NARINIG ni Hannah ang ginawang paghinga nang malalim ni Duwayne nang siya ay ilapag nito sa lupa. Malamang, nabigatan ito sa kanya. Ayaw niyang makonsensiya, dahil hindi naman niya ito pinilit na buhatin siya. "Nasaan ang sinasabi mong kuweba?" tanong niya. May itinuro ito sa kanya. Wala naman siyang nakitang butas para isiping b****a iyon ng kuweba. "Nasaan?" Pinagloloko na naman yata siya nito. "Nakita mo ang mga baging na iyon?" Tumango siya. "Ayan ang b****a ng kuweba. Hindi mo lang agad makikita dahil natatakpan ito ng mga baging." Kung titignan nang mabuti, walang mag-aakalang sa likod ng mahahabang baging na iyon ay may nakatagong kuweba. "Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa kuweba?" curious siyang malaman. Hindi naman kasi madalas lumabas ng hacienda ang lalaki. Madal

