Habang pinagmamasdan ko siya mula sa shotgun seat, hindi ako makapaniwalang narito ako ngayon. Kasama siya. Seryoso niyang minamaneho ang sasakyan kaya malaya ko siyang napagmamasdan.
Hindi ko napigilang mapangiti. How could someone be this gorgeous? God could be unfair sometimes, huh.
Ayos lang sa akin na may pagka-snob, suplado, at pagka-cold si Iñigo. Kahit nakakainis ay ipinagpapasalamat kong ganoon siya. If he was a normal guy of his age, malamang ay kabi-kabila ang mga babae niya. With the status and looks, hindi mahirap na makasilo siya ng mga babae. Ngayon ngang snob, suplado, at cold siya ay marami nang nagkakandarapa sa kanya, what more if he was friendly and nice?
Imagine the horror . . . my horror.
I never felt this way towards anyone. Iyong tipong gusto kong maganda ang impression niya sa akin. I wanted him to see I deserved his second look, his attention. All my life, wala akong pakialam kung anuman ang tingin sa akin ng mga tao. Ngayon lamang.
Damn it, Iñigo. Are you even aware what you are doing to me?
Tumigil kami sa isang bar, as usual. Takip-silim na at paunti-unti na ang pumapasok doon.
Hindi ako lumabas sa kotse. Siya ang lumabas agad at umikot upang pagbuksan ako. Ngiting-ngiti ako sa kanya nang nagsalubong ang mga tingin namin.
“Kasama ko po,” magalang na aniya sa bouncer.
The bouncer raked my body, creases on his forehead. Kagagaling ko lamang sa eskwelahan kaya nakauniporme pa ako. Nang tumango kay Iñigo ang lalaki ay abot-abot ang pasasalamat ko.
Now that I thought of it, dapat pala ay nagpalit muna ako bago kami pumunta rito.
Habang naglalakad ay kitang-kita ko kung paano napapalingon sa amin ang mga tao lalo na ang mga babae. Sa bawat mesang nadaraanan namin, napapanganga ang ilan habang nakatingala kay Iñigo at mayamaya ay naghahampasan pagkalampas namin.
Napaikot ako ng mga mata sa iritasyon.
“Anong oras ang performance niyo?”
“Six thirty,” aniya sa malamig na tinig.
“Uuwi ka na pagkatapos no’n?”
“Ihahatid kita pagkatapos. I’ll stay. Tutugtog pa kami bandang alas diez.”
Ngumuso ako. “I want to stay and watch you.”
Sinulyapan niya ako. Nagbabantang muli ang iritasyon sa mukha. “No, I’ll bring you home after our first performance. Kindly text your parents and tell them you’ll be home by seven.”
Umismid ako. I wanted to stay with him a little longer! I wanted to make up for the days I didn’t see him. Hindi ba puwedeng maging mabait siya sa akin paminsan-minsan?
“Iñigo! Thank God!” Nilingon ko ang palapit na lalaki sa amin.
Naka-button-down ang lalaki at slacks. Kumikinang din ang maitim na maitim niyang buhok. Nakakasilaw ang ngiti.
Guwapo siya pero mas guwapo si Iñigo.
“Gaston.” Iñigo acknowledged in a stern voice.
Nilingon ako ni Gaston. Hindi napalis ang ngiti niya. Pakiramdam ko ay umaliwalas ang paligid dahil sa ngiti niyang iyon. He looked friendly and kind.
“So, who’s this girl you are with?” tanong niya, nasa akin pa rin ang mga mata.
Naiilang na ngumiti ako pabalik sa kanya.
“Gaston,” tunog-nagbabanta si Iñigo.
Humalakhak ang lalaki. “Off-limits, yes . . .”
“She’s just a kid, Gaston.”
Napakurap-kurap ako at nakaawang ang bibig na nilingon si Iñigo. What the . . .
“Kid, huh?” Gaston mocked. Nilingon niya akong muli. “The kid didn’t like what you said.”
