bahid ng lungkot na wika nito habang haplos ang mukha ko. "Your so beautiful, iha." Napayuko ako sa hiya. "Thank you po. Mana po sa inyo." Napangiti ito at hinawakan ang pisngi ko. "Call us Mamita ang Daddy Lo apo, that's how Dime call us," wika ni Lola Charita. "O-opo Mamita," saad ko at tumingin ako kay Antonio. "Daddy Lo." Tumango naman ito. " Sige kumain ka na at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong sabi nito. "Antonio!" saway nito sa

