Amethyst
“Malik malik? Manang si Malik ku-kumusta siya? ha?”
Natatarantang tanong ko.
“Diyos kong bata ka ano't bumangon ka na? hindi pa tuluyang nag hihilom ang mga sugat mo.Lalo na ang katawan mo mula sa pagkakalason.”
“May pag aalalang wika ni Manang ngunumit mariin akong umiling.
“Hindi po ayos lang ako.Si Malik po gusto ko siya makita.”
Saad ko na tila wala sa sarili.
“Amethyst! hay diyos kong bata ka! sinabi ko na sayo hindi ka pa mabuti.Mas lalong tatagal ang pagrecover ng katawan mo mula sa pagkakalason.Mahina ka pa apo.Hindi biro na akuin mo muli ang kalahati ng lason mula sa katawan ni Malik.Maaari ikapahamak mo ito.Mahina ka pa kaya mabuti pang bumalik ka na muna sa iyong silid at mag pahinga.”
“Gusto ko siyang makita manang.”
“Tumahan ka na iha.Maayos na si Malik.”
Pang aalo sa akin ni Manang ngunit hindi pa rin maawat ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata.Dahan dahan nitong inabot ang aking kamay at marahan iyong hinaplos.
“Nadinig ko mula kay Atticus ang tapang na ipinakita mo para mailigtas ang alaga ko.Kung hindi dahil sayo ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.Maraming salamat iha.”
Saad ni Manang habang maamo ang mukhang nakangiti sa akin.
“Pero Manang, ako ang may kasalanan kung bakit muntik din siyang mapahamak.Manang please, gusto ko siyang makita.”
Saad ko na namumugto ang mga mata.Malalim namang napabuntong hininga si Manang at kalaunay inalalayan din ako patungo sa kwarto kung saan nag papahinga si Malik.Nanghihina man ang aking katawan ay pinilit kong lumakad papunta rito.Muling tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan ito.Noong dinala kasi namin siya dito sa mansyon ay halos mamatay na ito.
*
Previously
Atticus please bilisan natin!!!!!!!
Sigaw ko kay atticus na halos paliparin na ang sasakyan.Nang makarating kami sa mansyon at dali namin itong pinagtulungang ibaba.
Manang! manang!
“Mahabagin diyos anong nangyari sa kanya?”
Natatarantang tanong ni Manang.
“Wala ng oras para mag paliwanag pa manang.Ihanda ninyo ang silid ni Malik dahil tutungo ako ngayon sa el cantado upang tawagin ang pinaka matandang manggagamot sa el cantado.”
“O-oo,oo sige, sige.”
Natatarantang wika ni Manang at patakbong tinungo ang silid.
Halos maubos na yata ang luha ko sa kakaiyak habang pinagmamasdan ang katawan ni Malik na umuusok at hindi magkanda mayaw sa kakasigaw sa sakit na nadarama.
“Manang bakit wala pa rin si Atticus? kailangan na kailangan nang malunasan si Malik.”
Sambit ko habang mugto na ang mga matang pinagmamasdan si Malik na ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit.