Hindi na ako nahirapang pumasok sa university at dahil iyon kay Matt. Kaya heto ako ngayon at guguluhin na naman ang katahimikan ng mundo ni Iñigo.
Pangit ang panahon at may nagbabadyang bagyo kaya maaga kaming pinauwi. Dahil ilang araw ko nang hindi nakikita si Iñigo ay pinili kong bisitahin siya ngayon.
Curse the weather. I wanted to see the love of my life!
Marami-rami pa ang mga estudyante. Kunsabagay ay signal number two palang naman at signal number three sinususpinde ang klase sa kolehiyo kapag may bagyo.
Dumiretso ako kaagad sa library. Agad akong napangiti nang namataan siya.
He was in front of a shelf and organizing books. Mangilan-ngilan lamang ang estudyante at karamihan ay panay ang sulyap sa kanya at nagngingisian.
This guy, seriously. I could only imagine how possessive I’d be once he gave in. Ipagdadamot at ipagkakait ko talaga siya.
Dire-diretso akong pumasok. Napatingin sa akin ang ilan. Mabuti na rin at wala rito iyong librarian kundi baka tinulak na ako palabas. I was still wearing uniform and it screamed indifference.
Ngiting-ngiting inangkla ko ang aking braso sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin. But he immediately recovered and wore that cold countenance again.
“Anong ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong at ibinaling muli ang atensyon sa mga libro.
Ngumuso ako. “Did you miss me? Na-miss kita.”
His head snapped back towards me. Muli ko siyang ginawaran ng isang matamis na ngiti. Huminga siya nang malalim at iniwas ang mga mata sa akin saka inalis ang braso ko sa kanya. Kumibot ang mga labi ko.
“Umuwi ka na. May bagyo.” Saka siya lumipat sa kabilang shelf.
Sumunod ako. “Sabay tayong umuwi!”
He hissed and looked at me. I was again mesmerized by the darkness in his eyes.
I despised darkness. Darkness holds many secrets-the home of the wickedness. His eyes were dark as darkness. Dangerous yet beautiful. Mesmerizing yet evil.
“This is no joke. Umuwi ka na,” tiim-bagang na aniya.
“But I still want to stay with you. Ilang araw kitang ‘di nakita, eh.”
“I told you to stop this foolishness. If you want to play games, ‘di ako ang dapat mong gawing kalaro.” His words were venomous that I could almost taste them.
Muli siyang lumipat sa kabilang shelf. Sa pagkatigalgal ko sa sinabi niya ay panandaliang huminto ang mundo ko.
Whenever I joined a game, I always made sure I’d win in the end. Kung dehado ako, hindi ako tataya. I couldn’t risk to lose. But here I was, laying all my cards for him. He was full of uncertainties but I risked it all. I didn’t know if I had chance on this but I was still trying.
I was confident he’d fall for me. But I was just confident. And when you are confident with yourself, you are willed, not even acknowledging that you might fail.
Nang nakabawi ay muli ko siyang sinundan. I wasn’t going to give up this man. Hindi ngayon at hindi bukas!
“I heard you are good at numbers,” ani ko. “Gusto ko sanang magpaturo, Iñigo. Hindi kasi ako katalinuhan sa Math, eh.”
“Can’t that wait?” asik niya sa akin.
Ngumisi ako. “So, pumapayag kang i-tutor ako?”
Kunot-noo niya akong binalingan. “No.”
Umismid ako. This guy . . . Napailing-iling ako habang nakangiti.
“May 1987 Philippine Constitution ba rito? Wala kasi akong mahanap, eh.”
Napataas-kilay ako nang narinig ang maarteng boses na iyon. Nang hanapin ko ay naabutan ko si Iñigo na may kausap na babaeng panay ang paikot-ikot ng kanyang buhok sa hintuturo niya. Pakurap-kurap din ng mga mata.
Nalingat lang ako nang ilang segundo, may gusto nang dumagit sa kanya!
Couldn’t he be less handsome sometimes? Nakakairita minsan, eh!
Napatiim-bagang ako at lumapit. Saktong paglapit ko ay umalis si Iñigo. Probably, he would look for that book she was asking for.
Mula sa pagngiti at pagsunod ng tingin kay Iñigo ay napabaling sa akin ang babae. She raked my body from head to toe. Wala na ang ngiti sa kanyang mga labi.
