Palakas nang palakas ang ulan at hangin. I could no longer see how the outside dealt with the storm. Nakataas na sa signal number three ang bagyo. Alalang-alala sa akin si Mommy. Kung hindi namatay ang cell phone ko, malamang ay tawag pa iyon nang tawag.
Nakakatakot ang panahon. But my heart wasn’t scared. Masaya ang mga paru-paro sa tiyan ko. Galak na galak. Hindi napalis ang ngiti ko mula pa kanina.
Bakit nga naman hindi? I was with the love of my life!
Sinulyapan ko si Iñigo na nasa may pinto at may kausap na matandang lalaki. Salita nang salita ang lalaki at mataman lamang siyang nakikinig habang nakahalukipkip.
Naalala ko iyong reaksyon niya nang sabihin kong mananatili muna ako sa condo niya. His expression was unreadable. Ayaw niya sa ideya. But what could he do? He had no other choice!
“I’m hungry,” nakangusong reklamo ko sa kanya nang isara niya na ang pinto at naglakad palapit sa puwesto ko.
Gumalaw ang mga labi niya at sinulyapan ang kanyang kusina. Maging ako ay napatingin doon.
Maganda ang kusina niya. Kulay brown ang cupboard. Makintab ang kanyang lababo maging ang counter. Nakatayo sa gilid ang mataas na abuhing refrigerator. It was simple just like the rest of the unit.
“May naiwang pagkain sa fridge. I’ll just heat. Do you eat pinakbet and chicken sisig?” alanganin ang kanyang tinig.
Natigilan ako. Ano ang mga iyon?
“Meron naman akong noodles and canned goods. I can-”
Umiling-iling ako at ngumiti sa kanya. “I’ll eat that pinakbet and chicken sisig.”
His eyes lingered on me while his lips moved. Tila tinitimbang niya pa kung totoo ang sinabi ko o hindi. In the end, he went to the kitchen.
Oh, my gosh. Para kaming mag-asawa! Kilig na kilig ako sa naisip.
Tumayo ako mula sa sofa at sumunod sa kanya. Nilabas niya na iyong mga pagkaing iinitin niya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti ako at tuluyan nang lumapit sa kanya.
“Mabuti na lang may generator kayo, ‘no?” untag ko sa kanya nang tuluyang makalapit.
Hindi siya umimik. Ni hindi niya ako nilingon. Nakapokus lamang siya sa pag-init ng dinner namin. Ngumuso ako at naupo sa stool sa counter.
Suplado!
“Saan kayo magbabakasyon this Christmas?” usisa kong muli. I was determined to make him talk. “Magbabakasyon kami sa adoptive parents ni Mommy sa South Korea.”
“Adopted ang nanay mo?” He tried to hide the interest in his voice but failed.
Napangiti ako at nangalumbaba. “Yeah. Her adoptive parents are immigrants in South Korea. She grew up there but decided to go back here when she reached college.”
Hindi na siya muling umimik. Inabala niya na ang sarili sa rice cooker.
Nakagat ko ang hinliliit ko habang nakamasid sa kanya.
“So . . .” I trailed off. “Saan nga kayo magbabakasyon this Christmas?”
“I’ll stay.” Bahagya akong nangilabot sa boses niyang kasinlalim ng pagiging misteryoso niya. “Hindi ko alam ang plano ng mga magulang ko.”
Napakurap-kurap ako. “Hindi ka sasama sa kanila, gano’n? Why? It’s fun to celebrate Christmas outside the country.”
“Hindi ako naniniwala sa Pasko.” Saka niya isinaksak ang rice cooker.
I was baffled with his revelation. My goodness. Hindi siya naniniwala sa Pasko? Bakit? Christmas Day is the birth of Jesus Christ! Akala ko ba naniniwala ang relihiyon niya kay Jesus?
“Bakit?” usisa ko.
“I’m not Catholic,” malamig na sagot niya habang pinupunasan ang mga kamay.
“But you believe in Jesus Christ, right? P-pa’nong ‘di kayo naniniwala sa Pasko?”
His eyes went to me. Sumikdo ang dibdib ko. Hindi man niya sinasadya ngunit maging ang mga mata niya ay suplado rin. And still . . .
“We believe in Jesus Christ but we don’t believe he was born on December 25. And the Bible doesn’t state that his birthday shall be commemorated annually.”
Napanganga ako sa tinuran niya. I knew he was this kind of guy: religious and righteous. But I was still stunned experiencing those firsthand!
His words fascinated me. I was Catholic but not really active. Bihira lamang akong makatapak sa simbahan. Just when it was Simbang Gabi or I wanted to wish for something, when my parents asked me to, and when we are required to go in our school.
I believed in Him. It was just that I wasn’t kind of serious when it came to faith.
I knew I wasn’t the only one.
Maraming tao ngayon ang pagod na sa relihiyon at pagsunod sa Sampung Utos. It’s saddening but I can’t blame them. Sa dami ba naman ng mga nangyayari ngayon sa atin, maiisip mo pa ba kung mabait ba talaga ang Diyos? Kung meron nga bang Diyos?
Minsan ay ganundin ang iniisip ko. If He is Love, bakit magulong-magulo ang mundo ngayon? Kung mahal Niya tayo, bakit tayo naghihirap? Kung nagmamalasakit Siya, bakit patuloy na sinusubok ang katatagan natin?
Nagkakaiba-iba tayo sa paniniwala. But this diversity proves to us that either way, marami pa rin ang nais na malaman ang katotohanan ng ating pinagmulan.
“Are you officially a member of your religion?” tanong kong muli.
“Not yet.” Iniwas niya ang tingin sa akin. “But I’m working on it.”
I never met anyone like him. Bihira na lamang ang lalaking kagaya niya na nagpapahalaga sa Kanya.
Then, I suddenly realized our another difference.
He was serious with his faith while I wasn’t.
Napatungo ako sa naisip.
“How did you know my religion?”
Napatingin ako sa kanya. He was on the other side of the counter. His hooded eyes were on me with wonder and interest. His arms were slightly stretched at the edge of the counter.
“I did my own research,” I proudly replied. “Siyempre, I need to know everything about my future man.”
Funny. I had never been vocal towards my feelings in my entire life. Only Iñigo had the ability to pull my sweet spirit out.
“Why are you doing this . . .” tila pagod na bulong niya at tinalikuran ako.
I saw him combed his hair violently with his fingers.
Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Opposites do attract, they say.
I just hoped our collision was beautiful.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro sa cell phone habang nagtsa-charge. Hindi ko na maistorbo si Iñigo sa kusina. Iritado na naman siya sa akin at halos hindi ako pansinin.
Pasalamat siya at gustong-gusto ko siya. Hindi ako pasensyosa kahit kanino. Sa kanya pa lang.
Tuwang-tuwang napapalakpak ako nang ilapag niya na ang mga pagkain sa mesa.
“Ikaw ba ang nagluto ng mga ‘to?” masiglang tanong ko habang pinagmamasdan ang mga ulam.
“Yes,” matipid niyang sagot saka inilapag ang umuusok pang kanin.
Kumunot ang noo ko sa mga ulam. Iyong isa ay gulay. Alam ko iyon dahil minsan ay niluluto iyon sa amin. Hindi ko nga lang alam kung anong tawag. Iyong isa, karne na umuusok pa sa plato. Napanganga ako sa pagkamangha. Minsan ay ino-order iyon ni Daddy sa restaurant.
“P’wedeng-p’wede ka na palang mag-asawa kung gano’n.” Tumungo ako at kinagat ang ibabang labi ko.
His future wife was the luckiest. Guwapo na, relihiyoso na, magaling pang magluto!
Sana ako ang babaeng iyon . . .
“Hindi sa pagiging maalam sa gawaing-bahay binabatay ang kahandaan sa pag-aasawa,” kontra niya sa akin.
Pabiro akong napairap. “Ewan ko sa’yo.”
Masarap ang mga luto niya. Kung hindi lang ako nahihiya ay kanina pa ako nakapangatlong kanin.
Hindi mawala-wala ang ngisi ko habang nasa hapag. Kilig na kilig ako! Hindi ko alam kung napapansin niya iyon dahil nakatungo lamang siya at pokus na pokus sa pagkain.
He ate his food like a monarch. Mabagal ang pagnguya niya at nakakamangha kung paano niya hawakan ang kutsara at tinidor. Napansin ko ang mga daliri niya. Napakurap-kurap ako nang napagtantong malakandila ang mga iyon.
Every thing about him was beautiful!
“Ako na ang maghuhugas,” I volunteered when he finished eating.
His eyes went to me. “Ako na.”
Ngumuso ako. “Ako na kasi! Nakakahiya na kaya sa’yo. Nakituloy na ko’t nakikain. At least I have to do something, right?”
Kumunot ang noo niya. “I let you in wholeheartedly. Just stay put and . . .” Iniwas niya ang mga mata sa akin.
“And . . .?” Anticipation filled me.
Huminga siya nang malalim at umiling-iling. “Ako na ang maghuhugas. Baka basagin mo pa ang mga plato at baso ko.”
Nanlaki ang mga mata ko. Tumayo na siya at iniwan ako.
Ganoon ba kahalata?
Kailangan ko na yatang mag-aral ng mga gawaing-bahay.
“Hindi ka pa raw nagkaka-girlfriend,” untag ko mula sa likuran niya.
Napansin kong natigilan siya sa tanong ko. I grinned.
So I was right.
“Kanino mo nalaman ‘yan?” iritadong tanong niya sa akin at pinagpatuloy ang paghuhugas.
Lumapit ako sa tabi niya. Tumawa ako nang nakita ang mga gitla sa noo niya.
“I told you, I did some research about you. So . . . tama ang nakalap kong impormasyon?”
He hissed. Ngumisi akong muli.
Mas inosente pa yata siya kaysa sa akin.
“Ano?” pangungulit ko at sinilip ang kanyang mukha. Nakatiim-bagang na siya sa inis. “Hindi ka pa nagkaka-girlfriend?”
“Ano naman ngayon sa’yo kung gano’n?”
Kumibot ang mga labi ko, pinipigilang mapangiti. Damn this guy! Hindi ko pa rin napigilang magulat!
Bente anyos na siya. And he never had any girlfriends! Boys his age already had their fair share of women.
I wondered if he was still a virgin.
Napabungisngis ako sa naisip. Nilingon niya ako. Tumikhim ako at tumahimik. Nang balingan niyang muli ang ginagawa ay tinakpan ko ang bibig para maitago ang ngisi.
I wanted to ask him but that would be awkward. Baka tuluyan na siyang magalit sa akin at palabasin ako rito.
“Bakit ‘di ka pa nagkaka-girlfriend?” Pinapaikot ko ang buhok sa aking daliri. “No’ng nalaman ko nga, ‘di ako makapaniwala. Ang guwapo-guwapo mo kaya! Hindi lang ‘yon. Matalino at talentado pa! You have lots of girl fans! Ang dami-daming nagpapapansin sa’yo tapos . . .” I trailed off and sighed. “Pihikan ka siguro . . .”
“Hindi ako nagmamadali,” pagtatama niya. “Being in a relationship is a serious matter. I don’t take it lightly. They’re after what I have, not for who I am. And I don’t like it.”
Napalunok ako. Tinamaan ako roon. I remembered my previous relationships. All were products of superficiality. Karamihan ay dahil sa laro namin ng mga kaibigan ko. Iyong iba naman ay dahil sa challenge, sa makukuha ko, sa mababaw na nararamdaman, at may maipagyabang lang.
I just realized how bratty and shitty I was. Guilt ate me wholly.
I had bad records. Now that I found someone whom I was ready to take seriously, I felt so insecure of myself. Nakakahiya iyong mga pinaggagagawa ko noon. Samantalang siya, malinis na malinis ang nakaraan. To think I was younger than him.
Wow. I wasted most of my life, huh.
“G-gano’n ba . . .” Napakamot-ulo ako at pilit na ngumiti.
Hindi na niya ako inimik.
If he thought I was just after what he had, nagkakamali siya. How I wished I was. But no, I was sure I wasn’t.
Tama nga yata talaga ako. Pag-ibig yata talaga itong nararamdaman ko.
Nilingon ko siya mula sa pagkakatitig sa TV. Nagtama ang mga mata namin. Matipid akong ngumiti sa kanya. Hindi niya iyon sinuklian.
Ang sungit talaga.
“Nabasa ka kanina, ‘di ba?” he asked as he occupied the vanity seat next to the couch where I sat.
“Oo,” sagot ko saka ibinaling muli ang mga mata sa TV.
Napalingon akong muli sa kanya nang tumayo siya. Tumungo siya sa isang pinto, probably his room’s. Ibinalik ko muli ang mga mata sa pinapanood.
Paiyak na ako nang umaamin na ang babaeng bida na may leukemia siya sa boyfriend niya nang may ipinatong sa center table si Iñigo. Binalingan ko iyon. It was a white button-down and a denim shorts.
Hinawakan ko ang button-down at niladlad iyon. Napanganga ako. It probably reached just half of my thighs.
“Nasa labahan karamihan sa mga damit ko. That’s the most decent clothes I could offer,” aniya at naupo nang muli sa vanity seat.
Ngumuso ako. Puwede na siguro ang mga ito.
“Where can I change?” tanong ko matapos tumayo.
“You can use my room. Or the bathroom.” At itinuro niya ang pasilyo. “Naro’n ang banyo.”
“Sa kuwarto mo na lang.” Sabay ngiti ko.
Gumalaw ang mga labi niya at iniwas ang mga mata sa akin.