Amethyst
Ano?
Bulalas na tanong ni Aya.
“Te-teka kailan pa? sabi ko na eh, doon pa lang sa ospital nung sinagip ka niya may kakaiba na kong naramdaman eh.”
Wika nito.
“Sorry na, actually hindi pa naman talaga masasabi na kami na.”
“Anong ibig mong sabihin ate?”
“Wala naman siyang sinabi na kami na.Basta yun na yung pagkakaintindihan namin.Na may espesyal na namamagitan sa amin.”
Kinakabahan na wika.Pakiramdam ko ay nagpapaliwanag ako sa mas nakatatanda kong kapatid sa paraan ng titig ni Aya.
“Alam mo ate kung saan ka naman masaya go lang ako.Pero ang inaalala ko lang dito ay ikaw.Alam natin pareho na isang engkanto si Malik at isa kang tao.Magkaiba ang kundo ninyo.Sa dami ng nangyari sa atin nitong mga nakaraang araw ay hindi ko maiwasang mag isip na papaano kung mapano ka? paano kung mapahamak ka dahil sa kanya? at isa pa sa inaalala ko, nakalimutan mo na ba kung bakit itinakwil si Malik ng ama niyang hari? yun ay dahil umibig siya sa isang tao na tulad natin na ayon din kay Atticus ay mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang mundo.Eh balita ko halos mabaliw nga daw yung babae noong iwan ito ni Malik.Pero alam mo ba ang sabi ni Atticus paminsan minsan ay lihim niya pa ring binibisita yung babae para lang icheck kung maayos ito.”
Mahabang lintanya ni Aya na ikinatahimik ko.Tila nakaramdam ako ng matinding kurot sa aking dibdib sa mga sinabi ni Aya.Kung totoong binibisita pa rin ni Malik yung babae ng hindi nito alam,ibig sabihin ba ay ganun ito kaimportante sa kanya hanggang ngayon? at posible kayang may nararamdaman pa rin si Malik para dito?
“Ate, nag aalala lang ako sayo.Paano kung isang araw kinakailangan na ni Malik na bumalik sa mundo niya paano ka? anong mangyayari sayo? ayokong masaktan ka ate.”
Saad ni Aya na puno ng pag aalala.Maging ako ay hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga tanong ni Aya kaya pinili ko na lamang na manahimik.MATAPOS ang naging pag uusap namin ni Aya ay tahimik lamang akong bumalik sa aking silid at malalim na nag isip.Halos buong araw yata akong nag kulong sa kwarto ko at inisip ang mga bagay bagay.Hindi rin naman ako pinuntahan at kinulit ni Malik.Marahil ay nagpapahinga rin ito.Pasado alas siete na ng katukin ako ni Manang para sa hapunan.Sakto sakto rin na nakaligo na ako at nagkapag ayos.Nasa taas pa lamang ako ay amoy na amoy ko ng ang nilagang baka na niluto ni Manang.
“Halia iha maupo ka na at kumain.”
Saad ni Manang ngunit hindi mapermi ang aking mga mata.
“Teka, nasaan po si Malik.”
Tanong ko kay Manang ngunit mabilis na sumagot si Atticus.
“May importanteng nilakad lamang binibini.”
Saad ni Atticus.
“Sus, saan ba talaga nag punta yung amo mo? kanina pa kayang ala una yun umalis hanggang ngayon wala pa rin.”
Paismid na tanong ni Aya na ikinakamot ni Atticus sa kanyang ulo.
“Ah eh, ipagpaumanhin mo binibini ngunit hindi ko rin alam kung saan ito nagtungo.Ang tanging alam ko lamang ay may isang kaibigan siya na binisita dito sa inyong mundo.Hayaan mo pagkarating na pagkarating niya ay agad kong ipababatid sa kanya na hinahanap mo siya.”
Saad ni Atticus.
“Hindi na kailangan.Wala naman kaming importanteng dapat pag usapan.”
Saad ko na tila hindi ko halos malunok ang aking kinakain.
“Sabi ko na sayo eh.Sigurado ako ate na yung girl lover niya yung binisita niya.Grabe tong si Malik ha boy lover.Take note, engkanto pa yan.”
Pabulong na sambit ni Aya na malakas kong ikinabagsak ng tinidor sa mesa.Halos ikagulat ko rin ang akinb inasal kung kaya't mabilis na akong nag paalam at tumungo sa aking kwarto.Halos ibaon ko ang aking mukha sa unan upang itago ang aking mga luha.Natigil lamang ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone at rumihistro roon ang pangalan ni Christiana Shallie.Agad ko naman iyon sinagot at ipinaalam nga nito sa akin na maayos niyang na manage ang photo studio nitong mga araw na hindi ako nakapasok.Nag dahilan na nga lang ako na nagkasakit ako na siyang nag dulot dito ng pag aalala.At isa sa mga dahilan pala nito sa pag tawag sa akin ay upang ipaalam sakin kinakailangan kong pumunta ng studio bukas dahil may importante kaming customer na naka schedule ng umaga.Hindi kasi ito makakapasok ng ganung oras dahil may biglaan dw itong dapat ayusin kung kaya't agad ko itong pinayagan.Agad kong ibinaba ang cellphone matapos naming mag usap ni Cris.Siguro kailangan ko na ring bumalik ng trabaho dahil mababaliw lamang ako kakaisip kung mananatili lamang ako rito.
KINAUMAGAHAN, maaga akong nag asikaso dahil ito ang araw na babalik na ako sa aking trabaho.Hindi ko nga maiwasang magtampo dahil ni hindi man lang ako nasabihan ni Malik na aalis siya o kung saan siya pupunta.Pagkatapos kasi naming mag usap kahapon ng umaga ay hindi na kami nag kita pa.