THE shooting deadline arrived. The crew was also amazed by the beautiful view of the farm where the river and the waterfall are located. Napangiti si Hannah. Bumalik sa alaala niya ang araw na kasama niya si Duwayne na nangingisda sa ilog. Tahimik na saksi ang talon sa nakatutuksong tagpo sa pagitan nilang dalawa ng binata. Napasulyap siya sa male commercial model na makakapareha niya. Guwapo ito at kaakit-akit. Nahuli pa niya itong pasimpleng nakatingin sa kanya. Si Hannah ay nakasuot ng lace up back floral dress na gawa sa manipis na tela na umabot sa kanyang bukung-bukong. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kinulot ng make-up artist na kasama nila. Maliwanag ang instruction. Maglalakad siya patungo sa ilog na nasa tapat ng waterfall. Hanggang baywang lang ang lalim ng tubig. Mu

