PAGKATAPOS nilang maghapunan ay nagpasya si Hannah na magpahangin sa veranda. Samantalang si Duwayne, nakita naman niyang tumungo sa studio nito. "Kumusta naman ang pananatili mo rito?" Biglang lingon sa kanyang likuran si Hannah. Nakita niya si Maricar na nakaupo sa isang rocking chair, naka-de-kuwatro at nakahalukipkip. "Kaya pala hindi ka mahanap ng talent manager mo, dahil nagtatago ka sa samar. 'Di ko inaasahang dito pa talaga tayo muling nagkita sa bahay ng lola ni Duwayne. Small world!" Sumandal si Hannah sa railing ng veranda. "Itatama ko lang ang sinabi mo. Wala akong ginawang krimen para sabihin mong nagtatago ako." Hindi na ulit siya humarap sa hardin sa pangambang baka kapag tumalikod siya kay Maricar, bigla siyang itulak. Aba! Hindi malabong mangyari 'yon. Tumayo ito at

