"sis help me with this.."tinulungan ko si kuya na nag aayos ng bombilya para sa gabi ay may ilaw kami.
"kuya naisip ko lang..nakausap niyo na ba yung taong tumulong sa akin ng maaksidente ako?"umiling ito sa akin.
"hindi na siya nag abalang tumawag o magbigay ng impormasyon sa kanya..binigay ko naman ang calling card ko pero siguro ay talagang gusto lang tumulong ng tao.."wika nito habang iniikot ang bulb.
"bihira nalang ang ganon kuya, hindi ka ba nagtataka?"pinagmasdan ko siyang bumaba sa silya at magpagpag ng kamay.
"likas na matulungin ang mga taga Batanes ika nga nila.."napanganga ako sa sinabi ni kuya.
"taga Batanes ang tumulong sa akin kuya?"tumango lamang ito sa akin at walang interes na nagkibit ng balikat.
"paano mo nalaman na taga rito siya?saan dito?"pangungulit ko.
"hindi ko alam kung saan dito, nalaman ko lang na taga rito siya dahil sinabi niyang sa kanila raw sa Batanes ay kusa ang pagtulong at hindi na kailangan pang humingi ng kapalit.."walang ganang sagot ni kuya sa akin habang may kinakalikot sa karton na pag aari nila lola Isabela.
"wow!"nawala ang pag iisip ko tungkol sa taong tumulong sa akin ng maaksidente ako dahil sa pagkamanghang yun ni kuya.
"bakit kuya?"sinilip ko ang hawak niya na sa tingin ko ay isang painting.
"totoo ba ito sis?!look!"itinapat niya sa mukha ko ang painting.
"ano ba kuya! wag masyadong malapit noh!"bahagya kong tinulak ang painting na halos ipahalik na sa akin ni kuya.
Ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko ng makita ko ang sarili ko ngunit nakasuot ito ng isang tiara sa ulo at parang pang reyna ang damit na kulay maroon.
Isang balloon dress na kulay maroon at mga nagkikislapang malilit na diamonds.Wala sa sariling hinaplos ko ang larawan na ito nang mahagip ng mata ko ang isang initial mula sa ibaba.
"kamukhang kamukha mo siya sis!"panggigilalas ni kuya pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako sa sulat kamay na nasa ibabang parte ng painting.
E.V.E
"sinong Eve?"tanong ni kuya.
"aba malay ko kuya!"ingos ko pero nakadama ako ng panlalambot ng tuhod at panginginig ng kamay.
Nararamdaman ko rin ang pag init ng sulok ng aking mata.
"aakyat na ako kuya..magpapahinga na ako."saad ko.
"ahm..okay sige..goodnight sis.."he kissed my forehead kaya ngumiti ako sa kanya bago ako tumakbo paakyat.
Padapa akong sumalampak sa kama at ibinuhos ko ang damdaming kanina ko pang pinipigilan.Impit na iyak ang ginawa ko at pigil ko ang ingay ko sa paghagulgol para hindi marinig ni kuya na sa tingin ko ay nasa kabilang kwarto lang.
Maliwanag na sa labas ng makatulog ako sa kakaiyak.Nagising ako na tirik na ang araw.Himala dahil hindi ako ginising ni kuya.
Bumangon ako at nag inat.Naligo ako at nag ayos ng sarili.Thank God at hindi mahirap ang tubig at kuryente dito.
Pababa na ako sa sala ng maulinigan ko ang pag uusap ng dalawang tao.Ang isa ay sure akong si kuya pero hindi ko kilala ang boses ng isa pa.
"kuya?"tawag ko kaya pareho silang napalingon sa akin.
Agad nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang lalaking kausap ni kuya.
"Mr. De Silva.."anas ko.
"goodmorning Ms. Onica may pinag uusapan lang kami ng iyong kapatid.."napatango nalang ako sa kanya bago ako bumaling sa kapatid ko na nanunuri ang binabatong tingin sa akin.
"may pagkain sa kusina naghanda na ako sis.."usal nito.
"kay."tamad na sagot ko bago ako pumunta sa kusina.
Halos mapatili ako ng bumungad sa akin ang painting ni Veronica.
"darn!kuya!"inis na bulong ko.
Habang kumakain ako mag isa ay hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang painting.I sighed.Ano na kaya ang nangyari pagkatapos ng gabing yun?napahawak ako sa anit ko at napangiwi.
Ramdam ko parin kung gaano kasakit ang paghatak dun ni Don Hector.Kamusta na kaya si Eduardo?naging ligtas ba siya?
Pinagmasdan ko ang itsura ni Veronica sa painting.Kumunot ang noo ko dahil parang may mali.Lumapit ako at pinakatitigan yun.
Sigurado ako kagabi na itim na itim at diretso ang buhok nito na nakalugay at nakasabit sa kaliwang balikat nito.Pero ngayon na nasisinagan ito ng araw ay kakulay ito ng buhok ko na medyo reddish brown at wave ang dulo.
"paanong.."usal ko sa sarili ko.
Hindi makapaniwalang umiiling ako habang umaatras ako palayo sa painting.Kinilabutan akong bigla at ng makaramdam ako ng pagkahilo ay kinabahan agad ako.
"no!no!"umiiling na anas ko.
Ayoko ng bumalik pa sa nakaraan!please tama na!
Patuloy parin ang paghatak ng kung ano sa aking kaluluwa at nararamdaman kong malapit na akong mabuwal.Humawak ako sa gilid ng lamesa.
"kuya!kuya!"sigaw ko.
Mga yabag papalapit sa akin ang narinig ko bago ako nilamon ng dilim.
"kuya!"napalikwas ako ng bangon.
"anak!"nang makita ko ang nag aalalang mukha ni donya Bettina ay bumulalas na ako ng iyak.
"no..no!"humahagulgol na tinakpan ko ang mukha ko.
"anak.."niyakap ako nito at marahang hinahaplos ang likod ko.
"tahan na narito ang iyong ina.."sambit nito pero patuloy lang ang pag iling ko at pag iyak.
No!it can't be!ayoko na rito! ayoko na sa mga mapangmatang tao na ito!
"hindi pa patay ang anak mo Bettina.."natigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang boses ni Don Hector.
"tama na pakiusap Hector!"nagmamakaawang saad ni ina.
"hanggat hindi napaparusahan ang batang iyan at ang kalaguyo niya ay hindi ko matatanggap ang anak mo bilang isang Hermosa!"bulyaw nito.
"ama hayaan na natin sila..pasasaan ba at lalabas rin ang katotohanan sa relasyon nila ng tagalingkod na yun.."naningkit ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Isabela.
"how dare you!"agad akong bumangon at lumapit sa kanya.
Hinila ko ang buhok niya kaya napasalampak ito.Sinigurado kong mangungudngod ko ang pagmumukha ng lola kong bruha!
"itigil mo iyan Veronica!"awat sa akin ni ama pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ang pagngudngod ko sa mukha ni lola sa sahig.
Si ina naman ay nakamasid lamang at umiiyak.
"sumusobra ka na!"sigaw ko.Di ako nakuntento at sinakyan ko siya at pinagsasampal.
"Veronica!"hinahatak ako ni ama palayo sa katawan ni ate Isabela pero kumakapit ako sa buhok nito kaya lalo itong napapaiyak sa sakit.
"nasasaktan ako ano ba!"piksi nito pero napangisi lang ako.
"Now I will give you the taste of your own medicine!"inuntog ko ang ulo niya sa tabla namin.
"anak tama na!"awat na rin ni ina.
"napakasinungaling mo!anong klase kang kapatid!"sigaw ko habang pinagsasampal siya.
"sinabing tumigil ka na!"isang sampal mula kay ama ang nagpatalsik sa akin paalis sa katawan ni Isabela.
Umiiyak na yumakap si ate kay ama na masama naman ang tingin na ipinukol sa akin.
"hindi ko inakala na magagawa mong saktan ang iyong kapatid Veronica!"sigaw ni ama.
"wari ko ay..hindi na k-kita kilala.."humihikbing sabat ni ate.
Umirap ako sa kanya.Kung si Veronica ay tahimik lamang at hindi lumalaban ay ibahin niyo ako!
"kaya kung ako sa iyo mag iingat ako ate.."pairap na wika ko at lumabas ako ng kwarto.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi ng aking pisngi.
"senyorita..anong nangyari sa inyong pisngi?halika at gagamuti---"
"wag na Felisita..dahil tulad nila ay nagsinungaling ka rin sa akin.."natigilan ito sa sinabi ko kaya nagpatuloy na akong lumabas ng bahay.
Dumiretso ako sa tabing dagat.Malungkot na naupo ako at tiningala ang asul na kalangitan.
"I hope you're doing fine..Eduardo.."naiiyak na anas ko bago ako pumikit at sumandal sa batuhan na hindi abot ng alon.
Now I know why Veronica chose this place to die.It became my sanctuary too whenever I'm lonely and down.