Amethyst
Hating gabi na ngunit hanggang ngayon ay paikot ikot pa din ako sa aking kama.Sa sobrang laki kasi nitong higaan ay tila naninibago ang aking Pakiramdam.Sa tingin ko ay namamahay ako.
Hindi na nga ako nakatiis pa kung kaya't agad akong bumangon upang bumaba.Balak ko kasing mag timpla ng mainit na gatas dahil baka sakaling sa paraan na ito ay dalawin na ako ng antok.Habang naglalakad ay kapansin pansin na medyo madilim na sa paligid kung kaya't dahan dahan akong humakbang upang hindi makalikha ng anumang ingay dahil ayoko namang magising pa silang lahat sa ingay ko.Unti unti ko ng natatanaw ang hagdan paibaba ngunit.Sa laki kasi ng bahay na ito ay talaga namang kailangan mong mag effort na maglakad bago mo marating ang hagdanan.Akma na akong papaliko patungo sa hagdan nang matigilan ako sa isang lalaking nakatayo sa labas sa balcony ng ikalawang palapag ng bahay bago dumating ng hagdan.
“Malik?”
Bulong ko na tila hindi rin nakaligtas sa sa kanyang pandinig at mabilis akong nilingon.
“Anong kailangan mo?”
Seryosong tanong nito.
“Ah ka-kasi napadaan lang ako.Bababa na kasi sana ako para kumuha ng gatas kaso napansin kong may taong nakatayo dito sa labas ng balcony.Ikaw pala.Ano bang ginagawa mo dito?”
Tanong ko at nag iwas lamang ito ng tingin.
“Umalis ka na at tumungo kung saan ka pupunta.”
Masungit na sambit nito na ikinahaba ng aking nguso.
“Alam mo napansin ko lang maraming pagkakaiba ang mga tao at engkanto sa isa't isa pero hindi nagkakalayo pagdating sa isang bagay at iyon ang pagkakaroon ng problema.”
Saad ko na ikinatitig nito sa akin.
“Alam mo ba na bilang isang tao masyado ng maraming bagay na kinaharap ko.”
“At ano naman ang mga bagay na yun? kayong mga tao ay iisa lamang ang problema.Dahil ang mga katulad ninyong tao ay umiikot lamang ang mundo sa pera samantalang kami ay buhay ang aming pinag uusapan.Kapangyarihan, karapatan na siyang pilit inaagaw.At ang pinaka nakapanglulumo sa lahat ay iyong mismong kadugo mo pa na sana ay sayo umaagapay ang siyang mismo nagtutulak sayo sa kapahamakan.”
Paliwang ni Malik na bakas ang kalungkutang pilit itinatago.
“Alam mo,ayokong ikumpara yung lalim ng pinagdaanan ko noon sa lalim ng pinagdadaanan mo ngayon kasi magkaiba tayo.I know everyone's feelings are valid.Maaaring nabigo ka ngayon pero ang importante naman dun ay yung patuloy kang lumalaban.Dahil habang lumalaban ka ibig sabihin lamang nito ay may pag asa pa na balang araw, maayos din ang lahat.Na balang araw sasaya ka ulit at ngingiti tulad ng dati.”
Saad ko at dahan dahang lumapit dito at itinaas ang magkabilang pisngi nito gamit ang aking index finger upang kurbahan ang labi nito ng isang smiling face.Mariin ko itong tinitigan ng may matamis na ngiti sa aking mga labi habang ang mga mata naman nito ay tila nangungusap sa paraan ng pagtitig nito hanggang sa bumaba ang mga mata nito sa aking mga labi na siyang ikinabilis ng pintig ng aking puso.
“Sa-sandali lang ha, may kukunin lang ako sa baba.”
Nauutal na sambit ko at pilit nag iiwas sa mga mata nito.Akma ko na itong tatalikuran nang hilain nito ang aking kamay at mabilis akong binuhat at inupo sa ibabaw ng railing na gawa sa semento at saka hinihingal na inilapit ang kanyang mukha sa akin.Halos hindi ako makapag salita sa gulat ngunit mabilis nitong inabot ang aking labi at dinampian iyon ng halik.Halos magwala ang aking puso sa init ng mga halik nito.Noong una ay padampi dampi lamang ang mga ito hanggang sa unti unting lumalim iyon na siyang natutunan ko ring tugunin.Maya maya pa'y ikinagulat ko ang biglaang pag iwas nito.
“Ipagpaumanhin mo, hindi iyon dapat nangyari.”
Saad nito at mabilis na umalis habang naiwan akong tulala.Tila nakaramdam naman ako ng kurot sa aking puso sa ginawa niyang iyon.
“Alam kong magkaiba kami ng mundo.Isa akong tao at isa siyang engkanto pero bakit parang ang sakit sa part ko na parang pinagsisisihan niya yun?”
Malungkot naa saad ko sa aking isipan