Masakit at sobrang bigat ang dibdib ko na bumalik ng kwarto. Deritso ako sa banyo at naligo. Tinitigan ko ang mahimbing pang natutulog na si Red. Hindi ko na hinintay pang magising ito at kaagad na akong umalis ng bahay at nagpunta sa bahay ni Clyde. "D-dhea!" gulat na saad ni Clyde pagbukas ng pinto dahil kaagad kong sinugod nang yakap ito. Hinimas naman nito ang likod ko. To comfort me. Hinayaan na lang muna niya ako yakapin ko siya. Nang kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya saka na niya ito kinausap. "Pasensiya na, nabigla lang ako." "Wala 'yun. Halika ka pumasok ka muna," aya nito at iginiya siya nito paupo sa sala. "Ano ba'ng nangyari? May problema ba? Bakit ka napasugod rito ng ganito ka aga at umiiyak ka pa? Si Red na naman ba?" malungkot at sunod-sunod niyang tanong rito.

