"I need to talk to the big boss of this company!" Maricar said hysterically. Hawak ito sa magkabilang braso ng dalawang babaeng security guard. "Let her go." Agad namang sumunod ang dalawang security guard. "At sino ka naman?" diretsong tanong ni Maricar. "Kapatid ako ng gusto mong kausap," sagot ni Steffie, galing ito sa opisina ng big boss at pabalik na sa opisina ni Enzo. "Bakit ka nagwawala rito sa lobby. Hindi mo ba napapansin na pinagtitinginan ka ng mga empleyado?" "Wala akong pakialam!" mataray na sagot ni Maricar. "Ako dapat ang commercial model ng bagong produkto. Bakit kailangan pa akong palitan?" "You really want to know? Follow me, I'll take you to the big boss's office," after saying that, Steffie turned her back on Maricar. Sinundan ng tingin ni Hannah ang dalawang ba

