"MARICAR?" Lumapit si Duwayne sa abuela para magmano at humalik sa noo nito. "Bakit nandito ang babaeng ito?" tanong ni Maricar na nakatingin sa kanya. Hindi niya maiwasan tumikwas ang mga kilay sa tanong na iyon ni Maricar. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" ganting tanong dito ni Duwayne. Tila natameme naman ito. "Apo, maupo muna kayo," ani Señora Candida. "Pupunta lang ako sa kusina para magpahatid ng meryenda ninyo. Tiyak akong gutom kayong dalawa sa pamamasyal ng iyong nobya." "Nobya? As in girlfriend?" agad na react ni Maricar. "Yes, hija. Si Hannah, nobya ng aking apo," nakangiti pang pahayag ng matanda. "La, samahan ko na po kayo sa kusina," maagap na sabi ni Hannah. Hinawakan niya sa magkabilang siko ang matanda para alalayan sa paglakad. Tumigil siya sa harapan ni Duwayne

