Tinungo ko ang kuwarto niya. Nang nakapasok ay napanganga ako sa pagkamangha.
Malaki ang kuwarto niya. His queen-size bed was covered with white sheets. Sa taas noon ay isang Bible verse na nakapaloob sa isang maarteng picture frame.
Agaw-pansin ang haliging gawa sa salamin na tinatakpan ng mga kurtinang puti. Sa tabi noon ay isang computer set. May isang bedside table at ilang metro mula roon ay isang study table. May bookshelves din siya kung saan karamihan ay mga relihiyosong literatura ang laman. In front of the bed was the latest model of a well-known TV brand. Meron ding DVD player at ilang DVDs. May dalawang pinto rin na hula ko ang isa ay banyo.
Malinis na malinis ang kuwarto niya. Organisadong-organisado.
Matapos kong magbihis ay sinuklay-suklay ko ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri ko. When I got contented, that was when I went out.
Nilingon ako ni Iñigo. Napakurap-kurap siya at nagsalubong ang mga kilay niya. Ngumiti ako sa kanya at sinimulang itupi ang mga manggas.
“You didn’t wear the shorts I gave you,” aniya nang tuluyan akong nakalapit sa kanya.
“Masyadong malaki. Ang sagwa tingnan sa’kin. Naka-cycling naman ako. Don’t worry.” Nginisian ko siya.
Pumalatak siya, umiling-iling, at iniwas ang mga mata sa akin.
Humalukipkip ako pagkaupo at ipinokus ang mga mata sa TV. But my mind, my other senses, were on him. Kumibot ang mga labi ko sa pagpipigil ngumising muli.
I saw how he looked at me earlier. He was kind of bothered. And I liked it.
My righteous guy was bothered with his clothes on me. Gusto kong tumawa nang malakas sa ideyang iyon.
“Iñaki goes to another university. Bakit ‘di kayo magkasama sa iisang eskwelahan?” basag ko sa katahimikan mayamaya.
Nilingon niya ako. Kunot ang noo niya, as if I asked the wrong question. Doon ko napagtanto na hindi ko na dapat tinanong iyon. That was a very personal question.
Kumibot ang mga labi ko.
“You know him?” Ramdam ko ang lason sa boses niya.
“Y-yeah, but not quite. I know some things about him but I haven’t met him personally,” kabadong sagot ko.
He looked like he wasn’t buying what I said. Madilim ang titig niya sa akin. Magkalapat nang mariin ang mga labi niya at depinang-depina ang panga at cleft chin niya.
“I-I know some things since h-he’s your brother, okay?” patuloy ko. “I-it was included in my research.”
Nakahinga ako nang maluwag nang ibaling niyang muli ang mga mata sa TV. s**t! Hindi ko maintindihan ang kaba ko!
“He wanted to study with me but his bestfriend is still in high school in their university. Ayaw niyang iwan lalo na’t maraming lalaking aaligid-aligid. He’ll decide if he still wants to study where I do once Anaddy reaches college.”
“Anaddy, ‘yong ,” tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo. “babaeng k-kasama mo sa g-grocery store no’n?”
Nilingon niya ako. His eyes pierced through me. Napalunok ako.
“Yes,” he confirmed, eyes never leaving me.
Nakakalusaw ang mga mata niya. Hindi mapakali ang mga daliri ko. Iniwas ko rin ang tingin at tumungo.
Kapag ganito siya, nauumid ang dila ko. Sanay ako na tahimik siya at halos hindi ako tingnan kapag nilalandi ko siya.
Ni hindi niya ako nilalandi. Nakatitig lamang siya sa akin nang seryoso. But s**t. Nagkakabuhol-buhol ang utak ko sa simpleng kilos niya!
Malakas ang bagyo sa labas. But my internal storm was stronger.
If it weren’t for the blinding lightning and deafening thunder, the sweet serenity could have lasted longer. Napakislot ako sa nakakagimbal na kulog na iyon.
And to add up to my agony, the lights died.
“Alas diez na pala,” dinig kong bulong niya.
“Bakit? Anong meron sa alas diez?”
“Papatayin ang generator.” I saw him stood up when my vision finally adjusted to the darkness.
Tumayo na rin ako. Nakakakilabot ang kidlat! Pinigilan kong mapatili nang kumulog nang malakas. Buwisit!
“Matulog na tayo,” anunsyo niya nang lumipas ang kulog.
Sumikdo ang dibdib ko. “Magtatabi tayo?”
“Hindi,” aniya, bahagyang gulat. “You’ll sleep in my room. Dito ako sa sala.”
Ngumuso ako. Nang naglakad siya papuntang kuwarto niya ay sumunod ako. Pinagmasdan ko lamang siyang kunin ang isang unan at isang kumot.
And another lightning and thunder broke.
Napatili ako at napatakbo sa kanya. I felt him stiffen when I wrapped my arms around him. Muling kumulog at kumidlat. I tightened my arms around him and my eyes were firmly closed.
Hindi niya ako tinulak. Hindi siya umimik. He just let me violate his personal space.
Ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib sa ulo ko. Our promixity calmed yet waged war inside me.
Another lightning came which lit up our surrounding. I saw our shadow. And it was perfect., like we were made for each other. Him, filling my gaps and me, filling his.
The lightning wasn’t followed by a thunder. Kahit nanghihinayang ay pinakawalan ko na siya. Huminga siya nang malalim nang tuluyan kong mabawi ang mga braso mula sa kanya.
I bit my lower lip in annoyance. “Sorry. Takot kasi ‘ko sa kulog, eh.”
“It’s okay,” banayad na sagot niya. “You better sleep. It’s late.”
Dahan-dahan akong tumango-tango.
He was about to leave when I held his hand. Narinig kong napahinga siyang muli nang malalim dahilan para bitiwan ko ang pagkakahawak sa kanya.
“C-can you stay?” I asked. “Natatakot ako na baka kumulog na naman. Kahit hanggang sa makatulog lang ako.”
Hinarap niya ako. Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil sa dilim.
“Fine,” payag niya. “Are you that scared with thunders?”
Sunod-sunod ang pagtango ko. “O-oo naman! L-lahat naman, takot sa kulog. Eh, ikaw? H-hindi ka ba takot?”
“No,” walang kagatol-gatol na sagot niya.
Umismid ako.
“You can leave me once I fall asleep,” ulit ko. “Baka isipin mo na i-inaabuso ko na ang k-kabaitan mo . . .”
“Just lie now on the bed. Hihintayin kitang makatulog,” saad niya at lumayo sa akin.
He went to his study table. Hinarap niya ang upuan noon sa direksyon ko at naupo habang nakahalukipkip.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Ramdam na ramdam ko ang mga mata niya sa akin. Pinigilan kong mapangiti.
“Huwag mo ‘kong iiwan hangga’t ‘di ako nakakatulog, ah,” paalala ko sa kanya saka itinaas ang comforter hanggang dibdib.
Seconds passed before he spoke. “I intend to keep my word, brat.”
Kumibot ang mga labi ko at tumalikod sa direksyon niya. “Good night, Iñigo.”
Hindi na siya umimik. Ipinatong ko ang kamay sa unan malapit sa aking mukha at pinakawalan ang ngiting kanina ko pa kinukubli.