Kabanata 49

1010 Words

LIHIM na pinahid ni Hannah ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Humigit siya ng isang malalim na hininga. "Ako ang nagpapunta sa kanya rito," tukoy niya kay Froilan. Nakita niyang sabay na napasulyap sa kanya ang dalawang lalaki. "What?" Parang hindi makapaniwala si Duwayne sa narinig mula sa kanya. Pagak na tumawa siya. "Narinig mo ang sinabi ko, 'di ba?" Nilapitan siya ni Duwayne. "Pero bakit?" tanong nito sa kanya. "Huwag mong sabihing mahal mo pa 'yang walanghiyang lalaking 'yan, pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo?" Napakagat labi si Hannah. "Ikaw din, mahal mo pa rin si Maricar, 'di ba?" Napatingin siya sa kamay niyang hawak ni Duwayne. "Hannah, konting panahon lang naman ang hinihingi ko sa 'yo. Mahalaga ka sa akin." "Pero hindi ako ang mahal mo, Duwayne!" mabilis na sagot n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD