Malik
Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking higaan sa malakas na pagkatok mula sa labas ng aking pintuan.
“Malik, malik, apo buksan mo ang pinto.”
Tawag ni Nana.Dali akong nag tungo sa aking pintuan upang ito ay pag buksan at bumulaga sa akin ang mukha ni Nana Azul na punong puno ng pag aalala.
“Nana Azul, may problema ba?”
Tanong ko.
“Oo apo.Tignan mo 'to.Galing ang sulat na ito kay Amethyst.Hindi ba't na banggit mo na may masamang pakay sa kanila ang mga masasamang engkanto? bakit sila umalis ng biglaan? diyos ko hindi ba nila alam na maaari silang mapahamak ano mang oras? nag aalala ako para sa magkakapatid na iyon.”
Wika ni Manang ng puno ng pag aalala habang ako naman ay halos malukot ko ang papel habang nag tatagis ang aking mga bagang.Hindi pa man ako lubos na nakakapag suot ng damit ay halos talunin ko na ang pagitan ng mga baitang ng hagdanan paibaba habang may pagmamadaling ibinubotones ang aking polo.
“Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon.Masyadong delikado para sa kanila ang manatali sa labas lalo pa't wala sa kanila ang aking gabay.Siguradong pag natunugan ng mga kampon ni Aleka na mag isa lamang sila Amethyst ay kukunin niya iyong pagkakataon para mapaslang ang isa sa kanila.”
Sambit ko sa aking sarili.Nang marating ko sasakyan ay mabilis akong pumasok sa loob nito.Akmang paaandarin ko na ang sasakyan nang mabilis akong natigilan sa maingay na boses na naririnig ko.
Mariin akong nakapikit at pilit hinahanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon.Panay baling sa kaliwa at kanan ng aking ulo at pilit na kumokonekta sa pinanggagalingan ng boses na iyon.Alam kong boses iyon ni Ayanna at alam ko ring may masamang nangyayari kay Amethyst.
“Ate! tulong! tulungan ninyo kami.”
Dinig kong boses ni Ayanna.
“Call my name Ayanna.I need you to call my name!”
Bulong ko.
“Kuya Malik!”
Agad akong napadilat nang tawagin niya aking pangalan at mabilis pa sa alas kwatro akong nag laho mula sa sasakyan.
Amethyst
*
Amethyst!!!!
Sigaw ni Malik at mabilis akong nilapitan.
Ate!!!!!
Sigaw ni Aya habang ako ay patuloy pa rin sa pag suka.
“Hindi ito maaari.Parating na sila.”
Saad ni Malik habang nakatitig sa mga kumpol ng itim na uwak na nag liliparan patungo sa amin kasabay ng paglitaw din ng taga sunod nitong si Atticus.
“Malik anong? te-teka, ang ibig sabihin ba nito'y..”
Saad ni Atticus na ikinatango lamang ni Malik.Hindi ko naiintindihan ang nangyayari ngunit isa lang ang alam ko.At iyon ay nasa panganib kaming lahat.
“Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito.Si Amethyst anong nangyari sa kanya?”
Tanong ni Atticus na siyang ikinagulat nito ng makita ang likido na lumalabas sa aking bibig.
“Hindi ito maaari, isa itong lason.Kailangan natin siyang madala sa mansyon sa lalong madaling panahon!”
Natatarantang saad ni Atticus.
“Wala ng oras pa Atticus.Paparating na silang lahat at ano mang oras ay maaaring ikamatay ni Amethsyt ang mabilis na pagkalat ng lason sa kanyang katawan.Isa lang ang tanging paraan para maligtas si Amethyst.”
Saad ni Malik.
“Te-teka, wag mong sabihing...”
“Wala ng ibang paraan atticus.”
“Maaaring malagay ang buhay mo sa kapahamakan Malik.”
“Wala akong pakialam.Ako ang nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon kaya ililigtas ko siya.”
Saad nito at mabilis hinawakan ang aking magkabilang pisngi at inilapit ang kanyang labi sa akin isang dangkal ang layo.Kusang bumuka ang aking bibig at pakiramdam ko ay may kung anong pwersa ang pilit hinihigop mula sa loob ng aking katawan palabas.Maya maya pa'y mabilis ako nitong binitiwan at nag umpisa itong sumuka ng itim na likido.
“Malik, malik? teka anong nangyayari? bakit siya sumusuka ha?”
Natatarantang tanong ko.
“Kinuha niya ang lason na dapat para sayo binibini.”
Wika ni Atticus na siyang ikinatigil ko.
“Pe-pero bakit?”
Dali kong binuhat ang ulo ng nanghihinang si Malik ngunit mabilis din ako nitong tinulak.
“Umalis na kayo sa lugar na to.”
Saad nito.Nanghihina man ay pilit nitong dinukot ang kung anong bagay mula sa kanyang bulsa at inabot iyon sa aking kamay.
“Umalis ka na.Isama mo ang mga kapatid mo.Siguraduhin ninyong lilisanin ninyo ang lugar na ito at hindi na kayo babalik pa.”
“Hindi,hindi kita iiwan dito.”
Pumapalahaw na sambit ko ngunit malakas itong sumigaw na ikinatigil ko.
“Umalis ka na!”
Sigaw nito.
“Atticus inuutusan kita ngayon din.Siguraduhin mong makakaalis sina Amethyst malayo sa lugar na 'to.”
“Ngunit Malik, hindi kita maaaring iwan dito.”
Galit na sigaw ni Atticus.
“Inuutusan kitang bilang prinsipe ng buong el cantado.Sundin mo ang aking utos ngayon din!”
Wika ni Malik na mabilis ring natigilan nang muli itong sumuka ng itim na likido.Akma ko itong lalapitan muli nang hilain ako ni Atticus paalis.
“Masusunod prinsipe Malik.”
Labag sa kaloobang sambit ni Atticus.
“Te-teka sandali bitiwan mo ko ano ba!”
Sigaw ko ng halos kaladkarin ako ni Atticus papasok sa sasakyan.
“Wag ng matigas masyado ang ulo mo binibini.Hindi mo ba nakikita? halos isakripisyo ni Prinsipe Malik ang sarili niyang buhay para lang makatakas ka at iligtas ka.Wag mong sayangin ang sakripisyong ginawa niya para sayo!”
Sigaw ni Atticus na ikinatigil ko.Buong pagmamadali kaming pinapasok ni atticus sa loob ng pulang sasakyan.Muli kong tinanaw mula sa bintana si Malik na ngayon ay hinang hina na at nakaratay sa semento habang ang mga tauhan ni Aleka ay isa isa nang dumadating sa nag kukubling anyo ng mga itim na ibon.Kitang kita ko ang labag sa kalooban na pagpapaharurot ng sasakyan ni Atticus paalis.Pumatak ang aking masaganang luha habang pinagmamasdan ni Malik ang aming sasakyan na papaalis kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi nito bago pa man ito tuluyang mawalan ng malay.
“Teka sandali ihinto mo!”
Sigaw ko ngunit hindi ako pinakinggan ni Atticus at patuloy lamang ito sa pagmamaneho nang mabilis kong pinindot ang unlock malapit sa kanyang tabi at daling binuksan ang pintuan ng sasakyan kahit umaandar pa ito.Halos mahigit ko ang aking hininga nang malakas akong mahulog at nag pagulong gulong sa kalsada.Unti unti akong nakaramdam ng panglalabo ng aking paningin at mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Atticus na inihinto ang sasakyan at tumatakbo patungo sa akin ngunit buong pwersa akong tumayo at tinakbo ang patungo kay Malik na unti unti nang nilalapitan ng mga itim na engkanto upang ito ay paslangin.
“Hanggang d'yan lang kayo! subukan ninyong lumapit o dampian man lang ni isang hibla ng buhok ni Malik, ako mismo ang makakalaban ninyo.”
Pagbabantang saad ko dito ikinangiti ng isang matandang lalaki.
“Masyadong matalalas ang iyong dila para sa isang normal na nilalang.Huwag kang mag alala, hindi ko na patatagalin pa ang buhay mo lapastangan ka!”
Galit na saad nito at bago pa man ako maabot ng mga kamay nito ay mabilis ko nang naisaboy sa kanila ang aking asin na hawak hawak.Halos tila isang uod ang mga ito na nagpulasan nang madampian ang kanilang balat ng asin.Muli ay mabilis akong dumakot ng asin sa aking plastik na dala dala at dali iyong ihinagis muli sa kanila.Dinig ko pa ang malakas na pag tangis ng mga ito na tila sakit na sakit sa bawat pagdampi ng asin sa kanilang balat.
“Babalikan kita at sisiguraduhin kong mag babayad ka ng mahal!”
Sigaw ng matandang lalaki at muli kong ihinagis ang isang dakot ng Asin dito hanggang sa ang bawat isa sa kanila ay unti unting naglaho at naging itim na uwak na siya ring mabilis na lumipad paalis.Dali kong binuhat ang ulo ni Malik na ngayon ay wala ng malay.Agad rin namang dumating si Atticus at mabilis kaming inalalayan patungo sa Mansyon.