The doctor said na ok naman akong bumiyahe kaya naman agarang inayos ni kuya ang transpo namin papuntang Batanes.
Habang nasa plane ay tahimik akong nakatanaw sa bintana.
"excuse me is this seat taken?"napaangat ako ng tingin at sa nanlalaking mata ay napamaang ako.
"ahm..hello?"he snapped his fingers infront of me.
"sorry..yes..thats my brother's seat.."mabilis na sagot ko.
"oh..ok sorry.."he looked disappointed pero umalis na rin.
Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ako ng malalim.
He really resemble me of Eduardo.Muntik na kong umiyak at yakapin siya.
Shame on me!
"Here we are!"napailing nalang ako kay kuya dahil halatang excited siya sa bakasyon na ito.
"yung totoo kuya para sa akin ba ang bakasyon na ito o para sayo?"natatawang tanong ko.
"both!"ngumisi siya sa akin bago ako hinila papasok ng bahay.
Para sa akin ay parang hindi lang nalinisan ang bahay ng matagal.Parang kahapon lang ay narito ako sa ibang panahon at dito nakatira.
Pumasok kami at bumungad sa akin ang tanggapan ng bisita na noon ay ginagawang bulwagan ng pamilya Hermosa.
"hey sis look!"napalingon ako kay kuya at nanlaki ang mata ko ng makita ang saya na sinusuot ko sa panahong iyon na nakasuot kay kuya.
"I can see clearly that you're having fun.."sarcastic na wika ko.
"oh come on!dont be such a KJ!"hinila ako nito papunta sa kwarto na kilalang kilala ko.
Lola Isabela's room.
Nilibot ko ang paningin ko at masayang hinahaplos ko ang mga lamesa at lampara sa kanyang silid,
"sino ang nagmemaintain ng bahay kuya?"I asked.
"kamag anak daw ng mga dating katulong dito.."kuya said.
"ah.."tango ko.
Naupo ako sa kama at humiga ng may maramdaman akong matigas sa likuran ko.Kinapa ko yun at kinuha.
"ano to?"hawak ang isang libro ay tanong ko.
"mukhang diary yan sis.."bored na sagot ni kuya.
"diary?"muli kong tinignan ang hawak kong libro.
Diary ito ni lola?Isiniksik ko ito sa ilalim ng unan at muling bumangon para pumunta sa silid ni Veronica.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto na ginagamit ko sa panahon ni lola ay napaubo ako sa alikabok.Hindi ba nililinis ang lugar na ito?
"bakit ang alikabok naman ata sobra dito?"tanong ko sa sarili ko.
"as far as I remember no one dared to enter this room.."napalingon ako kay kuya na nakasandal sa hamba ng pinto.
"why?"taas kilay na tanong ko.
"sabi nila because lola Veronica killed herself in this room.."natigilan ako sa narinig.
"she what?!"asik ko.
"family secrets..hindi ko alam ang dahilan pero yun ang sabi ni lola Felisita,dad's mom hindi mo na siya naabutan noon she passed away before you were born.."kuya said in a monotone.
"I know her.."usal ko bago ko pinalibot ang paningin ko.
I used to keep my diary here.Kinuha ko ang isang libro na nakalagay sa ilalim ng kama ko malapit sa paa ng kama.
"how did you know that it was kept there?"takang tanong sa akin ni kuya.
"instinct.."sagot ko na lang.
"ewan..bumaba ka after mo dito ng makapaglunch na.."he said.
"copy.."sagot ko naman.
Paglabas niya ay agad madalian kong binuksan ang diary ni Veronica pero agad rin akong natigilan.
"I have to move on and forget all about the past.."saad ko at binitiwan ko ang diary.
Pinagpag ko ang sarili ko at bumaba na only to find out na si kuya ay kumakain na.
"wow..ang takaw.."sambit ko.
"I'm starving Ver.."he murmured bago sumubo uli ng panibagong pagkain.
Masaya kaming kumakain ni kuya dahil pinagtitripan ko ang katakawan niya.Mom and dad are busy kaya kami lang ni kuya ang nagpunta dito sa Batanes.
Oh my love
You were the only one
Now you're gone and I'm alone
All my friends
They say what's done is done
I pretend
But deep inside I know
If I should love again
If I find someone new
It would be make-believe
For in my heart
It would be you
And though I hold her close
And want her now and then
I'll still be loving you
If I should love again
Napatayo ako ng makarinig ako ng tumutunog na plaka.
"what was that?"tanong ko agad kay kuya.
"sa mga De Silva siguro ang ingay na yun.."kuya said.
"De Silva?malapit lang sila dito?"tanong ko.
"oo..I heard na binili nila ang katabing lupa natin and they intend to buy this land too.."balewalang sagot ni kuya.
Lumabas ako at tumakbo kung saan nanggagaling ang tugtog.
