Chapter25

1905 Words
Amethyst “Good morning Manang.” Bati ko kay Manang Azul. “Ay magandang umaga rin naman sayo iha.Halina kayo't kumain ng agahan.Tamang tama naihanda ko na ang pagkain.” Saad ni Manang. “Hello ate, hello manang.Hay grabe ang sarap ng tulog ko.Ikaw ba ate kumusta ang tulog mo? malambot ba?” Tanong ni Aya na ikinasalubong ng aking kilay. “Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? hi-hindi kaya nakita niya kami ni Malik kagabi? pe-pero imposible.” Wika ko sa aking isip. “Ano,ano bang pinagsasabi mong malambot d'yan?” Maang-maangan kong tanong kasabay ng paglitaw sa aking alala kung gaano kalambot ang kanyang labi. “Hala, tinatanong lang kung malambot din yung kama n'ya galit agad?” Di makapaniwalang sambit ni Aya. “Ha? ahhh, oo nga malambot.” Sagot ko na palihim pang napapikit at napakagat sa aking labi sa labis na inis. “Ano ba kasing naiisip mo Amethyst? bakit ba masyado kang guilty samantalang matapos ang halik na 'yun ay basta ka na lang niya iniwan?” Wika ko sa aking isipan. “Huy ate, tara na malelate na ko sa school eh!” Sigaw ni Aya at saka naglakad patungong mesa.Habang kumakain ay hindi pa din ako mapakali kung kaya't agad kong tinawag si Manang. “Ahm, manang nasaan po sina Malik at atticus? naisip ko lang na baka gusto din nilang sumabay kumain ng pang umagahan.” Saad ko. “Oh sige iha, pupuntahan ko silang dalawa sa taas.” Nakangiting wika ni Manang na siyang ikinangiti ko rin. “Sige po, kukuha na rin ako ng extrang pinggan para sa kanila.” Dali akong tumungo ng kusina at hinanda ang mga plato.Pilit ko mang burahin sa aking alala ang nangyari kagabi ay hindi pa rin mawala wala ang aking ngiti. “Ay, timawa yarn? ngumingiti mag isa? share mo naman para dalawa na tayong nakangiti.” Pang aalaskang sambit ni Aya. “Alam mo ikaw praning ka.Di ba pwedeng maganda lang ang gising ko.Kasi nga diba sabi mo ang lambot.” “Ng alin?” “Ng kama.“ Natatawang saad ko. “Ang weird mo today.Kung di ko lang alam na wala kang jowa pagkakamalan kitang kinikilig d'yan.” Saad ni Aya. “Hay naku praning ka lang.Kumain ka na d'yan.” Nang marinig ko ang yabag ng mga paa na pababa sa hagdan ay agad din akong bumalik sa aking pwesto ngunit labis ang aking pagtataka nang tanging si Atticus lamang ang kasama ni Manang na bumaba. “Magandang umaga mga binibini.” Masiglang bati ni atticus. “Magandang umaga rin atticus.Ahm, si-si Malik nasaan? hindi ba siya sasabay na mag umagahan sa'tin?” Tanong ko. “Naku iha, sinubukan kong yayain pero tinanggihan naman ako.Mas gusto niya raw kasing kumain mag isa.” Saad nito na ikinalungkot ko habang sina Atticus at Aya naman ay masayang nagkukwentuhan.Nang matapos ang aming umagahan ay diretso na agad kaming ipinahatid ni Atticus sa kanilang driver.Kakabukas pa lang ng aking shop.Mabuti na nga lang at maagang pumasok itong si Cris at agad naiset up ang mga kagamitan dahil may biglaang nag pa schedule ng photoshoot ngayong araw.Mukha naman mabait si Cris.Sa totoo nga lang ay naikwento niya sa'kin na mag isa lang siyang namumuhay ngayon dahil bumukod na siya sa kanyang mga magulang.Ayon sa kanya,may konting hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng kanyang mga magulang ngunit naiintindihan naman daw niya ito dahil ang nais lamang ng mga ito ay ang kanyang ikabubuti.Hindi ko maiwasang hindi makita ang aking sarili sa kanya.Though, hindi niya sinabi ang buong detalye kung bakit sila nag katampuhan ay pinayuhan ko pa rin itong mas magandang ayusin niya ang relasyon niya sa kanyang magulang habang mas maaga pa.Hindi ko man gustong alalahanin pa ngunit sadyang hindi maiiwasan na maalala mo ang nakaraan.Tanging mabigat na buntong hininga lamang ang nagawa ng maalala kong muli si Nanay. “Ma'am, coffee po.Ayos ka lang ba?” Tanong ni Cris at saka inabot sa akin ang tasa ng kape. “Hmm, salamat ayos lang ako.” Sambit ko dito at saka sumimsim ng kape.Agad ako nitong nginitian at tumabi sa aking tabi. “May mga araw talagang malungkot tayo no?” Saad nito na ikinabitin ng aking kamay mula sa pagsimsim ng kape.Agad akong napatitig dito at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang malayo ang tingin. “Yung tipong kahit ayaw mo ng alalahanin pa pero kusang bumabalik sayo yung mga masasakit na alaala.Tapos mamamalayan mo na lang na malungkot ka ulit kahit paulit ulit mo ng ginagawa ang lahat para makalimot tapos sa isang iglap lang yung mga taon, araw, at oras na ginugol mo para pasayahin yung sarili mo para makalimot, bigla na lang magiging worthless dahil naalala mo ulit yun.Tapos boom, he he ang sakit ulit.” Malungkot na saad nito.Sa totoo lang it actually hits me.Pinilit kong mag move on ng maaga sa pagkamatay ni Nanay dahil ayokong makita nila Aya na pinanghihinaan ako ng loob tapos eto ngayon, naalala ko lang si Nanay, bumalik na agad yung sakit. “Tama ka, siguro kasi may mga taong pansamantala lang talaga natin nakatadhanang makasama.Ang mahalaga naman ay patuloy lang tayo sa buhay diba? there is a saying yesterday is history,tomorrow is a history, but today is a gift.That's why it's called present.” Nakangiting sambit ko dito na siya ring ikinangiti niya. “Salamat ma'am.” “Wala yun.Kape na tayo lalamig na to eh.” Masayang natapos ang araw na 'yun para sa amin ni Cris.Kasalukuyan kong binabagtas ang paakyat ng hagdan dahil halos kauuwi ko pa lamang mula sa trabaho nang bigla akong matigilan ng makita ko sa aking harapan si Malik na may seryosong titig habang nakapamulsa. “Let's talk.Follow me.” Saad nito na siyang sinunod ko rin.Nang makarating na sa kwarto nito ay agad nitong inabot sa akin ang kapiraso ng papel. “A-ano ba 'to?” Nakangiting tanong ko.Nang tignan ko ang papel ay halos natigilan ako. “Anong ibig sabihin nito?para saan baa 'to Malik?” “It's a huge amount of money.Maaari na kayong magsimula ng bagong buhay na magkakapatid.Just think na ito ang kapalit sa pagdadala ko ng gulo sa inyong pamilya.I suggest you to live in a place far away from here.And i wan't you to move as soon as possible.” Saad nito na ikinanginig ng aking mga kamay. “You may leave now Amethyst.” Saad nito. “Pe-pero bakit naman biglaan? may nagawa ba kaming hindi mo nagustuhan? naguguluhan ka ba samin o naiingayan? pasensya ka na.Wag ka mag alala pag sasabihan ko si...” “Enough.Mas lalo lang kayong malalapit sa kapahamakan kapag nanatili pa kayo dito.Kaya mas magandang lisanin n'yo na ang lugar na ito habang maaga pa.” Seryosong saad nito. “iyon ba talaga ang dahilan Malik? o dahil 'to sa nangyari kagabi?” Matapang na tanong ko habang kuyom ang mga kamay. “Tss, seriously that kiss is nothing to me.Iniisip mo ba na may halaga ang mga halik na 'yun? isa akong prinsipe Amethyst.Anong tiyansa na magkakagusto ako sa isang ordinaryong tao na tulad mo? maraming mas nakahihigit sayo sa aming mundo kaya bakit ko nanaisin na magkagusto sa...” Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin nang mabilis ko itong sinampal.Dali kong pinunit ang tsekeng ibinigay nito at itinapon iyon sa kanya. “Ayan sayo na yang pera mo! hindi namin kailangan yan.Wag ka mag alala aalis na kami dito bukas na bukas din.” Galit na wika ko at padabog na isinara ang pintuan.Padapa akong humiga sa aking kama at unang pagkakataon ay ngayon lang ako umiyak para sa isang lalaki. “Ang kapal ng mukha mo.May nalalaman ka pang mas madaming magaganda babae sa mundo ninyo kesa sa akin.If i know katulad mo rin yung espasol.” Galit na saad ko. “Bwiset na buhay 'to maiinlove na lang kasi sa engkanto pa.” Inis na saad ko hanggang sa tuluyan na akong makaramdam ng pagbigat ng aking mga talukap. KINAUMAGAHAN, ay maaga akong nagising at nag ligpit ng aking mga gamit.Tulog na tulog pa nga si Aya nung katukin ko ito sa pinto ngunit nang marinig ang balitang babalik na kami sa aming bahay ay mabilis pa sa alas kwatrong bumangon upang magtanong ng magtanong.Sabi ko nga sa kanya ay sa bahay ko lang ipapaliwanag.Dali kong kinuha si Pearl at inayos na rin ang mga gamit nito dahil ayoko ng makaabala pa sa mga tao dito.Nang makababa na ay dali kong iniwan ang sulat na naglalaman ng aking pasasalamat kay Malik,atticus at manang.Kahit naman sa ganitong paraan natapos ang aming samahan ay hindi maitatangging naging parte na sila ng aking buhay kahit pa sa maikling panahon. Madilim pa nang nilisan namin ang mansyon at kasalukuyan kaming nag aabang ng masasakyang jeep pauwi ng San pablo ngunit sadyang wala pa ring wala gaano jeep ang bumabyahe sa ganitong oras. “Ate, sigurado ka ba na hindi delikado para sa atin ang bumalik sa bahay? baka mamaya nandun na naman naghihintay sa'tin yung mukhang bangkay na tiyahin ni Malik.Naku di ko talaga matake na makita pa 'yun.” “Ano ka ba Aya? wag kang matakot tignan mo 'to.Halos dalawang kilo ata ng asin to.Pasikreto ko tong dinala dito nung umalis tayo nung isang araw.Mabuti na lang talaga nagpasigurado akong magdala nito.Oh diba, may pang laban na tayo.Subukan nilang magpakita isanghagis ko lang sunod ang balat nila.” Nakangiting sambit ko na siyang ikina-iling ni Aya.Maya maya pa'y may isang matandang babae ang lumapit sa amin. “Iha, nag aabang din ba kayo ng jeep patungong San pablo?” Tanong ng matanda na may bitbit na bilao ng mga kakanin. “Ay opo lola.Kaso parang wala pa naman dumadaan dito.Teka, paninda ninyo po ba yan?” Tanong ko dito na maamo nitong ikinangiti. “Oo iha.Araw araw akong nagtitinda ng kakanin doon malapit sa simbahan.Aba'y gusto mo bang tikman?” Tanong nito. “Naku lola, bibilhin ko na lang po.Eh, mukhang buena mano n'yo ako eh.Baka mamaya malasin pa kayo kapag inutang ko.” Pabirong sambit ko na ikinatawa nito.Dali naman niyang inabot sa akin ang piraso ng kakanin.Ganun din kaya Aya. “Naku manang ang sarap naman po nitong kakanin n'yo.Huy aya itry mo na dali ang sarap.” Sambit ko at muling kumagat pa ng isa ngunit si Aya ay tila nakasimangot lamang na nakatingin sa matanda. “Ang sarap po talaga manang ano po bang secret ingridients ang inilagay n'yo dito?” Tanong ko dito ngunit natigilan ako nang ngumiti ito at ang ngiti nito ay napalitan ng malakas na paghalakhak. “Ate Amethyst!” Sigaw ni Aya habang yakap yakap si Pearl.Nang ibalik ko ang aking tingin sa pagkain ay mabilis ko iyong nabitawan nang ang kinakain kong kakanin ay tila napuno ng mga uod at insekto.Patuloy pa rin sa paghalakhak an mg matanda na tila isang baliw hanggang nakaramdam ako ng pagsakit ng aking sikmura.Halos mapaluhod ako ng mag umpisa akong sumuka ng mga kulay itim na likido. “Ate! tulong tulungan ninyo kami! kuya Malik!” Umiiyak na sigaw ni Aya habang ang matanda ay palakas ng palakas ang tawa. “Amethyst!” Sigaw ni Malik na bigla na lamang lumitaw sa aming harapan at mabilis na sinugod ang tumatawang matanda ngunit ang katawan nito ay unti unting nagkulay itim at napalitan ng mga nag kalat na paniki at mabilis na nag liparan paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD