Akda 21

1310 Words
"senyorita.." nilingon ko ang tumawag sa akin na si Felisita. Nakatanaw lamang ako sa bintana mula sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nandito nanaman ako. I sigh. "may kailangan ka ba?" mula ng malaman ko ang kasinungalingan ni Felisita sa akin ay naging mailap na ako sa kanya. I know that she's my lola in the future pero hindi ko rin naman siya naabutan noon dahil namatay siya hindi pa man din ako naipapanganak. " uhm... Nasa ibaba po si ginoong Fernan.." atubiling wika nito. "pakisabi na ayoko na munang tumanggap ng panauhin ngayon.." I said in a cold tone. Tumango ito sa akin bago marahang lumabas ng aking silid. Nagsimula nanaman mag tubig ang mata ko. Inis na pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako napupunta sa panahong ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itama gaya ng sinasabi ng lola Isabela ko. "nais ko lamang siya masilayan pakiusap.." "ngunit ginoo.. Sa ngayon ay hindi gusto ng aking senyorita ng panauhin.." Boses ni ginoong Julio at ni Felisita ang naririnig ko at pakiwari ko ay nasa tapat na sila ng nakalapat kong pintuan. Naglakad ako palapit roon upang buksan ang pinto at tumambad sa akin ang dalawang tao na kanina pa nagtatalo. " binibini.. "lumiwanag ang mukha ni ginoong Julio ng makita niya ako. " patawad senyorit---" " Iwan mo na si ginoong Julio.. "putol ko sa nais sabihin ni Felisita. Yumuko ang tagapaglingkod ko at dali daling umalis kaya agad kong binalingan si ginoong Julio. " nakita mo na ako tulad na rin ng iyong gusto.. Maari ka ng umalis.. "walang ganang taboy ko sa kanya. " ngunit---" " pakiusap ginoo.. Ayoko na muna ng kahit na anong salita galing sa iyo o sa kahit na sino mang tao sa bahay na ito.. "tamad na tinalikuran ko na siya at muli kong sinara ang pintuan ng silid ko. I heard a footsteps. Thank God he's walking away. Kinahapunan ay tahimik lamang ako habang kumakain at nakatuon lamang ang buong pansin ko sa aking plato. " nakarating sa akin na dumalaw raw si ginoong Fernan dito.." natigil sa ere ang kutsara ko na dapat ay isusubo ko na. "at nalaman kong tinaboy mo ang ginoo Veronica.."ang naniningkit na mata na ni ama ang nabungaran ko ng mag angat ako ng tingin. " Hector... "suway ni ina rito. " pagsabihan mo ang anak mo Bettina..kung sadyang bastos iyan ay tuturuan ko iyan ng leksyon.. "napaismid ako sa narinig. Nakakapanghina na ang ganitomg sitwasyon yung para bang ako yung Black sheep lagi sa pamilya. "anak.."nakikiusap na tinignan ako ni ina. " bakit ina?mali ba tumanggi sa panauhin kung wala ako sa huwisyo upang tumanggap ng bisita? "disappointments. Yun ang nakikita ko ngayon sa mukha ng tumatayong ina ko sa panahong ito. I almost taste the bitterness in my thoughts. " tapos na ako.. "tumayo na ako at lumabas ng kusina. Napahinga ako ng malalim ng makita ko na madilim na at tanging mga bituin nalang ang karamay ko sa panahong ito. Naglakad lakad ako upang humupa ang nararamdaman kong awa sa aking sarili. " taliwas sa aking inaasahan ang aking nakikita ngayon.." napabaling ako sa nagsalita. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa madilim at wala namang ilaw rito malapit sa dagat. "s-sino yan?" kinakabahang napaatras ako ng marinig ko ang paghakbang niya palapit sa akin. "Veronica.." napasinghap ako ng tumama sa mukha ng kung sino ang liwanag na mula sa buwan. "E-Eduardo?" wika ko ng makilala siya. "ano ang bumabagabag sa iyo at mukhang malungkot ka?" nag iwas ako ng tingin sa kanya. "Veronica.." may tila babala ang boses nito sa akin dahil sa ginawa kong pag iwas ng tingin sa kanya. "hindi ka dapat narito.." bagkus ay wika ko. "at bakit hindi?" tanong niya habang patuloy na lumalapit sa akin. Napalunok ako. Bakit nga ba? "delikado sa iyo.. Hinahanap ka ng mga---" "pero hinahanap rin kita.." naumid ako ng marinig ang mga iyon sa kanya. "b-bakit mo ako hinahanap?" nauutal na tanong ko sa kanya. Dama ko na ang panlalamig ng kamay ko hindi ko mawari kung dahil ba sa simoy ng hangin o dahil sa kaba na dulot ng taong kaharap ko ngayon. "bakit ka malungkot?" balik tanong sa akin nito. "hindi naman sa g-ganoon.." nahihiyang wika ko. "Veronica.." akmang lalapit nanaman ito sa akin pero umatras ako palayo kaya natigil ito sa paglapit. "pakiusap Eduardo.. Umalis kana habang wala pang nakakakita sa iyo.. Bawal kang makita rito.." kinakabahang anas ko habang tumitingin sa paligid. He just smirked at me. Ano bang gustong mangyari ng lalaking ito? ito ako at kinakabahan na sa pwedeng mangyari sa kanya kapag may nakakita sa kanya rito pero siya ay balewala lang at parang natutuwa pa siya sa sitwasyon. "nagbabalik na ba ang aking Veronica?" napaangat ako ng tingin sa kanya. What does he mean? "nag aalala kana muli sa akin at sa maaring mangyari kapag nahuli tayo.. Gaya noon.." napasinghap ako sa narinig. Am I really starting to care now? "hindi ako nakikipagbiruan Eduardo!umalis kan---" napagil sa aking lalamunan ang nais kong sabihin ng bigla niya akong hinigit at niyakap. Bakit ganito? Parang gusto kong umiyak at mag sumbong sa kanya sa mga nangyayari sa akin sa bahay. Napapikit ako ng marahan niyang halikan ang aking buhok. "hindi ko maiwasang hindi ka lapitan lalo na at nakita kitang malungkot.." bulong nito na mas lalong humaplos sa aking puso. Nagsisimula ng manlabo ang aking mata dahil sa nakaambang luha. Akala ko ay tuluyan na niya akong iniwan ng ibinigay niya ako pabalik sa pamilyang ito. "ibig sabihin pinagmamasdan mo lamang ako mula ng umalis ako sa islang yun?" mahinang bulong ko rin habang yakap niya ako. "nais kong masigurado na masaya ka sa kanya Veronica.. Bago ako sumakay ng barko palabas ng Pilipinas.." napahigpit ang yakap ko sa kanya ng sabihin niya yun. Nakaramdam ako ng takot na baka iwan niya na nga ako. "aalis ka?"tiningala ko siya at pinagmasdan ko ang pag igting ng panga niya. Bago masuyong tumingin sa akin. " sabihin mo lamang na manatili ako rito at gagawin ko.. Ngunit kung hindi ka lubusang magiging masaya sa pagparito ko ay maaring umalis nga ako.. "napailing ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Nakaramdam ako ng kapayapaan mula sa mga yakap niya. I feel safe. " bawal ka rito.. "anas ko parin. " pinagbawal rin ng diyos na kainin ang mansanas na galing sa ahas ngunit kinain parin iyon ni Eba at Adan.. "napasinghap ako sa winika niya. Is he saying na he's willing to be like Eve and Adan? " mapapahamak ka.. "takot na wika ko. " mapapahamak? oo.. Pero handa ako sa ano mang darating na kapahamakan basta't nasa tabi kita.. "tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. " masasaktan ka lang Eduardo.. "garalgal na anas ko. Napansin niya ata ang aking pag iyak dahil sa boses ko kaya humiwalay siya sa akin at masuyong hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at itinaas ang aking mukha para magtama ang aming mga mata. "hindi nila ako masasaktan Veronica.." bulong nito bago masuyong pinunasan ang luha sa pisngi ko. "paano ka nakakasiguro?" tanong ko parin. "pagkat ikaw lamang ang may kakayahang saktan ako hanggang sa ikamatay ko.." tuluyan na akong napahagulgol sa sinabi niya sa akin. It felt so warm and pure. Like a new bloom flower and a beaming light. He's my supposed-to-be future in this past. I cried at hindi ako binitiwan ni Eduardo sa makatuwid ay hinihimas niya ang likod ko to calm me. He sighed. I know from the way that he's breathing he is controlling his emotions. I really like this man lola but I know its not me whom he loves.. Its Veronica. How I wish na sana ay nakilala kita sa panahon ko.Sa panahong kaya kitang ipaglaban tulad ng ginagawa mo ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD