Atticus pov
“Ate!!!!!”
Sigaw ni Ayanna kasunod nito ang paglabas ng dalawang taong tinatawag nilang doctor.
“According to the patient's relative, the patient was suffering from severe headache.It sounds like a raptured brain anuerysm. We need to stabilized her airway and standby for intubation.Start hydration with IV fluids PNSS 1 liter100 cc per hour then we need to do a stat cranial CT scan with angiography.Notify the brain attack team cathlab and OR.Start nimodephine 30mg 2btabs every four hours.”
Saad ng babae na hindi ko din lubos na maintindihan.Lumipas ang ilang oras ay halos wala pa ring patid ang paghikbi ni Aya kung kaya't mabilis ko itong nilapitan at niyakap.maya maya pa'y dumating na rin si Malik na humahangos at tila hindi maintindihan kung anong nangyayari.Tila tumigil ang mundo nito nang masilayan niya si Amethyst na walang malay na nakahiga at tulak tulak ng mga tinatawag na doctor patungo sa silid kung saan may nakaukit na salitang Emergency room.Halos nanghihina niyang sinalubong ang mga doktor upang lapitan si Amethyst .
“Magsitigil kayo! anong gagawin n'yo sa kanya?”
Malakas na sigaw nito ngunit tila walang naririnig ang mga doktor at patuloy lamang sa pag uusap kasabay din nito ang pag sulpot ng isang lalaking tingin ko ay doctor din at may suot na kulay asul na bagay sa kanyang mga kamay.
“Doc, it's a raptured brain anuerysm.”
“What's your diagnosis?”
“subarachnoid hemorrhage hunt and hess grade 4 secondary to raptured anuerysm.”
“Okay prepare the OR.”
Saad ng lalaki at mabilis na dinala si Amethyst papasok sa silid na iyon.Pakiramdam ko'y halos hindi magalaw ni Malik ang dalawa niyang mga paa at nanghihinang pinagmasdan si Amethyst.Akma nitong susundan si Amethyst sa loob nang mabilis ko itong pigilan.
“Sa-sandali, bitiwan mo ako atticus.Kailangan ako ni Amethyst.”
Tila wala sa sarili nitong sambit.
“Malik apo? anong ginagawa mo rito? hindi ka pa lubusang magaling! nakikita mo ba si Amethyst? pakiusap lang huwag ka ng dumagdag pa.”
Umiiyak na sambit ni Nana Azul.
“Ako ang kailangan niya nana!”
Tila wala sa sariling saad ni Malik habang suot suot pa ang pangtulog na damit at tanging nakayapak lamang.
“Malik, hindi maaari ang naiisip mo.Masyado ka pang mahina para mapagaling mo si Amethyst.”
“Wala akong pakialam Atticus! kailangan ako ni Amethyst at kukunin ko siya ngayon din!”
Galit na sigaw nito at mabilis na lumakad at hindi na nag papigil sa sino man.Alam kong sa ganitong sitwasyon ay hindi ko na mapipigilan pa si Malik.Gamit ang kanyang kapangyarihan ay kusang bumukas ang pinto ng OR na siyang ikinagulat ng mga tao sa loob.May mga tao pang nag tangkang pigilan ito ngunit ang isa sa mga ito ay kusang umangat sa ere at ang isa naman ay tumilapon na siyang dahilan upang mawalan ito ng malay.
“Wa-what kind of person are you?”
Nauutal na tanong ng doctor na lalaki.
“Umalis ka sa harapan ko kung ayaw pagsisihan ito.”
Malahalimaw at mabangis na babala ni Malik dito habang nababalot ng malakas na hangin ang buong kwarto.Halos mahimatay pa nga ang isang babae nang makita ang mga itim na mata ni Malik at tinawag pa siya nitong maligno.Daling binuhat ni Malik ang walang malay na si Amethyst.Halos lahat kami ay nasaksihan kung paano lapatan ni Malik ng lunas ang natutulog na si Amethyst gamit ang kanyang kapangyarihan kahit pa bakas din sa mukha nito ang iniindang panghihina.Buong pwersa nitong hinilom si Amethyst hanggang sa may tumulo pa ngang pulang likido sa kanyang ilong senyales lamang ng labis na pag gamit niya sa kanyang lakas at kapangyarihan ngunit baliwala lamang iyon sa kanya hanggang sa unti unting nagkamalay si Amethyst.Mabilis na niyakap ito ni Malik at akmang papalapit na kami sa kanila nang bigla na lamang mag laho ang mga ito.
“Teka saan sila nag punta?”
Tila gulat na tanong ni Ayanna.
“Huwag kang mabahala binibining Aya.Pinagaling na ni Malik ang iyong kapatid.Ang tanging namomroblema na lamang dito ay ako.”
Umiiling na sambit ko habang pinagmamasdan ang bakas ng gulong iniwan ni Malik.