PAGBALIK ni Hannah, may hawak ng isang kitchen knife at iwinasiwas pa sa hangin. Napamulagat naman sa gulat si Duwayne sa ginawang 'yon ng babae. "Bakit ka may hawak na patalim?" usisa ni Duwayne sa dalaga nang makalapit ito sa kanya. "Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. At ang ahas na iyon, hindi sasantuhin nitong kitchen knife na hawak ko. Subukan lang nitong lumapit sa akin, tatadtarin ko talaga ito nang pinung-pino. Ang ahas na 'yon ang gagawin kong giniling!" Nanggigil na muli nitong iwinasiwas ang hawak na kitchen knife. Gabriela Silang! She's cute! hiyaw ng utak ni Duwayne. Napayuko siya at pasimpleng tumawa, iyong siya lang ang nakakarinig ng tawa niya. "Ano pa ang tinatayo-tayo mo? Umalis na tayo." Kinagat ng binata ang ibabang bahagi ng labi niya upang pigilan ang sarili na b