“You’re not from here,” aniya nang tuluyang nakalapit. “Who are you?”
Ngumisi ako sa kanya. “I’m Iñigo’s girlfriend. Kaya ‘wag kang pa-cute nang pa-cute sa boyfriend ko kung ayaw mong tapyasin ko ‘yang baba mo.”
She chuckled a bit. “Oh, my God. Another high schooler after Iñigo.” And she shook her head.
Napakunot-noo ako. “What do you mean?”
“Well, I met a lot of high schoolers like you claiming they are his girlfriend.” She leaned forward. Her smile was taunting. “Nakakaawa kayo.”
Umusok ang ilong ko sa inis. Aba’t naghahanap yata ng away ang babaeng ito!
“Iñigo is after a woman, not a girl.” Tumigil ang kanyang mga mata sa dibdib ko. “Hindi pa nga tumutubo-”
“Miss.”
Napalingon kami nang sabay kay Iñigo. Kunot ang noo niyang nagpalipat-lipat sa amin. The girl straightened her body and combed her hair with her fingers. Napahalukipkip ako at napairap.
“Thanks,” ngiting-ngiting sabi nito at hinawi pa ang kanyang buhok.
Mariin ang pagkakalapat ng mga ngipin ko. That b***h! Napatingin ako sa dibdib ko. Lalaki pa naman ang mga ito! Akala niya! Hindi pa ako disiotso kaya lalaki pa ang mga ito!
“Brat.”
Napalingon ako kay Iñigo. He looked amused and annoyed at the same time. I felt my face heating up.
“A-ano ‘yon?”
“Umuwi ka na. The storm is about to landfall hours from now. Malakas na rin ang ulan at hangin. Go home now before you get stranded.”
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Stranded . . .
“Magsasara na rin kami,” he added.
“M-magpapaturo pa ako sa’yo sa Math!” bulalas ko.
Napakurap-kurap ako nang lingunin ako ng ilang estudyante. Lahat sila ay nakakunot-noo sa akin.
“Next time.” His brows furrowed. “Can’t that wait?”
Ngumisi ako. “Hindi. B-bukas na kasi ang periodical test namin kaya . . .”
Liar. Tapos na kami!
Tinitigan niya ako. It was as if he was weighing if I wasn’t lying. Bahagya kong iniwas ang mukha sa kanya.
Huminga siya nang malalim. “Fine. But just for an hour, okay?”
Mabilis akong tumango-tango. “Sa condo mo na lang kung sasara na ‘tong library.”
Tinalikuran na niya ako at sinimulang isara ang mga bintana.
Ngiting-ngiti akong sumunod sa kanya. Kahit na iniirapan ako ng ilang estudyanteng paalis na ay hindi napalis ang ngiti ko.
Hindi siya kumontra. Sa condo niya kami!
“I find Intermediate Algebra a bit difficult.” Ngumuso ako. “Mahina talaga ‘ko sa Math. Mabuti na lang at magaling ka. Kapag nagkaanak tayo, walang problema. Magiging matalino rin sila dahil magaling ang tatay nila sa numero.”
Nang silipin ko ang mukha niya ay walang nagbago. Seryoso pa rin. Umismid ako.
I was expecting for a bicycle but he opened a door of an expensive car for me. Napatingin ako sa kanya, nakanganga.
“Get in,” he commanded sternly.
Agad naman akong tumalima. Pagkapasok ay palinga-linga ako. Cool!
“Akala ko wala kang kotse kasi nagbibisikleta ka lang no’ng nakita kita.”
“Nagkokotse lang ako ‘pag umuulan,” he coldly replied and maneuvered the car.
Hindi ko naitago ang ngisi ko habang nasa biyahe. It felt surreal! Akala ko talaga kanina ay hindi niya ako pagbibigyan. I was glad he did.
“Balita ko, may mga nagkakagusto rin daw sa’yong high schooler.” Nilingon ko siya. “Are you entertaining them, too?”
“Am I entertaining you?” agap niyang balik.
I hissed and crossed my arms.
“I don’t have time for people who are just after superficiality.”
Pasimple ko siyang nilingon. Seryoso ang kanyang mukha at tila may naalala sa sinabi niya. Depinang-depina ang cleft chin niya sa mariing pagkakalapat ng mga labi niya.
