SA guest room dinala ni Duwayne si Maricar. Iyon ang kwarto na ginagamit ng half-sister niyang si Steffie. Kapag may okasyon, sinasama niya sa probinsiya ang kambal niyang kapatid. Sina Aki at Steffie, kapatid niya sa ama. Hindi sila pareho ng apelyido. Dala-dala niya ang apelyido ng kanyang yumaong ina. May kalakihan naman ang kuwarto. May sariling banyo, kabinet at queen size ang kama. Babaeng-babae ang dating ng beddings na terno rin sa mga kurtina. "Siguro naman ayos lang sa iyo ang kuwartong ito," ani Duwayne. Nilapitan niya ang banyo at sinilip ang loob nito. "Malinis ang banyo. Pero huwag kang umasang gagamit ng shower kapag gusto mong maligo. Dahil tabo ang ginagamit namin dito." "No problem," sagot naman ni Maricar. Humakbang ito palapit sa nakatalikod na binata. "I missed you

