Chapter23

1739 Words
Amethyst “Wow ate ang ganda dito! totoo ngang napaganda ng loob nito.Hindi ko sukat akalain na si Malik pala ang nagmamay ari ng Mansyon na ito dito sa bayan ng San Agustin.” Manghang wika ni Ayanna.I've seen a lot of huge houses in manila but this one is amazing.First year college pa lang ako nang maitayo ang kilalang mansyon na ito dito sa San Agustin ngunit hindi ko inakalang si Malik pala ang nag mamay-ari nito. “Iha, ako nga pala si Azul.Ang isa sa mga taga pangalaga ng bahay na ito.Hayaan mong samahan ko kayo sa inyong magiging silid.” Saad ng babae na may katandaan na ang edad.Habang papaakyat sa engrandeng hagdanan ay hindi namin maiwasan ni Aya na mamangha.Kahit saan ka kasi lumingon ay napapalibutan ng ginto ang mansyon.Maging ang lamesa nga at mga kubyertos ay gawa rin sa ginto at yan ay ayon kay Atticus. “Heto po ang magiging silid n'yo miss Amethyst.” Saad ni Manang Azul. “Ang inyong kwarto naman po ay narito lamang sa kabilanh silid miss Aya.Habang ang kwarto naman ni pearl ay narito.Huwag po kayong mag alala.Bago pa man kayo lumipat ay nabilin na sa amin na ayusin ang magiging kwarto ng inyong nakababatang kapatid.” Paliwanag nito. “Maraming salamat po Manang.” “Walang ano man.Oh siya, ako'y bababa na muna upang ipaghanda kayo ng makakain.Kung may kailangan kayo ay tawagin n'yo lamang ako sa baba.” “Opo maraming salamat ulit manang Azul.” Saad ko.Kasalukuyan kong inaayos na ang aking mga gamit.Ayon kay Atticus na taga sunod ni Malik ay baka matagalan ang pananatili namin dito sa mansyon hanggat hindi naayos ni Malik ang problema sa kanilang mundo.Laking pagtataka nga ni Aling Weng ang biglaan naming paglipat ng bahay.Sinubukan pa nga nitong hingiin ang address ng aming paglilipatan na bahay ngunit pinayuhan ako ni Atticus na mas makakabuti sa aming magkakapatid kung walang makakaalam kung saan kaming lugar tutungo dahil ayon sa kanya ay maaaring gamitin o linlangin ng mga kampon ni Aleka ang sino man sa nakakikilala sa amin upang ituro ang aming kinaroroonan.Kaya katakot takot na pagdadahilan ang ginawa ko kay aling weng para lang makalusot dito.Matapos maiayos ang aking mga damit ay sinunod ko namang ayusin ang aking mga camera at mga mahahalagang dokumento.Sa totoo lang ay napakalaki ng silid na ito para sa akin.Itong kama na hinihigaan ko ay queen bed size samantalang ang higaan ko sa aming bahay ay solo bed size lang at bukod dito, napakalambot din ng higaan na ito.Hindi ko tuloy maiwasang isipin na tunay ngang napakayaman ni Malik.Hindi na ako magtataka pa dahil ayon sa mga sabi sabi, mayaman daw sa mga ginto ang mga tulad nilang engkanto. “Ate halika na! pinapatawag na daw tayo ni Kuya Malik sa baba para sa pananghalian.” Wika ni Aya sa labas ng aking silid.Nauna na si Aya na bumaba kung kaya mag isa na lamang akong bumababa ng hagdan ngayon.Mabuti na nga lang at napaka generous nitong si Malik dahil nag hire pa talaga siya ng yaya para kay Pearl.Nang marating ko ang dining ay kataka takang tahimik lamang si Aya habang nanghahaba ang nguso.Nang lapitan ko ang mga ito ay sakto rin na naroroon na si Malik at si Atticus. “Oh, anong proble...” Nabitin ang aking sasabihin nang bumulaga sa akin ang lamesang puno ng prutas at tinapay. “Kuya Malik bakit ganito ang pagkain? ganito ba ang lunch sainyo? eh parang sa nag da diet to eh.Wala