I am not after superficiality, too, Iñigo.
Ilang minuto lamang ay nasa tapat na kami ng kanyang condominium building. Malakas-lakas na ang hangin at ang ulan kaya bahagya kaming nabasa.
“Thirty minutes and you’ll go home,” he reminded me before unlocking his unit.
Palinga-linga ako nang pumasok. Malaki ang unit. Hindi karamihan ang mga gamit. He was probably minimalist. A typical home of a bachelor. Ngunit tawag-pansin ang pagiging malinis at organisado.
Iñigo was really my opposite.
He handed me a towel. “Magpunas ka.”
Ngumiti ako sa kanya. “Salamat.”
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago ako tinalikuran.
“You just put this number on the right side and divide,” paliwanag niya sa akin.
Tumango-tango ako habang nakatitig sa kanya. My eyes didn’t leave his face.
Bakit ang guwapo-guwapo niya? And I wasn’t being biased! Maraming makakapagpatunay sa katotohanang iyon.
But because of that face and frame, maraming gustong dumagit sa kanya. Oras na mapasaakin siya, sisiguraduhin kong sa akin lang siya. I’d cuff him with me if I had to!
“Naiintindihan mo ba?” baling niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at nangalumbaba. “Yeah.”
Damn it, Iñigo! I’m badly smitten! You take responsibility!
Kumunot ang noo niya. “Were you listening?”
Napakurap-kurap ako. It pulled out from reverie. “Ha? O-oo naman!”
“Then, what do you do with this number?” Saka niya itinuro ang isang numero sa papel.
Kinagat ko ang upper lip ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. He looked pissed so I awkwardly smiled at him.
“Pakiulit?”
He hissed. “I have been explaining this to you for almost an hour now, brat. Hindi mo pa rin maintindihan?”
Ngumuso ako. “Sorry naman at bobo ako sa Math.”
I’m sorry, too, but I know that lesson very well.
Hindi naman ako ganoon kabobo sa Math kaya alam ko iyon. It was just that I wanted to be with him longer.
Huminga siya nang malalim, tila kunsuming-kunsumi. “That’s it. Tama na. Umuwi ka na.”
“Pero-”
“Bring these examples I made for your reference.” Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. “It’s almost five. You need to go home.”
Napatingin ako sa bintana. Malakas na nga ang hangin at ulan.
But I still want to stay . . .
Tumunog ang cell phone ko. It was Mommy. Agad ko iyong sinagot.
“Mommy . . .”
“Nasa’n kang bata ka!”
Napangiwi ako sa sigaw niya. “N-nasa kaibigan ko po.”
“Sinong kaibigan?”
Sinulyapan ko si Iñigo na nakamasid sa akin. “K-kina Jianne po.”
“Diyan ka na muna manatili at malakas na malakas na ang hangin at ulan. May naaksidente pang trak papunta rito sa’tin kaya mabigat ang trapiko.”
Oh, the heavens was with me!
“Talaga po?” Tinaasan ko ang boses. “May naaksidente po sa ruta papunta sa’tin? At malakas na malakas na ang hangin at ulan?”
“Oo.” Nagtataka ang tinig ni Mommy. “Inulit mo lang, eh.”
“Kaya kailangan ko pong manatili muna rito sa kaibigan ko?” Tiningnan ko si Iñigo na nakahalukipkip na at bahagyang nakahilig ang ulo sa kanyang kaliwa.
See, Iñigo? The heavens is with me. Even the skies find time to weave our destiny!
“Oo nga! Bakit? Hindi ba p’wede? Kung gano’n ay-”
“A-ayos lang po kay Iñi-kay Jianne, Mommy!” agap kong sansala. “Makikitulog na lang po ako rito sa kaibigan ko kung gano’n.”
“Yes and don’t do anything stupid because I’ll know, Serafina.”
Ngumisi ako kay Iñigo. “Of course, Mommy. I won’t do anything stupid.”
Because what I’m about to do is something you’ll be grateful for in the future. A decent and good-looking man for a son-in-law!
Nang ibaba ko ang tawag ay ganoon pa rin si Iñigo, nakahalukipkip at bahagyang naka-tilt ang ulo.
I cleared my throat and lifted my chin.
“Dito muna ‘ko matutulog, Iñigo.”