All day long
I keep remembering
All the night
I think of you
All my life
You'll be the song I sing
I'll get by
Where is it coming from?Tumakbo pa ako papunta sa kabilang bakod at roon ay narinig ko ang malakas na musika.
But this I swear is true
If I should love again
If I find someone new
It would be make-believe
For in my heart
It would be you
And though I hold her close
And want her now and then
I'll still be loving you
If I should love again
Napaatras ako ng makita ko ang malaking tarpaulin na may litrato ni ginoong Julio.
What the hell!
"you're here.."napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mr. De Silva.
"ahm..who is he?"kunwari ay tanong ko.
"my grandfather..we always play his favorite song..ang sabi niya kasi sa amin na laging patugtugin yun so when his first love hear it she'll know that he never forget her."napamaang ako sa narinig.
"who--who is his first love kilala nyo ba?"nauutal na tanong ko.
"A certain Hermosa..Veronica.."napasinghap ako.
"p-pero patay na ang lola ko.."naguguluhang wika ko.
"yes..thats why nung buhay pa si lolo lagi nyang pinapatugtog yan..nilalakasan niya talaga ang tugtog kasi ang dahilan nya so she can hear it from heaven.."
Napaiwas ako ng mukha sa narinig ko.
Naiiyak ako,
How tragic their love story to end like that.
"you look like her.."napalingon ako kay Mr. De Silva.
"my grandfather always tells me their story..he was the first man in her life but a certain man with low profile came in and ruined everything..the reason why Veronica died,why she chose to leave my lolo..it was that man.."
"I'm sorry.."usal ko.
"dont be..hindi natin hawak ang isip ng mga tao noon..and besides we live in this era not theirs..we can only listen to the story but we can never judge and change the ending..coz in the first place we aren't there.."he casually said.
No.
You're wrong.
I was there.
And I chose the same path my lola did.
I wish to never go back there again.
So I can stop hurting your grandfather.
"there you are!"kuya shouted from our yard.
"sorry I have to go.."paalam ko kay Mr. De Silva.
"take care.."he smiled.
Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng bakod nila.
Veronica..irog ko..
Bigla akong napahinto at sa nanlalamig na kamay ay nilingon ko ang tarpaulin ni ginoong Julio.
He's calling me.
Lalapitan ko na sana ang tarpaulin ng biglang may humatak sa kamay ko.
"kuya!"gulat na anas ko.
"kanina pa kita tinatawag di mo ako pinapansin!tara na!"hinila nya ako palayo sa bahay ng mga De Silva.
Pagod na naupo ako sa sofa na nasa sala.Sumandal ako at pumikit.
"tama na Hector!"
"hayaan mo akong turuan ng leksyon ang anak mong yan!"
"tama na ama!"
Napabaling sa gilid ang ulo ko dahil sa mga naririnig ko napahawak ako sa ulo dahil pakiramdam ko ay masakit ang anit ko.
"halika rito!"
Isang duguang babae ang nakikita ko habang nakapikit ako.
"anong ginawa mo?!"
Niyakap ng matandang babae ang babaeng duguan at walang malay.
"Sis!"napabalikwas ako at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni kuya.
"b-bakit ka ba nanggugulat?"napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
"nanggugulat?kanina pa kita ginigising dito sa upuan dahil panay ang ungol mo..baka kako binabangungot ka.."napatulala ako sa sinabi ni kuya.
Muntik na!
Muntik na akong mabalik sa nakaraan.
"thank you kuya.."saad ko bago nag inat at tumayo para umakyat sa itaas.
"saan ang punta mo?"kuya asked.
"papahinga lang sa taas.."sagot ko na tinanguan naman nito.
Pinili ko ang kwarto ni lola Isabela dahil malinis ito hindi gaya ng ibang kwarto.
Hindi ako makatulog at hindi ako mapakali sa pagkakahiga kaya naman kinuha ko ang diary ni lola Isabela.
Tamad na binuklat ko yun at humihikab na nagbasa.
Hindi ko makakalimutan ang gabi na nakita ko si Eduardo at ang kapatid ko na masayang nagkikita sa treehouse na gawa nila..masaya ang aking kapatid kahit pa inanunsyo niya ang damdamin kay ginoong Fernan.
Nilipat ko pa ang pahina para magbasa.
Puno ng galit ang aking nadarama pagkat mahal ng lalaking aking gusto ang kapatid ko na pumatol sa isang tagabukid lamang at tagalingkod!
Humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawa..nagpanggap akong si Veronica at naibigay ko ang aking sarili kay ginoong Fernan.
Napabalikwas ako ng bangon sa nabasa ko.
She pretended to be me?
Tinanong ko sya about dun pero sinabi nya na ako ang nakipagkita kay ginoong Julio!
She's so wicked!