"KUMUSTA ka na, Hannah?" Kanina pa siya tinatanong ni Froilan pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse at may malalim na iniisip. "I missed you." Napasulyap si Hannah kay Froilan. Siguro kung hindi pa niya nalaman na niloloko lang siya ng dating nobyo, baka natuwa siya sinabi nito. Sariwa pa rin sa kanyang puso't isipan ang pagtataksil nito sa kanya. "Hannah," muling tawag-pansin ng lalaki sa kanya. Hindi pa rin siya umimik. Muli niyang ibinalik ang paningin sa labas ng bintana. Nasa matnog na sila at malayo sa Maxvilla Masayahin pero nandoon pa rin ang matinding kirot sa puso niya. Kung bakit kailangan nilang maghiwalay ni Duwayne ay hindi malinaw kung ano nga ba ang mayro'n sa kanilang dalawa. Matapos ang masasayang araw na magkasama sila, isang gabi

