"Si Mrs. Fuentez pa rin ang kilalang big boss ng kompanya kahit matagal na siyang namatay. Ngayo'y nalipat na ang kumpanya sa kanyang nag-iisang anak. Mr. Sungit, siya ang nag-iisang anak na lalaki na ngayon ay nagpapatakbo ng kompanya. Siya rin ang Board Chairman at ang tanging tao na kailangan masiyahan sa iyong performance, at maging sa interview nito. I'll tell you right now, siya ang tipo ng tao na mahirap kuhanin ang loob kaya mag-ingat ka sa lahat ng sasabihin mo." Bumalik ang kaba sa dibdib ni Hannah dahil sa narinig. Kaya siguro binansagan na Mr. Sungit ang big boss dahil kakaiba ang ugali. Nakita niya si Ms. Carion na nag-dial ng phone sa desk. "Sheryl, pakisabi kay Mr. Sungit na dadalhin ko na sa opisina niya ang applicant sa bagong perfume," sabi nito sa secretary ng big bos

