Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang palihim na nagte-text. Our teacher continued discussing about a poem of Edgar Allan Poe in front. But that fact didn’t stop me from doing my thing.
Istrikta ang guro namin sa English. And I hardly cared right now.
Ka-text ko ngayon si Iñigo.
Pahirapan pa bago ko nakuha ang digits niya. Hiningi ko pa iyon sa isang kaklase niya. It took me a lot of conviction and money before she gave me his number.
Nalaman kong kaunti lamang ang may numero niya. The girl I extracted his digits from happened to be a groupmate of his in an activity that was why she had it.
Ang tipid niyang mag-reply at ang tagal. Minsan ay nakakailang texts na ako, iisa lang reply niya. Nakakairita!
Parang noon lang, ako iyong nanggaganito . . .
Nasa school ka? I sent.
Dahil alam kong aabutin pa nang ilang minuto bago siya mag-reply ay binalingan ko ang libro sa aking mesa.
“Make a reaction paper on this poem. Two pages. Long coupon bond.”
Groans and moans of disapproval filled the room. Kumibot ang mga labi ko at inirapan ang titser. School work na naman.
“What?” patuya nitong sabi. “Mahirap ba ang pinapagawa ko sainyo? Napakadali nga, eh!”
“Kaasar naman ‘to,” bulong ko sa sarili at pasimpleng hinugot mula sa bulsa ang cell phone.
Nang nakitang walang mensahe ay sumimangot ako at muling ibinaling ang mga mata sa titser namin na nanenermon ngayon. Kesyo ang tamad-tamad daw namin, graduating na kami at dapat nang tumino, ibabagsak niya kami . . .
Kaya nang natapos ang subject niya sa amin ay tuwang-tuwa ako. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko. Nag-iingay na ang lahat. Most were probably relieved when that b***h teacher went out like me.
“Hoy, may assignment na kayo sa Ekonomiks?” narinig kong tanong ni Jianne sa hindi kalayuan.
Nang nakuha ko na ang pitaka ko ay lumapit na ako sa kanila. Nag-uusap silang tatlo tungkol sa assignment namin sa subject na iyon.
“Nakalimutan ko nga kasing sagutan kagabi,” iritadong rason ni Jianne sa panenermon ni Samantha.
“Ba’t nakalimutan mo? Puro ka na lang kasi Chad, Chad, Chad,” paratang ni Samantha.
“f**k you!”
“Eh ikaw, Seraf? May assignment ka?” baling sa akin ni Ditas.
“Oo, meron,” mahinang sagot ko saka muling tinitigan ang cell phone.
Shit naman . . . Ano bang ginagawa niya at hindi pa siya nagre-reply?
Ilang eksaheradong singhap ang narinig ko dahilan upang balingan kong muli ang mga kaibigan ko. Nanlalaki ang mga mata nila sa akin. Si Jianne, napatakip pa sa bibig.
I hissed and looked away.
“Malapit na nga ang end of the world!”
Lumapit sa akin si Samantha at kinapa ang leeg ko. Iritadong inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
“Hindi ka naman nilalagnat,” aniya at kinunot ang noo.
“Cut it out, girls,” ani ko.
Tumawa si Jianne at tinapik-tapik ang balikat ko. “Iba pala ‘pag ang pinakamaloko na ang na-in love!”
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Ngumisi lamang siya at nagpatiunang lumakad.
“In love ka, Seraf?” gulat na usisa sa akin ni Samantha.
“Kanino?” It was Ditas.
“H-hindi, ‘no!” I denied. “Huwag kayong maniwala do’n kay Jianne.”
But their suspicious eyes didn’t leave me. Inirapan ko na lamang sila at inignora.
Buwisit ka talaga kahit kailan, Jianne!
Ilang araw na niya akong binu-bully dahil sa nalaman niya. She always gave me a knowing look whenever Samantha opened up a topic about Iñigo. And it was killing me!
“Kayo na ang pumila,” utos ni Jianne kina Samantha at Ditas matapos iabot ang pera niya. “Tinatamad ako.”
“Ako rin,” I seconded and gave them my money.
“Ano pa bang bago . . .” Ditas rolled her eyes.
Nang nakaalis na sila ay inilabas kong muli ang cell phone ko. I bit my lower lip when I saw a text message. My lips curved into a smile when it was from Iñigo.
Yeah.
The f**k. Halos mag-iisang oras akong naghintay tapos iyan lang! But . . . s**t! Kinikilig pa rin ako! What the hell!
“Sino ‘yang ka-text mo? Si Iñigo?”
Umangat ang tingin ko kay Jianne na nakangising-aso ngayon sa akin.
“H-hindi, ah,” I lied.
“‘Sus! Magde-deny pa. Eh halatang-halata naman sa’yo,” giit niya. “Nagte-text back ba sa’yo?”
Umirap ako. “Oo na, oo na. Nagte-text back siya.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga? Texter din pala ‘yan si Iñigo? Hindi halata sa kanya.”
“Mukhang hindi. Ang tipid mag-reply, eh.”
Naalala ko noong unang beses na t-in-ext ko siya. Hindi man lang ako ni-reply. Tinawagan ko at agad na ni-reject. Nang ipakilala ko ang sarili, saka lamang nag-reply. And the f**k! It took him almost an hour before he texted back! Tapos, pakiramdam ko ay galit pa siya sa pagkontak ko. Saan ko raw ba nakuha ang number niya.
“Guwapo talaga sa guwapo si Iñigo. Mayaman, talented, at independent. But . . . my God!” ani Jianne. “I know a lot of girls whom he rejected. Napaka-cold daw talaga at snob niyan. Ang hirap daw ispelingin!”
Kumibot ang mga labi ko. She was right.
Ang hirap niyang gustuhin . . . mahalin.
But it was hard to resist him, too. Kaya wala akong choice kundi sundin ang damdamin ko.
“Kaya mo bang patuloy na mahalin ang ganyan kahirap mahaling lalaki?”
Tinitigan ko sa mga mata si Jianne. “When you fall, you fall. Either you’re in or you’re out. There’s no middle ground.”
“Puta, mukhang nahulog ka na nga,” she mumbled.
Napangiti ako nang kaunti. Nahulog na nga yata ako. At patuloy na nahuhulog.
What are you doing? Muli kong text sa kanya.
Naalala ko iyong gabing nanatili ako sa condo niya. It was one of the best nights of my life. Kahit may bagyo, kahit nakakatakot ang panahon, ni wala akong pangamba. His presence was enough for me to feel secure.
Kinaumagahan noon ay hinatid niya ako agad sa amin. Maaga pa iyon. Pasikat pa lamang ang araw. I badly wanted to stay with him a little longer but he wanted the otherwise.
Ang hirap niya talagang mahalin. Ang hirap-hirap niyang basahin. Hindi ko alam kung may pag-asa ba ako sa kanya o wala. May mga pagkakataong naiisip kong tigilan nang gustuhin pa siya. I thought I was exerting efforts for something futile.
But I couldn’t seem to stop.
Nang dumating sina Ditas at Samantha dala-dala ang mga pagkain namin ay itinago ko na ang cell phone sa bulsa.
“Pakopya ako sa assignment, ah.” It was Jianne.
Umirap si Samantha. “Namimihasa ka na, ha! Hindi ka na gumagawa kasi alam mong may makokopyahan ka .”
“Sinabi ko na nga, ‘di ba? Nakalimutan kong sagutan kagabi!”
“Tse! Magsisinungaling ka pa! Ang sabihin mo, telebabad kayo ni Chad kagabi kaya ‘di mo na naalala!”
“O iniisip niya na nandito naman tayo para pakopyahin siya,” dagdag pa ni Ditas. “Grow up, Jianne! Magkokolehiyo na tayo ganyan ka pa rin? Kanya-kanya na tayo simula next year kaya dapat ‘di ka na asa nang asa na lang.”
“Sabihin niyo na lang na ‘di kayo magpapakopya. Ang dami niyong satsat!” anas ni Jianne saka umirap.
“Gayahin mo ‘tong si Seraf,” baling sa akin ni Samantha. “Nagbabago na siya.”
Eyes went to me. Agad kong nilingon si Jianne. Naroon na naman ang ngisi at tingin niyang nakakairita. Pasimple niyang itinatago ang ngisi gamit ang kanyang kaliwang kamay.
“W-what did I do?” Saka ako pilit na tumawa.
“Pansin ko lang nitong mga nakaraan,” si Ditas. “hindi ka na masyado nagpapabaya sa pag-aaral. You do your assignments, you listen well to our teachers, ‘di ka na rin nag-aayang mag-cutting.”
“In love ka, ‘no?” Ngising-ngisi sa akin si Samantha.
Nagbukas-sara ang bibig ko. Damn!
“Oh, my God.” Napatakip siya ng kanyang bibig. “Holy . . . in love ka nga!”
That was when I found my tongue. “N-no! Hindi, ah! Bakit? M-masama na bang mag-aral nang mabuti?”
Tumawa si Samantha nang malakas at tinuro-turo ang mukha ko. I held my cheeks. Ramdam ko ang init ng mga iyon. Itinakip ko roon ang mga palad na lalong nagpatawa sa kanya. Nanunudyo ang mga mata sa akin nina Jianne at Ditas.
“Who is the unlucky guy?” excited na tanong pa sa akin ni Samantha matapos makabawi sa pagtawa.
Iniwas ko ang mga mata sa kanya. “H-hindi nga sabi ako i-in love, eh . . .”
“Hay naku, Seraf. Huwag ka nang mag-deny! Halatang-halata kaya sa’yo!” giit ni Ditas. “Ayos lang naman ang ma-in love kaya ‘wag kang matakot umamin!”
Hindi nga. Ang kinatatakutan ko ay ang magiging reaksyon ni Samantha.
“Is it the guy Benj has been talking about? The guy whom you were with in a bar?”
Pinilit nila ako nang pinilit na umamin kung sino ang lalaking kinahuhumalingan ko nang matindi ngayon. Desidido rin akong itago.
Paano kaya kung hindi gusto ni Samantha si Iñigo? Sasabihin ko ba sa kanila kung sino ang gustong-gusto ko?
“Sa’yo na lang ako kokopya, Seraf.”
Nilingon ko si Jianne. Nakangisi siya sa akin. Tila sinasabing pakopyahin ko siya kundi ay may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.
“S-sige..”
“Huwag mong pakokopyahin ‘yan!” kontra ni Ditas. “Hayaan mo siya, Seraf. Let her answer her own assignment. Kung ito-tolerate natin ang attitude niyang ganyan, mas mamimihasa ‘yan.”
Unfortunately, I had to do her every bidding in exchange for her silence.
“Girls, may ipapakita akong video sainyo,” nakangiting ani Samantha habang panay ang pindot sa cell phone niya.
“s*x video?” It was Jianne. Siniko ko siya. “What . . .”
“Hindi.” Sabay irap ni Samantha.
Inabot sa akin ni Samantha ang cell phone niya. Kunot ang noo ko nang i-play ko iyon. Umusyuso na rin sina Jianne at Ditas.
Suddenly, my world fell.
Napakurap-kurap ako. Tumili si Ditas sa kilig. Suminghap naman sa tabi ko si Jianne.
“Hinarana niya ‘ko!” kilig na kilig na reaksyon ni Samantha.
Kuha iyon sa bistro kung saan may regular performance ang ArFa. May hawak na mic si Iñigo at kinakantahan ang isang babae – si Samantha.
Lumunok ako. Something broke in me. Tila isang mababasaging bagay na nahulog sa sahig.
“Hala! Ang suwerte mo!” Sabay hampas ni Ditas kay Samantha. “The Iñigo serenaded you! Puta!”
Inagaw sa akin ni Jianne ang cell phone. I was glad she did. Dahil kung nanatili iyon sa akin, baka nahulog ko na iyon. Or worse, sirain ko iyon.
Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. My eyes stung a little. Buwisit!
Hindi matigil sa kilig sina Ditas at Samantha. Enthusiastic na kinuwento ni Samantha ang nangyari. All the way, kinakalma ko ang sarili. Pinipilit kong huwag magmaktol o kaya umiyak.
Why did it hurt so much?
Kinuha ko ang cell phone ko. Mas sumakit ang puso ko nang nakitang wala siyang reply.
You serenaded Samantha, huh.
“Iyong tingin niya talaga, nakakapanghina ng mga tuhod!” patuloy na pagkukuwento ni Samantha. “My God! Alam niyo ‘yon . . .”
Kinuha ko ang cell phone ko. May mensahe at galing kay Iñigo. Mapait akong ngumiti. Kanina lang, ang tagal-tagal niyang mag-reply, tapos ngayon . . .
Yeah.
My jaw clenched. Inis na binalik ko ang cell phone sa bulsa. Damn him! To the moon and back!
Nagseselos ako. At nakakainis talaga kapag nagseselos!
I rarely got jealous. Sanay akong nasa akin ang atensyon ng mga magulang ko kaya noong nanatili nang ilang linggo ang tita ko sa amin kasama ang anak niya ay inis na inis ako. Jianne was in another section and she got attached with this b***h which resulted to my outrage. Halmeoni, Mommy’s mother, favored a cousin of mine so much that I ended up beating the girl to pulp.
Kung bata-bata pa ako ngayon, malamang ay nagwala na naman ako.
I really hated being jealous. Nagiging baliw ako kapag nadarama iyon.
The next days, hindi ko kinulit si Iñigo. Miski isang text ay hindi ko siya pinadalhan. Ilang beses ko na ring namamalditahan si Samantha.
Selos na selos pa rin ako magpahanggang ngayon. Although the serenade was a part of their performance, naiinis pa rin ako!