ba kayong ibang pagkain dito?” Pagrereklamong tanong ni Aya. “Ito ang kinakain namin sa aming mundo.You should expect na iyon rin ang kakainin namin dito Aya.” Paliwanag ni Malik habang sumusubo ng tinapay na mas malaki pa yata sa kanyang ulo. “Pero kuya, ang mga katulad namin ay hindi mabubuhay sa tinapay at prutas lang.Nakikita mo ba tong katawan ko? very payatot ako at pag pinakain mo ko ng tinapay at prutas lang ay baka wala pang dalawang bwan ay ma diagnose na akong anorectic. Oh gosh ayaw kong mag mukhang kalansay.” Pagrereklamo ni Aya. “Maaari bang kumain na lang tayo muli ng shomeng?” Singit ni Atticus na tila pinaglalaruan lamang ang napaka laking tinapay sa kanyang harapan. “Mag tigil ka d'yan.Hindi tayo tulad nila na mga tao.Mga engkantado tayo.” Wika ni Malik. “Ahm, Malik ayos lang ba kung ipagluto ko na lang sila Aya at Pearl ng pagkain?” Tanong ko na naninimbang sa magiging reaksyon nito.Seryoso lamang itong nakatitig sa akin at kalauna'y tumango din senyales ng pagpayag nito. “Wag kayong mag alala.Hindi namin kayo pipiliting kumain ng pagkain namin.” Saad ko bago mag tungo sa kusina.Nang buksan ko ang kanilang refrigirator ay tumambad sa akin ang iba't ibang uri ng karne na may sealed pa at batid kong nagmula pa ang mga ito sa grocery store dahil sa mga tatak nito.Naisipan kong gumawa ng kare-kareng baka at sinigang na baka.Nakailang alok na nga rin sa akin si Manang Azul na siya na lamang ang magluluto para sa amin ngunit sinabi kong sanay naman ako sa pagluluto dahil hindi naman kami namuhay ng marangya at sanay din ako sa mga ganitong gawain.Sa huli ay tinulungan na lamang ako nitong maghiwa ng mga gulay at napagkwentuhan na rin namin ang aming mga buhay buhay.Batid kong alam ni Manang ang totoong katauhan ni Malik dahil ito mismo ang nag sabi sa akin.Ilang taon na din daw si Manang Azul na nagsisilbi dito bilang tagapangalaga ng bahay ni Malik.Ayon kay Manang ay mabuting engkanto si Malik.Natagpuan daw nito si Manang sa lansangan noong mga panahon na nag iisa na lamang ito sa buhay at namamalimos lamang sa kalye.Inalok daw siya nitong pangalagaan ang mansyon kapalit ng libreng pag tira, pagkain, at sweldo.Noong una raw ay nakaramdam siya ng takot nang malaman niyang hindi isang tao si Malik kundi isang engkanto.Ngunit nang mag tagal na ay nalaman niyang may mabuti itong puso.Halos anak na nga raw kung ituring ito ni Manang Azul.Ipinakita pa nga nito ang gintong porselas na kanyang suot na siyang ibinigay raw sa kanya ni Malik.Kung tutuusin daw ay maaari na siyang umalis dito at mamuhay bilang isang donya dahil ang gintong porselas daw na ito ay nagkakahalaga ng higit sa dalawampu't milyon ngunit hindi niya raw ipagpapalit sa pera ang nabuong pagsasamahan nila ni Malik.Madalas daw silang katakutan ng mga tulad naming tao ngunit sa totoo lang daw ay madalas na may mas mabuting puso ang mga tulad nila kaysa sa mga tao na halang ang bituka pagdating sa pagnanakaw ,pagpaslang panglalait, at marami pang iba. “Iha, hindi ko alam na marunong kang magluto.Aba'y napaka bango.Hindi kasi halata sa kutis mo at sa ganda mong yan na ang isang tulad mo ay masarap at marunong palang magluto.Iyong itsura mo kasi ay parang prinsesa sa ganda.” Wika ni Manang na ikinangiti ko. “Naku manang baka maniwala na ko sainyo n'yan sige po kayo.” Kapwa kami natawa sa aking sinambit.Nang matapos na namin itong maluto ay sabay na namin itong inihain.Kapwa nag uusap si Malik at atticus ng dumaan kami sa mga ito galing kusina habang bitbit ang mga mangko na naglalaman ng kare-kare at Sinigang. “Wow nagugutom na ako.Amoy pa lang ulam na!” Saad ni Aya na pumapalakpak pa.SAMANTALA, halos hindi na makagalaw si Aya sa kanyang kinauupuan sa labis na kabusugan.Naparami kasi ng nakain nito dahil isa sa mga paborito nitong ulam ay ang sinigang at kare kare. “Ate di ko na talaga 'to kaya.Tinatawag na ako ng kalikasan.” Saad ni Aya at mabilis na tumakbo patungong cr.Halos mapahalakhak si Manang ng umiiling dahil sa kakulitan ni Aya. “Hay, nakakatuwa talaga ang batang 'yun.” Saad ni Manang habang nagliligpit ng pinggan ni Aya.SAMANTALA,napansin ko naman sina Malik at atticus na hanggang ngayon ay tila seryosong seryoso ang pinag uusapan to the point na hindi mapakali si Malik na maglalakad paroon at parito sabay gagawi ang tingin sa amin. “I wonder kung may problema na naman ba? sa sunod sunod na naranasan naming mga weird na bagay noong gabi na yun ay parang na trauma na din ako.Sana naman ay wala nang mangyaring ganun.” Saad ko sa aking isipan.Tila hindi pa din mapakali si Malik at tila malalim ang iniisip nito kung kaya't nagpaalam muna ako kay Manang na aakyat muna ako sa taas dahil ayoko namang isipin nina Atticus na nakiki-usyoso ako sa kanilang pinag uusapan.Kasalukuyan kong inaakyat ang hagdan patungo sa sa aking silid nang mapansin kong hindi ko hawak ang aking cellphone. “Nakalimutan ko yung cellphone ko shocks!” Saad ko habang nagmamadaling binagtas ang napakahabang hagdan pababa.Nang marating ko na ang living room ay labis ang aking pagtataka dahil sa maingay na kalansing ng mga plato.Dahan dahan kong tinungo ang dining area at halos malaglag ang aking panga sa aking nasaksihan.Tila gutom na gutom na pinag aagawan nina Malik at atticus ang natirang kare-kare.Maging ang sabaw ng sinigang na baka ay halos gawing tubig ni Atticus.Samantalang si Malik naman ay abalang abala sa pagtitig sa gulay na petchay na dahan dahan din nitong nginuya.Mabilis din nitong inagaw ang sandok kay Atticus at saka sinubukang tikman ang sabaw ng sinigang.Halos mapahawak pa ito sa kanyang panga habang nangangasim ang mukha.Tila mangha naman itong napangiti at sinundan pa muli ng isa pang higop ng sabaw nang biglang dumating si Manang at nailaglag ni nito ang hawak kutsara sa labis din napagkagulat.Agad naman napahinto ang dalawa at tumuwid ng tayo.Seryosong naglakad paalis sina Malik na tila walang nangyari. “Nana azul, ano pa't hindi pa ninyo inililigpit ang mga pinagkainan na iyan? mangyaring linisin na ang lahat ng ito dahil hindi ko nagugustuhan ang amoy ng mga pagkain na iyan.” Saad ni Malik na may sauce pa ng kare kare sa kanyang bibig. “Siyang tunay nana Azul.” Saad din ni Atticus na may maliit pang dahon ng petchay sa kanyang baba at kapwa nag dire diretsong umalis ang mga ito na tila seryoso muli ang pinag uusapan.Nag tama ang tingin namin ni Manang at sabay kaming napatawa sa ikinilos ng dalawa. “Iha, mabuti na lamang at ibang klase ng pampalasa ang iyong ginamit at hindi asin.” Natatawang wika ni Nanay. “Kaya nga po Manang.Buti na lang ay available ang mga alternative spices dito sa bahay niya.” Natatawang sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD