PINAGSILBIHAN ng dalawang kasambahay ang hindi inaasahang panauhin ng hacienda. Umupo si Señora Candida sa sofa, katapat ng inuupuan ng panauhin. "Hintayin na lamang natin ang kanilang pagdating. Namasyal sila sa bukid, at mamaya lamang ay pauwi na ang mga ito." Pinagmasdan ng matanda nang mabuti ang babae na nagsimula nang kainin ang meryenda. Sa kabilang banda… Hindi umiwas si Hannah nang angkinin ni Duwayne ang kanyang mga labi. Pinainit ng tagpong iyon ang lamig na dulot ng serpent water. Ilang minuto nilang pinagsaluhan ang halik na iyon hanggang sa siya ang pumuto nito. Tama na ang minsa'y nagpadala siya sa tukso. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya malimutan ang unang gabi nang ipaubaya niya ang kanyang sarili sa binata. Bakit nga ba ibinigay niya ang sarili rito? Ito ang malimi

