Akda 22

1270 Words
Hanggang ngayon ay tulala parin ako. Paanong nainlove ako sa isang yun? I sighed. Hindi ako sure kung ako ba talaga itong nakakaramdam ng ganito o si Veronica. "mabuti naman at nakita kita.."kumunot ang noo ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko at mabining hinahangin ang buhok. "may kailangan ka ba sa akin?" kunot noong tanong ko. Napansin ko ang pag iling niya bago tumabi sa akin sa pagkakaupo ko sofa sa sala. "galit ka parin ba?" takang pinagmasdan ko ang babae dahil sa sinabi nito. "bakit naman ako magagalit sa iyo ni hindi nga kita kilala.."pagkuwan ay wika ko. "galit ka nga.."the lady confirmed. "huh?" confused na tinignan ko siya. "Veronica kapakanan mo lang naman ang iniisip ko..hindi ko inasahang sobrang sumama pala talaga ang loob mo dahil lang hindi ko kayo sinuportahan ni Vicensio.."lalong nagsalubong ang kilay ko sa mga naririnig. "sino naman yun?"inis na tanong ko at ganoon na lamang ang pagkamangha niya sa akin. "t-totoo nga..tunay bang ikinaila mo ang tagapaglingkod na iniibig mo at ipinakulong?" napatanga ako sa kanya. "si Eduardo ba ang tinutukoy mo?"tanong ko. "sino pa bang Eduardo Vicensio Emualdez ang kilala mo? Siya nga yun diba?" parang napapantastikuhan siyang tumingin sa akin. Yun ba ang buong pangalan niya? I smiled bitterly. Even his full name hindi ko alam. Paano akong na fall sa kanya? "magandang tanghali---Amelia?" napalingon kami sa lalaking ngayon ay puno ng gulat ang nakabakas sa mukha. "ginoong Fernan.."bati ng katabi ko bago ngumiti. "kailan ka pa dumating galing Englatera?" tanong ni Julio. "kahapon lamang..nagmadali akong tumungo rito ng marinig ko ang balitang ikakasal na kayo nitong matalik kong kaibigan.."the lady said. She's my bestfriend? "sa ika dose ng Agosto nakatakda ang aming pag iisang dibdib.."masayang balita ni ginoong Julio na ikinangiwi ko naman. " dalawang buwan mula ngayon kung ganoon.."ani ng babaeng Amelia raw ang pangalan. "mabuti at tinanggap mo na.."baling sa akin ni Amelia pero may gustong iparating sa akin ang mga titig niya. " oo.. "sagot ko nalang. Naging mahaba ang araw ko dahil sa dalawang bisita. " hindi ko alam kung ano ang iyong iniisip..ngunit Veronica batid ko ang lalaking tunay na tinitibok ng iyong puso.."Amelia said as she bid goodbye. I know she's a close friend at nararamdaman kong concern talaga siya but I dont want to fully trust her. Si Veronica ang bestfriend niya at hindi ako. Masaya akong naglakad papuntang tree house kahit magdidilim na. Agad na sumilay sa labi ko ang matamis na ngiti ng makita ko si Eduardo at mukhang busy siya sa pagtingin sa isang papel. "ano yan?" napasinghap ito at napahawak sa dibdib habang nakaharap sa akin. "ginulat mo ako mahal ko.."lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo bago bumalik muli sa ginagawa. " anong ginagawa mo?"curious na tinignan ko ang mga papel. " nag aaral ako ng Ingles mahal ko.."ngumisi siya sa akin na siyang ikinalunok ko. Ang gwapong magbubukid talaga nito! "bakit?" I asked kahit na namamangha na ako sa kanya. "nais kong makaintindi ng Ingles upang magawa kitang haranahin hindi lang sa wika natin kundi maging sa dayuhang salita.."napangiti ako sa narinig. " tuturuan kit--" "hindi na mahal ko.."putol niya sa sasabihin ko. " nais kitang sorpresahin kung kaya at maghintay ka lamang.."natawa ako sa kanya kaya tumango nalang ako. This man is so pure and innocent. He's true to himself and very transparent. Totoong totoo. " siya nga pala dumating na si Amelia.."napansin ko ang pagkatigil niya sa ginagawa. "maayos na ba kayo?" nag aalalang tumingin siya sa akin. "hindi ko masabi..magulo.."saad ko dahil totoo naman. "nakokonsensya ako na ako pa ang naging dahilan ng pagtatalo niyong magkaibigan.."he said while his face is full of guilt. "maayos na kami wag kang mag alala ha?" masuyong hinaplos ko ang pisngi niya. He smiled at me bago tumango. Pinanuod ko lang siya sa pag aaral niya ng Ingles at talagang dibdiban kaya naman after 3hours ay umuwi na ako para makapagconcentrate na siya. Nakangiti pa ako ng umakyat sa batong hagdan papasok sa aming bahay. Pagbukas ng pinto ay napatigil ako sa mga taong nasa loob at tila hinihintay ang pagdating ko. "saan ka nanggaling?" ang umiigting na panga ni ama ang sumalubong sa akin. "naglakad lakad---" "nang higit tatlong oras?!" bulyaw nito. "balita ko ay buhay ang kalaguyo mo at nakita sa palengke kanina.."napasinghap ako sa narinig. " ama.. "nilapitan ko siya at nag uumpisa ng pumatak ang luha sa mga mata ko. " hindi ka na nahiya! "tinulak ako ni ama pasalampak sa sahig. " hindi ako makakapayag rito kumpadre.. "I bit my lower lip ng magsalita ang ama ni Julio. " masyado nang tinatapakan ng iyong anak ang p*********i ng aking nag iisang anak! "napapikit ako sa narinig. " Fernan anak itigil na natin ang kasalang magagana--" " hindi ako makapapayag ama..kukunin ko ang dapat na akin sa ayaw at sa gusto niyo! "padabog na umalis ng bahay si Julio kasunod ang ama nito na tinapunan muna ako ng matalim na tingin bago umalis. " nakita mo na ang resulta ng kalandian mo?! "galit na galit na sigaw ni ama. " Hector! anak mo parin yan! "si ina. " wala akong anak na malandi at suwail! "padabog na umalis si ama at sumunod sa kanya si ate samantalang si ina ay napabuntong hininga na lamang sa aking tabi. " anak.. "niyakap niya ako at naiiyak na hinalikan ang aking ulo. " gawin mo ang sa tingin mo ay tama.. "wika ni ina. Tumango ako sa kanya. Tama ang magmahal pero mali ba ako ng piniling mahalin? Yun ba ang dapat kong itama? Tulala ako habang naglalakad papuntang dalampasigan.Kahit madilim na ay tumakas ako sa bahay para masabihan si Eduardo na nanganganib siya. Tumingin muna ako sa paligid bago ako lumiko papuntang kabilang daanan kung saan ay papunta sa bukid kung saan nakatayo ang treehouse. "mahal ko?"gulat na bungad ni Eduardo sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto. "Ed--uardo.."halos wala ng boses na sambit ko sa pangalan niya. "anong nangyari?"agad niya akong pinapasok sa loob ng treehouse. "kailangan mo ng umalis rito..may nakakita sa iyo sa palengke---" "hindi ako aalis mahal ko..hindi kita iiwan.."napatigil ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niyang yun. "hindi ba at pinag usapan na natin ang bagay na ito?..hindi kita iiwan yun ang pangako ko sa iyo.."napakagat labi ako dahil sa sinabi niya. Nung gabing magkita kaming muli ay pinigilan ko siyang umalis at umiiyak na sinabing wag niya akong iwan. He kissed my forehead. "may ipapakita ako sa iyo.."masayang hinatak niya ako papunta sa isang malaking painting. Napasinghap ako sa nakita. "natapos ko na ang iyong nais..narito ako sa iyong tabi.."wika niya habang itinuturo ang aking likuran sa litrato. Mangha namang hinaplos ko ang painting.Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang painting na nakita ko sa bahay kasama si kuya. "E.V.E?"anas ko at pinagmasdan ang painting. EDUARDO VICENSIO EMUALDEZ Bakit yung nakita namin ni kuya ay si Veronica lang ang nasa painting? Ibang iba ang painting na nakita kong nakasabit sa bahay kesa sa ngayon.Nakangiti ako at sa likod ko ay nakatayo si Eduardo na masayang nakangiti rin. "hindi ba at sinabi mo noon na nais mong magkaroon ng litrato kasama ako?kung kaya at iginuhit kita at---" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.Hindi man ako ang humiling nun dahil alam kong si Veronica pa yun ay masaya parin ako. "mukhang nagustuhan mo ang aking unang sorpresa.."natatawang wika nito. "oo Eduardo..salamat!"naiiyak na sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD