Kabanata 16

1089 Words
“Seraf, galit ka ba sa’kin?” malungkot na tanong sa akin ni Samantha nang hapong iyon. Umiling-iling ako. “Hindi. Ba’t mo naman nasabi?” “You seem to be. Ang sungit-sungit mo sa’kin, eh.” “Akala mo lang ‘yon,” malamig na tugon ko saka sinukbit ang bag ko. “Sa’n ka pupunta?” nagugulumihang tanong niya. “Pinapatawag tayo ng adviser natin.” “Kayo na bahala sa kanya.” Walang lingon-likod na iniwan ko siya roon. Ilang beses niya akong tinawag ngunit nagmatigas ako. Alam kong unfair itong ginagawa ko kay Samantha. But whenever I got jealous, I became illogical. Ganoon naman talaga minsan. There are times when we get jealous, we indulge ourselves to it and ignore reason. Kahit alam mong hindi naman talaga dapat ikaselos, but because you don’t like what happened, magseselos at magseselos ka pa rin. Oh, Iñigo, you bad, bad guy. Nakikita mo ba ang ginagawa mo sa bata kong puso? Palabas na ako ng gate nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na kotse. Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ang lalaking nakasandal doon. Nakapamulsa siya at bahagyang nakatungo. May sinisipa-sipa ang kaliwang paa niya na malamang ay maliliit na bato. The sun was about to set so its light was behind him. Nagmukha siyang painting mula sa kinatatayuan ko. Dahil bahagyang nakatungo ay depina ang matangos at matulis niyang ilong, ang mga labi niyang mamula-mula, at ang mga matang malalim. Nagwawala na naman ang puso ko na tila galak na galak sa nakikita gayong ilang araw ding nagluksa. Naramdaman niya yata ang titig ko kaya umangat ang kanyang tingin sa akin. I didn’t know but tears formed in my eyes. Kumurap-kurap ako para hindi iyon magsitulo. Since when did I become a crybaby? s**t. Ginagawa niya akong ibang tao. Seryoso ang mukha niya, hindi na bago iyon. Matiim ang titig niya sa akin. Tila nag-iisip kung lalapit ba siya sa akin o hindi. But then, he started to take steps. Galit ako sa kanya kasi nagseselos ako sa ginawa niyang panghaharana kay Samantha. Ngunit ngayong narito siya, unti-unting nililipad iyon at napapalitan. I missed him. Terribly. “Naligaw ka ‘ata,” bungad ko sa kanya nang halos dalawang metro na lamang ang layo niya sa akin. Did you come here for me? Did you miss me? I wanted to ask him those questions but I didn’t have the courage. Natatakot akong hindi makuha ang gusto kong sagot. Gumalaw ang panga niya at iniwas ang mga mata sa akin. Dumapo ang mga mata ko sa cleft chin niya. “No,” malamig niyang tugon saka muling ibinaling ang tingin sa akin. Sumikdo ang dibdib ko. “S-sinong . . . may sadya ka ba rito?” Tell me, it’s me. Tell me you missed me, too. Kasi, putang ina . . . miss na miss kita. Kahit galit ako at selos na selos, miss na miss pa rin kita. “Oh, my God! Hindi ba si Iñigo ‘yan?” “Holy . . . anong ginagawa niya rito?” “Why the hell is he talking to that playgirl?” “Really a slut, ‘no.” Napasinghap ako sa mga narinig at nilingon ang mga dumaraan. Hindi ko na makilala kung sino-sino iyong mga buwisit na iyon. “I-I’m not a slut!” depensa ko. “Mga inggitera lang ‘yon kaya . . .” My words were interrupted when he hissed. Magkalapat nang mariin ang mga labi niya at kaunti na lang ay literal nang magsasalubong ang mga kilay niya. “May sadya ka rito, ‘di ba?” I tried to change the subject. But his annoyed face didn’t vanish. Mas naging matalim ang tingin niya sa akin. Bahagya akong nanlambot doon. “You left this.” Saka niya inabot sa akin ang panali ko sa buhok. Tinitigan ko siya nang ilang sandali bago dahan-dahang inabot iyon. Pumunta lamang ba siya rito para ibalik sa akin itong panali? Akala ko pa naman . . . Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang panali. Kumusta ang makulong sa kamay ni Iñigo? s**t. Pati panali, kinaiinggitan ko na. “Are you mad?” My head snapped to him. Mapupungay ang mata niyang nakatunghay sa akin. Tila nagsusumamo ang mga iyon para sa kung anong hindi ko alam. Napalunok ako. “Bakit naman ako magagalit . . .” “Look. It was just part of our performance.” He bit his lower lip and harshly brushed his fingers through his hair. “Heck, why am I even explaining to you . . .” Napaawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa napagtanto. Did he come here for me to explain about the serenade? Dahan-dahan akong tumungo at pinakawalan ang ngiti. Nangyayari ba talaga ito? “Nagselos ako,” deklara ko habang nakatitig sa mga paa ko. “I know it’s kind of . . . childish but . . . when it comes to you, whatever the situation is, I want it to be me. Walang iba. Ako lang.” If you want to serenade someone, serenade me. If you want to kiss someone, kiss me. If I’m not around, then don’t do anything. Hindi siya kumibo kaya inangat ko ang tingin sa kanya. His smoldering eyes were on me. Tla tinatantiya kung totoo ang mga sinabi ko. Kagat niya ang ibabang labi kaya napatingin ako roon. How would it feel to kiss him? Umiling-iling siya at iniwas muli ang mga mata sa akin. Ngumuso ako. He didn’t believe me, huh? “Did you come here for me, Iñigo?” “No,” walang kagatol-gatol na tugon niya. Ngumuso ako, nangingiti. Tuluyan nang naapula ang galit at selos ko. Ilang araw iyong nagningas ngunit pagkakita ko lamang sa kanya ay namatay agad iyon. Nang talikuran niya ako ay nakangiting sinundan ko siya. Inangkla ko ang aking braso sa kanya. His eyes went to it then to my face. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis. “May gig kayo, ‘di ba?” “Yeah,” tipid niyang sagot at ibinaling ang atensyon sa pinto ng kanyang kotse. I bit my lower lip while my eyes were fixed on his face. “Can I come? Pambawi mo sa pagpapaselos mo sa’kin.” Nilingon niya ako. Amusement was dancing in his pitch black eyes. “Please, please, please?” Pinakurap-kurap ko ang mga mata. “Fine,” pagsuko niya at binuksan na ang pinto. “Get in.” Impit akong tumili at agad na pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD