“Naririto na kami.”
Saad ni Atticus na may kasamang matandang lalaki na may isang dipa ang haba ng balbas.Bago pa man ito pumasok sa silid ni Malik ay mariin na ako nitong pinagmasdan at ikinagulat ko ang sinabi nito.
“Mag iingat ka sa taglay mong kakayahan.Hindi mo ito naiintindihan ngayon, pero malapit ng dumating ang araw na iyon at pag hindi mo nakontrol ang yung sarili? kapahamakan ang hatid nito sa iba maging sa iyong sarili.”
Seryosong sambit ng matanda na labis ko ikinagulat habang sina manang ay hindi magkandamayaw sa kakasigaw.
Daling lumapit kay Malik ang tinatawag nilang Hapo.Madali nitong hinawakan ang uluhan ni Malik at saglit na pumikit at maya maya pa'y tila napapasong lumayo kay Malik.
“Anong problema Hapo?”
Tanong ni Atticus.
“Hindi ito basta lason lang.Hindi ito ordinaryong lason lang”
Sambit ng manggagamot na nanglalaki ang mga mata.
“Isa itong uri ng pangungulam!”
Ahhhhhhh! ahhhhhh!
Sigaw ni Malik at dali akong lumapit dito ngunit mabilis rin akong napabitaw dahil sa matinding init na lumalabas dito.
“Anong gagawin natin Hapo? iligtas mo ang prinsipe.”
Saad ni Atticus
“Iyong ipagpatawad ngunit isang malakas na itim na salamangka ang bumabalot sa prinsipe.Mag ingat kayo! nag mamasid lang siya sa paligid.Nararamdaman ko ang malakas na pwersa nito.”
Saad ng mang gagamot.
“Kung gayon ay ano ang dapat nating gawin?”
Tanong ni Atticus.
“Kinakailangan nating maputol ang koneksyon na nag bigay sa kanya ng sakit.”
“Ngunit paano? sa paanong paraan natin mapuputol ito?”
Puno ng pag alalang tanong ni Atticus.Sa mga oras na ito ay may kakaiba akong naramdaman.Tila lumulutang ang aking pakiramdam at nabalot ng dilim ang aking paningin.Tila nakalutang ang aking katawan sa ere at sa mga oras ring ito ay naging sensitibo ang aking pandinig.Dinig na dinig ko ang pagpatak ng tubig na nang gagaling kung saan mang gripo.Maging ang nililikhang ingay ng insekto ay dinig na dinig ko rin kahit alam kong malayo ang mga ito sa akin.Hindi ko maintindihan ang nangyayari.Ngunit tila dinala ako ng aking paniginip sa isang lugar kung saan nababalot ng mga itim na kandila ang paligid at doon ko nakita si Aleka na may kung anong ginagawa sa hawak niyang itim na bato.Halos mahigit ko pa ang aking hininga nang lumingon ito sa aking gawi ngunit ikinagulat ko rin nang tila hindi ako nito nakita.Unti unti akong lumapit sa kanya at naagaw ang aking pansin sa ibinaba nitong bato na may nakaukit na pangalan ni Malik.Dali ko iyong kinuha ngunit natigilan ako nang bigla itong ngumiti at sinabing
“ sino ang nariyan?”
Pinilit kong idilat ang aking mga mata mula sa bangungot na iyon at nang matagumpay kong magising ang aking sarili ay bumungad sa akin ang aking duguang mga kamay at naliligo na rin ako sa aking sariling mga dugo ngunit nang ibuka ko ang aking kamay mula sa pagkakakuyom ay halos manlaki ang aking mata nang ang bato na iyon na may nakaukit na pangalan ni Malik mula sa aking panaginip ay hawak hawak ko na ngayon.Akma kong hihipuin ang bato nang unti unting na lamang itong nasunog na tila isang papel at tuluyan naging isang abo.
“Iha!”
Sigaw ni Manang na nagmamadaling tumakbo patungo sa akin at madiing tinakpan ng tela ang aking mga kamay.
“Sa ngayon ay nabawasan na ang panganib sa buhay ng prinsepe.Tama ang ginawa ng babae na pag basag sa mga salamin.Ang salamin ang siyang naging koneksyon ng mga kaaway upang unti unting patayin ang katawan ng prinsipe.”
Saad ng manggagamot habang may kakaiba pa ring titig sa akin.
Dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at halos mabuwal pa nga ako nang pilitin kong lumakad.
“Wala na po ang kulam wala na rin ang baga ng apoy na tila bumabalot sa kanyang katawan kanina pero nangangahulugan po ba na hindi pa rin ligtas si Malik dahil sa lason?”
Tanong ko na nanghihina.
“Tama ka.Masyadong malakas ang lason sa kanyang katawan at ang lunas sa lason na ito ay matagal ng naglaho mag mula nang mawala rin ang reyna ng Hilaraya.”
Saad ng manggamot na ikinabagsak ng aking balikat.Muling natahimik ang paligid na tila walang sino man ang gustong magsalita.
“Ano? tutunganga na lang tayo dito? hahayaan na lang natin si Malik mamatay? wala na tayong gagawin?hapo, kung wala na po ang lunas na sinasabi ninyo maaari po bang angkinin ko na lang ulit ang lason sa katawan ni Malik? tutal para sa akin dapat ang lason na yan!”
Tila nababaliw na sambit ko.
“Nahihibang ka na binibini? sa tingin mo ba'y kakayanin ng katawan mong labanan ang lason na yan? kung hindi inagaw ni Malik sayo ang lason ay segundo lamang ang itinagal ng buhay mo!”
Galit na sambit ni Atticus.
“May paraan pa upang mailigtas ang prinsipe ngunit hindi ko ginagarantiya ng isang daang porsyento na magiging matagumpay ito.”
Saad ng manggagamot.
Kung ganun ano po ang paraan na ito?
“Akuin mo ang kalahati ng lason sa katawan ng prinsipe.Sa ganitong paraan mababawasan ang paghihirap ng prinsipe at mataas ang tiyansang malabanan niya ang lason at makaligtas.”
Saad ng manggagamot.
“Kung ganun gawin n'yo na po ang dapat gawin”
Matapang kong sambit.
“Paaalalahan lamang kita.Kung anong sakit ang dinaranas niya ay iyong daranasin din.”
“Wala na po akong pakialam hapo.Kung ito lang ang paraan para maligtas si Malik ay gagawin ko.”
Mabilis hinawakan ni Hapo ang aking kamay at ipinatong iyon sa dibdib ni Malik at tuluyan akong kinain ng dilim.
*
Atticus pov
Kahanga hanga ang ipinamalas na tapang ni Amethyst na nakuha nitong akuin muli ang kalahati ng lason sa katawan ni Malik.Halos mapasigaw pa nga si Manang mabilis itong nawalan ng malay matapos ilipat sa kanya ni Hapo ang kalahati ng lason mula sa katawan ni Malik.Halos limang araw na rin ang nakakalipas pero kapwa pa rin sila tulog.Kung pagmamasdan mo ang mukha ni Malik ay bakas sa itsura nito ang unti unting pag buti ng kanyang kalagayan kumpara kay binibining Amethyst na tila hinang hina pa rin.Marahil dahil sa isa lamang itong tao hindi katulad naming mga engkantado na mas mabilis mag hilom kumpara sa kanila. Ngunit may isang bagay pa rin ang bumabagabag sa aking isipan.At ito ay kung paano nalaman ni Amethyst na sa salamin kumokonekta ang mga kaaway? halos lahat ata ng salamin dito sa mansyon ay binasag niya maging ang mga pinggan at baso ay hindi rin nakaligtas.Ano man ang misteryo sa likod ng pagkakaligtas nito kay Malik ay kahit papaano'y nakakahinga na rin ako ngayon ng maluwag.Dalangin ko lang talaga'y nawa'y gumaling na rin si Amethyst dahil siguradong katakot takot na sermon ang aabutin ko kay Malik.
*
Amethyst's pov
Halos wala na akong mailuha at pakiramdam ko'y magang maga na aking mga mata sa kakaiyak.Kahit pa nanghihina at walang lakas ay pinilit ko pa ring bantayan si Malik at hindi umalis sa kanyang tabi.Makailang ulit na akong pinipilit ni Manang na mag pahinga pero sa huli ay wala na itong nagawa at hinayaan na lamang ako mag bantay.
“Malik? malik?”
Masayang sambit ko kahit pa pakiramdam ko ay ano mang oras ay mag papass out na ako.
“Malik gising ka na!”
Nakangiting sambit ko kahit pa namamaos.
“Masaya akong...”
“Isa kang hangal!”
Saad nito na ikinatigil ko at unti unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi.
“A-ano ba ang problema? hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa'kin? pasensya ka...”
“Bakit hindi ka umalis? sinabi kong umalis na kayong magkakapatid diba? sinayang mo lang ang pagkakataong makatakas ka ng ligtas sa lugar na ito dahil sa kahangalan mo!”
Galit na sigaw nito na siyang mariin kong ikinapikit upang kumuha ng lakas.
“teka sandali mag papaliwanag ako sayo Malik.”
Saad ni Atticus na mabilis na sumulpot sa silid.Marahil ay nadinig nito ang malakas na pagsigaw ni Malik.
“Wala ka ng dapat pang ipaliwanag atticus.Dahil kahit hindi ko man tanungin, alam kong siya na naman ang dahilan ng kapalpakang ito.Alam mo ikaw Amethyst, may mga tulad mo rin namang nilalang ang nakasalamuha ko na sa mundong ito.Ngunit sa lahat lahat ng nakilala kong tao ay ikaw lang yung pinakahangal mag desisyon.Oh, ano nga tawag sa katulad mo? ahh, isa kang tanga.Wala kang kasing tanga Amethyst.Halos isakripisyo ko ang buhay ko para lang mailigtas ka tapos makikita kita na naririto pa rin? sana hindi na ako nag abala pa na iligtas ka dahil isa kang walang kwentang tao na hindi marunong mag pahalaga sa sakripisyong ginawa ng iba.”
Masakit na sambit ni Malik.Halos milyong milyong patalim ang animo'y tumusok sa aking puso sa mga binitiwan niyang salita laban sa akin.Pakiramdam ko ay ano mang oras ay bibigay na ako ngunit pinilit kong kumalma.Saglit na pumikit at dahan dahan na tumayo.Papalabas na ako ng pintuan nang biglang mag salita si Atticus.
“Malik, hindi mo dapat sinasabi sa kanya ang mga ganyang...”
Nabitin ang sasabihin ni Atticus ng mabilis ko itong hinawakan sa kanyang braso at umiling dito,senyales na wag siyang mag salita ng kung ano pa tungkol sa nangyari sa mga nakaraang araw na agad naman nitong naintindihan.
“Naiintindihan ko binibini.Hayaan mong alalayan kita.”
Saad nito.
“At bakit kailangan mo pang alalayan ang isang tulad niyang wala ng ibang idinulot sa atin kundi kapahamakan?”
Saad ni Malik.
“Halika ka na binibini.Huwag mo na itong pansinin pa.”
Wika ni Atticus at mabilis akong inalalayan.
*
Malik's pov
Nang idilat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang maganda at maamo niyang mukha.Ngunit unti unti akong kinain ng inis nang mapagtanto kong hindi nito tuluyang nilisan ang lugar ng San pablo.Halos lahat ng masasakit na salita ay nasabi ko na sa kanya ngunit hatid din nito ang kirot sa aking puso nang makita ko ang malungkot nitong mukha.
“Naiintindihan ko binibini.Hayaan mong alalayan kita.”
Saad niti na siyang ikinakuyom ng aking mga kamay nang hayaan ni Amethyst na hawakan siya ni Atticus.
“At bakit kailangan mo pang alalayan ang isang tulad niyang wala ng ibang idinulot sa atin kundi kapahamakan?”
Galit na sambit ko.
“Halika ka na binibini.Huwag mo na itong pansinin pa.”
Lapastangang sambit ni Atticus.Hindi kaya may sikretong pagtatangi si Atticus para kay Amethyst?
Nasa ganito akong pag iisip nang may marinig akong kung anong kumosyon na nang gagaling sa ibaba.Dali akong tumakbo at sinilip ang ibaba at halos mang laki ang aking mga mata nang makita ko si Atticus na buhat buhat ssa kanyang likuran na ngayon ay wala ng malay.
“Dalhin natin si Ate sa doctor.Please atticus kailangan niya na ng doctor.Hinang hina na si Ate!”
Sigaw ni Ayanna na ikinatuod ko.
“Ihanda ninyo ang sasakyan ngayon din!”
Sigaw ni Atticus sa driver.Dali akong bumaba ng hagdan para sundan ang mga ito ngunit ng makababa na ako ay siya namang kaaalis lang ng sasakyan.
“Malik! ano bang ginawa mo? hindi mo dapat sinabi ang mga bagay na yun sa kanya apo.Wala kang alam! Hindi dapat ganun.Oh diyos ko si amethyst.”
Tumatangis na wika ni Nana Azul.