Masakit isipin na ang taong mahal ko ay may tinatagong secreto sa'yo. Halos madurog ang puso ko sa sakit pero kakayanin ko, iintindihin ko hanggang sa kaya ko kasi mahal ko eh! "Nandito ka pa rin pala?! Akala ko you're going to leave Red dahil sa mga sinabi ko," mataray na sabi ni Dime nang makita siya nitong palabas ng kwarto. Nanlisik ang mga mata at hindi ko inaalis ang aking mga mata sa pagkakatitig sa kanya. "Now, I know kung bakit ka nagbalik! Actually pagdating mo pa lang naramdaman ko na ang bad vibes sa'yo. Well! Nagkakamali ka? Tapos na 'yun. Kaya kung sa tingin mo masisira mo kami. Stop the crap dahil hinding-hindi mangyayari 'yun!" at tinalikuran ko ito. Hinablot nito ang braso ko at kunot noong tumitig sa sa'kin. "Huwag kang pakasisiguro Dhea! Hindi mo kilala kong sino

