Amethyst
“Iha, saan ka pupunta?”
Pagtatakang tanong ni Manang.
“Magandang umaga po manang.Papunta po ako ngayon sa studio shop ko.Kinakailangan ko po kasing pumunta ngayon doon dahil may urgent meeting daw yung tauhan ko at walang ibang photographer na mag ha handle doon sa client namin ngayong umaga.”
Paliwanag ko dito at saka sumimsim ng mainit na kape na inihanda nito para sa akin.
“Ah ganun ba pero iha, hindi ba't delikado para sainyo ang lumabas ng bahay? alam ba ni Malik ang tungkol dito?”
Agad akong natigilan sa tanong na ito ni Manang.Dahan dahan kong ibinaba ang tasa ng kape sa lamesa at nginitian ito.
“Hindi po eh.Pero hindi niya naman po kailangan malaman.Alam kong busy rin siya at may ibang inaasikaso.”
Sambit ko na may halong pait at muling sumimsim ng mainit na kape.
“Wag po kayong mag alala manang.Kaya ko ang sarili ko.Marami po akong asin na dala.Isang saboy ko lang nito mag sisialisan agad ang mga yun.Kaya wag ka na mag alala Manang, promise uuwi ako dito ng ligtas.”
Wika ko na may kasama pang kindat ngunit bakas pa din ang pag aalala sa kanyang mukha.
“Oh siya iha, mukhang hindi na kita mapipigilan pa.Basta't iha.Maging mapagmasid ka sa mga taong nakakasalamuha mo ha?”
“Opo manang alis na po ako.”
Paalam ko dito.
Buong byahe ko ay hindi ko tinanggal ang supot ng asin sa aking mga kamay.Tulad ng sinabi ni Manang ay naging mapagmasid ako sa mga taong nakakasalubong ko at nakakatabi ko at sa awa naman ng diyos ay heto ako ngayon narating ko na sa wakas ang mall.Nang papasok na sa entrance ay saka ko lamang pinasok ang supot ng asin sa aking bag at saka iyon ipinatong sa mesa kung saan dumadaan ito sa inspection ng isang security guard ng Mall.Nang makalagpas na ako sa inspection ay agad ko tinungo ang papuntang elevator.Halos isang minutonrin akong nag hintay sa pagbaba ng elevator.Agad akong napatuwid ng tayo nang tumunog na ang elevator senyales lamang na mag bubukas na ito ngunit pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahan.
“Amethyst? ikaw nga!"
Masayang wika ni Lester na mabilis akong dinamba ng yakap na siya namang ikinagulat ko.
“I miss you so bad Amy.Where have you been sweety? i went to your house and someone told me na lumipat na kayo ng tirahan.Oh gosh i was so worried about you.I've been looking for you for almost two weeks and finally! you're here.”
Masayang wika nito.I started to feel guilty for him.Alam kong matagal na siyang nangliligaw sa akin at ilang beses ko na rin siyang tinanggihan.At ngayon na may espesyal na namamagitan sa amin ni Malik ay hindi ko na alam pa kung paano ko sasabihin o paano ko ulit ito tatanggihan ng hindi ito nasasaktan.
“Hey, sweety please say something?”
Saad nito na ikinagising ng aking ulirat.
“Ha? ah ano kasi...
“Okay i won't force you to talk about it now.What important to me is, you're here already.”
Nakangiting sambit nito na siyang pekeng ikinangiti ko.
“Come here sweety let's have coffee.”
“Ha? te-teka kasi..
What?
Salubong ang kilay nitong tanong ng biglang mag ring ang aking cellphone.
Dali kong dinukot ito mula sa bulsa ng aking bag at rumihistro doon ang pangalan ng aking kliyente.
“Hello ma'am.Yes po ako nga po.Ganun po ba? sige po i schedule ko na lang po ulit kayo tomorrow afternoon.Yes po wala pong problema.Thank you din po.”
“Who are you talking with?”
“Yung client ko na dapat nakaschedule ngayong umaga.Bigla raw kasing may emergency kaya nag pa reschedule ulit bukas.”
Paliwanag ko dito.
“See? talagang naka schedule kitang makasama today.I've been looking for you for two freaking weeks at hindi ako papayag na hindi kita makakasama ngayong araw.”
Saad nito na ikinangiti ko.
“Ano pa nga bang magagawa ko? tutal nag cancel naman yung client ko kaya sige.Let's have some coffee.Pero libre mo ha!”
“All for you my princess.”
Wika nito na ikinatawa ko.Noon pa man ay napakasweet na nito sa'kin.Hindi lang sakin actually, kundi sa lahat ng nakakasalamuha niya.I don't deserve his kindness.His love is so patient and i don't know how to tell him the truth without hurting his feelings.Dahil kung masasaktan siya ay pakiramdam ko masasaktan din ako para sa kanya.Napakabuti niyang tao at deserve niyang makahanap ng babaeng kayang ring tumbasan ang kanyang pag ibig.
“Hot cappuccino for a beautiful lady like you.”
Saad ni Lester na may matamis na ngiti.
“Thank you.”
Dahan dahan akong humigop ng kape at inihanda ang aking sarili sa pagsabi dito ng totoo kong sitwasyon.
“Ahm, Lester i have something to tell you.”
Kinakabahang wika ko.
“What? do you need more sugar on your coffee? i can get you.”
Masaya nitong sambit at akmang tatayo na ngunit mabilis ko itong napigilan.
“No lester, please sitdown.”
“To be honest, kinakabahan ako sa tono ng boses mo sweety.Sa sampung beses mong pag reject sa'kin iisa lang palagi ang tono ng boses mo.Could it be..”
“Hmmm.”
Sambit ko na may kasamang tango.Tuluyang naibagsak nito ang kanyang balikat dahilan upang matapon ang tasa ng kape sa kanyang sapatos.Dali kong kinuha ang tissue upang punasan ang kanyang medyas.Alam kong mainit pa ang kape at maaaring nalapnos ang kanyang balat sa paa kung kaya't may pagmamadali ko iyong tinanggal sa kanyang paa at tama nga ang aking hinala dahil pulang pula na ang balat nito na natapunan ng bagong timplang kape.
“Oh gosh! nasaktan ka ba? sobrang pula ng paa mo.I-im sorry this is all my fault.”
Saad ko habang nakayukong pinupunasan ang sapatos nito ngunit tila wala itong imik.Natigilan lamang ako ng abutin nito ang aking baba at walang ano ano ay nagyuko ito at siniil ako ng halik.Hindi ako nakagalaw sa labis na pagkagulat.Nagising lamang ako sa aking wisyo ng maramdaman kong pilit nitong ipinapasok ang kanyang dila sa aking bibig na siyang dahilan upang maitulak ko ito at malakas na nasampal.
Kapwa kaming nakaupo sa sahig habang ito ay halos pumaling sa kabilang pwesto ang mukha sa lakas ng aking pagkakasampal.Natigilan lamang ako nang biglang ang mga ilaw sa paligid ay unti unting nag papatay sindi kasabay ng tila pag galaw ng mga bagay sa paligid.Halos mahigit ko ang aking hininga nang mag umpisa akong makaamoy ng pamilyar na bagay.
“Hindi ako maaaring magkamali.Amoy mabangong rosas na tila pinaghalong amoy ng punong kahoy.Narito si Malik.”
Bulong ko at nang lingunin ko sa labas ay kumabog ng mabilis ang aking dibdib.He was standing outside with a blood shot eyes.
“But since when did he came? oh no, did he saw us? shit.”
Agad akong nag tungo sa labas at habang tumatagal ay palakas na ng palakas ang pag galaw ng kapaligiran na animo'y lumilindol.Unti unti na ring nagtatakbuhan ang mga tao palabas ng mall habang si Malik ay masama pa ring nakatitig kay Lester.At kung kanina ay ilaw lamang ng coffee shop ang nag papatay sindi ngayon ay buong kabuuan na ng ilaw ng mall ang nagpapatay sindi.
“Ma-malik please,kontrolin mo ang sarili mo.Please wag dito maraming nga bata sa paligid ang maaaring masaktan.Please tama na walang namamagitan sa aminv dalawa.”
Sambit ko dito ngunit tila bingi lamang ito sa aking sinasabi at mas lalo nag patuloy ang mga nangyayari sa paligid and this time, may malakas ng hangin na bumabalot sa loob ng mall.Maging ako ay nag umpisa ng mangilabot sa ipinapakita ni Malik dahil tila bingi na lamang ito sa kahit anong paliwanag ko.Nagsisigawan na rin ang mga tao sa loob ng mall at may mga bata na ring nag iiyakan kung kaya dali akong yumakap sa likuran nito at tinawag ito.
“Malik, mahal ko please huminahon ka.Ako to si Amethyst.”
Saad ko ng humihikbi at ilang segundo lamang ang nakalipasa ay humupa na ang paglindol.Maging ang malakas na hangin ay wala na rin ngunit ang mga ilaw ay patuloy pa din sa pag patay sindi.Dali kong inabot ang mukha nito at pinagdikit ang aming mga noo.Ramdam ko pa ang mabilis nitong pag hinga kung kaya't mabilis konitong dinampian ng halik.
“Mahal ko please tama na.”
Bulong ko dito at unti unti na ring naging normal ang paghinga nito.Agad ako nitong hinawakan sa aking kamay at hinila paalis doon ngunit mabilis akong natigilan nang may humila sa aking kamay.
“Amethyst!”
Saad ni Lester.
“Let go of her or else i'll kill you.”
“Pasensya na.”
Saad ko at mabilis na hinila ang aking kamay at sabay kaming naglakad ni Malik paalis ngunit natigilan akong muli ng isigaw ni Lester ang aking pangalan kasabay noon ang nakamamatay na tingin ni Malik dito at walang ano ano'y biglang sabay sabay na pagsabog ng mga ilaw sa buong paligid na halos ikasigaw ng lahat ng mga tao at mabilis namin nilisan ni Malik ang lugar na iyon.