Bago pa man ako balingan ni Iñigo ay tumungo na ako. Gaston chuckled, probaby finding the situation amusing.
Hanggang ngayon ba naman ay bata pa rin ang tingin niya sa akin?
Iñigo hissed. “Where are they?”
“Nasa backstage. Kanina ka pa hinihintay.”
Sumikdo ang dibdib ko nang kunin ni Iñigo ang aking palapulsuhan, dahilan para iangat ko ang tingin sa kanya. Diretso lamang ang mga mata niya kay Gaston na hindi pa rin mapalis-palis ang ngiti.
Holy s**t.
“H-hey! Iñigo!” Gaston called when Iñigo started to pull me.
“Jerk,” dinig kong bulong niya, bahagyang iritado.
Nagpatianod na lamang ako sa kanya habang nakatitig sa mga daliri niyang pumapalibot sa aking palapulsuhan. My irritation faded before I could do something about it. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman. He was holding me . . .
Binitiwan niya ako nang marating namin ang backstage. With that, I felt incomplete. Gusto kong ngumawa na hawakan niya pa ako. But that would only prove his allegation that I was still a kid.
Nilingon kami ng mga kabanda niya. Confusion was etched on their faces. Suddenly, embarrassment filled my being. Bigla kong naitanong ang sarili kung bakit ako narito ngayon.
“Hi, Seraf!” bati sa akin ni Arnold nang tuluyang makabawi sa gulat.
“H-hello,” kiming balik ko.
“Seraf . . .” Matt acknowledged and gave me a sheepish smile that I immediately returned.
“Zup?” Sabay kindat sa akin ni Lance na ikinangiti ko nang malawak.
Hindi ko lubos naisip na matatandaan pa pala nila ako. The last time I saw them was on Hazel’s birthday and that was quite some time now, except for Iñigo and Matt.
“Oh, buti naman at dumating ka pa.”
Nilingon ko ang bagong pasok na lalaki. Napakurap-kurap ako nang napagsino iyon: si Raffy.
Napayuko ako sa kaba. Hindi malabong alam na niya ang pakikipaghiwalay ko sa pinsan niya. At umaasa akong iyon lamang ang alam niya!
“Si Raffy na sana ang magbo-vocals kung ‘di ka dumating, Iñigo.” It was Arnold.
“Where were you? Alas cinco y media ang usapan natin. Mag-iisang oras kang late.” Raffy looked a bit pissed off.
“Sorry.” Iyon lamang ang nasambit ni Iñigo.
Raffy clicked his tongue. Accidentally, his eyes caught me. Natigilan siya pagkakita sa akin. Hindi ko alam ang irereaksyon ko kaya binati ko na lamang siya.
“H-hi.”
His eyes lingered on me. Seryoso ang mga iyon dahilan para mapalunok ako. He looked displeased with my presence.
Tinanguan niya lamang ako at binalingang muli si Iñigo.
“May bisita pala tayo!”
Nilingon ko ang bagong pasok na babae. Malapad ang ngiti nito sa akin. Nakaputi itong sleeveless at pink skirt. Nakapuyod ang alon-alon din ang buhok.
“Kami lang ang may bisita, Van,” nakangising pambabara ni Arnold dito dahilan upang mapaikot ito ng mga mata. “Maka-tayo ka d’yan . . .”
“Shut up.” Pinandilatan ng babae si Arnold dahilan para tumawa ito na sinabayan pa nina Lance at Matt.
Nang balingan ako nito ay bumalik ang ngiti at sigla nito. I smiled back. She seemed nice.
“Hi! Vanessa or Van, you choose.” She offered a handshake. “Kanino kang kasama rito?”
Tinugon ko ang nakalahad niyang kamay. “Serafina, but you can call me ‘Seraf.’ I’m with Iñigo.”
Nanlaki ang mga mata niya, naghugis-bilog ang kanyang bibig, at saka dahan-dahang tumango-tango. Then, her teasing eyes went to someone – to Iñigo, who was observing us.
