MABILIS na pinigilan ni Duwayne sa magkabilang balikat ang dating nobya nang akma siya nitong yayakapin. "Ssh…" Pilyang ngumiti si Maricar. Naglambitin ito sa leeg ng binata. "Salita mo lang ang nagsasabing wala ka nang nararamdaman para sa akin pero hindi ang katawan mo, Duwayne." Binaklas naman ni Duwayne ang mga bisig ng babae. "Can you please, stop?" Napansin ni Duwayne ang mga taong naglalakad sa dalampasigan na nakatingin sa kanilang dalawa ni Maricar. "Stop, what?!" Muling sinubukan nitong lumapit sa kanya pero naging maagap siya. Pigil ang sariling tumaas ang tono ng boses na nagsalita siya. "This!" "This?" ulit nito sa sinabi niya. "Mali bang iparamdam sa 'yo na mahal pa rin kita?" Napabuga siya ng hangin. "Our relationship is over! And you know that!" "No!" matigas

