PABABA si Duwayne ng hagdan nang makuha ang pansin niya ng kuwartong inukopa ni Hannah. Nagdalawang isip siyang puntahan ang dalaga pero parang may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang tungo sa direksyon ng kuwarto ni Hannah. Maingat na pinihit ni Duwayne ang seradura ng pinto hanggang sa nabuksan niya ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing na natutulog ang dalaga. Nakadapa at humihilik pa. Malamang tulad niya'y pagod din ito dahil nanggaling pa sila sa bukid. Pumasok si Duwayne. Maingat ang kanyang mga hakbang hanggang sa makalapit na siya sa kama ng dalaga. Yumukod siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Nakakatuwang isipin, kahit araw-araw niyang nakikita at nakakasama ang dalaga, araw-araw niya itong nami-miss. Ipinagdasal niya pa ngang h