“The beast isn’t that untamed at all, I guess.” Sabay tawa niya.
“Iñigo, nililibak ka na naman ni Vanessa!” It was Lance.
Sumuplado ang tingin ni Iñigo kay Vanessa dahilan para mas matawa ito. Inalis lamang niya ang tingin sa babae nang lapitan siya ni Raffy at may ibinigay na papel.
“So,” ibinalik ko ang atensyon sa kaharap ko. “girlfriend ka ni Iñigo?”
I shook my head. How I wished I was. “No.”
Suddenly, a question popped in my mind. What was I to him, then?
We didn’t have a label. I couldn’t say we were friends because I had feelings for him that was beyond the boundaries of friendship and he knew that. I didn’t think he even considered me as a friend, too. And I wanted it that way. Ayoko rin namang maging kaibigan niya!
Perhaps, acquaintance?
Napangiwi ako sa huling naisip.
Kumunot ang noo niya. “Nililigawan?”
“No,” I replied.
“But he brought you here.”
“He brought me with him because I insisted.”
Naghugis-bilog ang kanyang bibig ngunit ngumiti rin kalaunan.
“Strange. Iñigo never entertained any girl much so, bring with him,” aniya. “Akala ko pa naman mapapatunayan na niya sa’king ‘di siya bakla.”
“I’m not gay, Vanessa.”
Nilingon ko si Iñigo na nasa aking likuran na. Kumibot ang mga labi ko nang nakita ang iritado niyang ekspresyon. Tumawa lamang si Vanessa dahilan upang gumalaw ang panga niya sa inis.
“Yeah, right. Ikaw na lang ang bukod tanging lalaking kilala kong bente na pero ‘di pa nagkaka-girlfriend since birth. I bet, virgin ka pa.”
Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ngumiti. Nagtawanan ang mga kabanda niya na mukhang kanina pa nakikinig sa amin. Narinig ko ang mahinang singhap ni Iñigo sa aking likuran. Guilty, huh? Hindi ko naiwasang magsaya sa nalaman.
“S-stop it, Van,” he stuttered that further triggered my conclusion. “Hindi ako bakla, okay? Puwede ba tigilan mo na ‘yang pag-iisip mo niyan sa’kin?”
“Whatever.” Sabay irap dito ni Vanessa. She leaned a little to me. “He doesn’t even watch x-rated-”
Iñigo pulled me away from Vanessa. Tumawa nang mas malakas ang mga kabanda niya dahil doon. Inis na at nahihiya ang mahal ko. Patunay doon ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha at leeg.
If they thought his virginity at the age of twenty and his aversion towards p*********y were funny, not for me. It was noble, actually. Bihira na lamang ang lalaking gaya niya lalo na sa kanyang edad.
With that, I thought I fell harder a little more.
Iginiya ako paupo ni Iñigo sa stool ilang metro ang layo kay Vanessa na nakikipagtawanan ngayon kina Lance at Arnold. Halos magsalubong na ang mga kilay niya sa inis.
“She seems pretty close with you and the band,” pukaw ko habang nakatitig sa mga kabanda niya.
“Girlfriend siya ni Raffy. We were classmates in high school, kaya magkakilala kami,” paliwanag niya habang ang mga mata ay nasa papel na ibinigay sa kanya kanina.
Kumibot ang mga labi ko. That explained it.
“Huwag mo ring seryosohin ‘yong mga sinabi niya.”
Ngumisi ako ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kanya. “Whatever you say.”
He cleared his throat and leaned on the wall. Mas lalo akong napangisi.
Hindi sinasadyang napunta ang mga mata ko kay Raffy na nakatitig sa akin, iritado ang mukha. Napakurap-kurap ako saka iniwas ang tingin sa kanya.
Did he know I played his cousin? s**t.
“Did you already text your parents?”
Nilingon ko si Iñigo na ang mga mata ay nasa akin na. His pitch black eyes somehow eased me a bit.
“Hindi pa.”
Huminga siya nang malalim at bahagyang ginalaw ang mga labi. “I-text mo na sila. Baka nag-aalala na sila sa’yo.”
Ngumuso ako at nilabas ang cell phone. He seemed satisfied with my action that he returned his attention immediately to the paper.
Mommy, may ginagawa po kaming project. Mali-late po ako pag-uwi.
Bahala siya riyab. Hihintayin ko talaga silang matapos.
Napalingon kami sa pinto nang pumasok ang isang lalaki, si Gaston. Naramdaman ko ang pagtayo nang maayos ni Iñigo sa aking tabi.
“Kinse minutos na lang bago ang unang performance niyo. Are you all ready?” nakangiting tanong ni Gaston.
“Dumating na si Iñigo kaya kahit anong oras p’wede na kami isabak,” sagot ni Matt.
Gaston nodded and surveyed the room. Then, his eyes went to mine. His smile widened that I felt like his pearly white teeth was blinding me.
Ang guwapo niya. Mas guwapo nga lang talaga si Iñigo.
“Hi, kid!” He waved at me which startled me a bit.
“H-hello.” Saka ako pilit na ngumiti at kumaway pabalik.
Humalakhak si Gaston. “Chill, Villaraza! Binati ko lang! Hindi ko naman aagawin sa’yo!”
Tumaas ang mga kilay ko saka ko nilingon si Iñigo na matalim ang tingin dito. Depina ang panga niya maging ang cleft chin niya. His eyes were dangerous, too, as if ready to let go of the evil inside those.
“Huwag na kayong paalis-alis at ilang minuto na lang.”Then, Gaston turned to Iñigo. A mocking smile on his lips. “Kumalma ka na nga. You look like you want to kill me!”
Nilingon kong muli si Iñigo. Iniwas niya ang mukha sa direksyon ko dahilan upang hindi ko makita ang kanyang ekspresyon. Tumawa nang malakas si Arnold na sinabayan mayamaya ni Lance.
“Dapat kasi ay nagpalit ka muna bago ka dumiretso rito.” Sabay abot sa akin ni Vanessa ng isang kulay gray na jogging pants.
“I wasn’t expecting this, eh. Kaya ‘di ko na nagawa pang magpalit,” paliwanag ko at pumasok sa cubicle.
Narito kami ngayon sa comfort room ni Vanessa. Pinahiram niya ako ng mga spare clothe niya pamalit sa school uniform ko. Ayoko na sanang magpalit dahil mukhang ayos naman pero nagpumilit siya.
It took her some seconds before she uttered words.
“Alam mo, may napapansin ako d’yan kay Iñigo.”
“Ano ‘yon?” I was unbuttoning my blouse.
“I think he likes you.”
Napatigil ako sa ginagawa. Tahimik kong dinama kung paano bumago ang ritmo ng pulso ko.
“P-pa’no mo naman nasabi?” I tried to sound disinterested but of course I failed.
“He never looks at any girl like how he looks at you. At ikaw lang ang bukod tanging babae na dinala niya at pinakita sa’min. That guy has a lot of admirers, mapababae man, mapalalaki, o mapabakla. I know how he looks at them. But his eyes are kind of . . . different when he gazes at you.”
Hindi ako umimik. Her conclusion was kind of overwhelming. Hindi ko alam kung ano bang dapat na reaksyon dahil magulong-magulo rin ang loob ko.
“But heck! If ever he likes you, nakakatawa! Ang arte-arte niya tapos sa isang bata lang pala siya mapapatid!” At tumawa siya nang mahina.
I scowled, kind of offended with her statement. But the feeling immediately died and replaced by happiness.
Napansin ko rin iyong reaksyon niya nang dumating si Gaston. He looked pissed off. Was he jealous? Damn! Magpapa-party ako kung nagselos nga siya kanina.