Chapter22

1253 Words
Amethyst “Ayana ngayon na!” Sigaw ni Malik habang mabilis naman na isinaboy ni Aya ang asin sa mga ito na nag resulta sa tila pagkapaso ng kanilang mga balat.Kanya kanyang naglaho ang mga ito ngunit bago pa man maglaho ang babaeng nakabelong puti ay nadinig ko pa ang nakakikilabot nitong sigaw. “Ate tara na!” Sigaw ni Aya na mabilis akong hinila papasok ng aming bahay. “A-anong bang nangyari?” Naguguluhang tanong ko habang si Aya ay abalang abala sa pagbudbod ng asin sa bawat paligid ng aming bahay. “Ate hindi mo ba natatandaan? muntik ka lang naman sumama dun sa mukhang impaktang tita ni Malik.Tulala ka na nga lang eh.At ang nakakaloka, yung tinatawag mo yung mukhang bangkay na yun na Nanay.Diyos ko di ko na nga alam kung paano ka gigisingin sa pagkakatulala.Ilang beses na ako kakasigaw sa pangalan mo pero baliwala rin.Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Malik at atticus.Ginawa lahat ni Malik sa abot ng makakaya niya para basagin ang kaaibang salamangka na bumabalot sayo at hindi siya nabigo dahil nung mga oras na tuluyan niyang nabasag yun ay mabilis ka niyang inabot at tinapik sa iyong balikat at malakas na tinawag ka sa pangalan mo.” Paliwanag ni Ayana na ikinagulat ko. “Ate, hindi pa tayo ligtas.Yun ang bilin ni Atticus dahil ngayong gabi ay pinaplano ng mga nilalang na yun na kunin ka para gawing pain kay Malik para mapabalik siya sa mundo nila.Ayon kay atticus, yung babaeng nag pupunta sayo dito na mukhang bangkay ay tiyahin ni Malik.Sa paraan ng pagpapaliwanag ni Atticus kanina ay lumalabas na yung tiyahin ni Malik na mukhang bangkay ay half sister lang ng tatay niyang hari .Ngayon may sakit daw yung tatay ni Malik.Malapit na atang mategibels kaya sinamantala daw yun ng tiyahin nia na siraan siya sa mundo nila at palabasing nilason niya ang sarili niyang ama dahil ginamit na dahilan nung tiyahin niya yung pagkakaroon nila ng conflict between dun sa haring nyang ama at sa kanya.Ang balita kong cause ng pag aaway at kung bakit tinakwil itong si Malik ng kanyang amang hari ay dahil nainlove si Malik sa isang tao which is mahigpit na ipinagbabawal sa kanila.” Paliwanag ni Aya.Bilib din ako sa kapatid kong ito.Sinusugod na lang kami lahat lahat ng mga engkanto ay nakuha pang mag marites ng buhay ni Malik.Nang masiguradong napuno na ng asin ang bawat paligid ay daling isinuot ni Aya ang pangontra kay Pearl.Kapwa kami natigilan ng makarinig kami ng pamilyar na hagikgik ng isang babae mula sa labas. “s**t, ayaw niya talaga kaming tantanan.Kapwa kami mag kahawak ng kamay ni Aya at nagsadasal kahit pa parehas kaming takot na takot ay pinilit naming maging matapang nang bigla ay nakarinig kami ng malakas na takatak na tila nagmumula sa mga kabayo.Dahan dahan naming sinilip ang labas ni Aya mula sa bintana at halos mapatakip kami ng bibig sa aming nasaksihan.Napakaraming nilalang sa labas ang nakasuot ng puti at halos triple ata ng kanilang grupo ang nadagdag kumpara kanina.Habang seryosong seryoso ang mga ito na nakatayo sa labas ng aming bahay ay nahagip ng aking mga sina atticus na matapang ring hinarap ang mga ito.Ngunit ang nakakagulat ay ang mga kalahating tao at kalahating kabayo na dumating at humilera sa tabi nina Malik at Atticus na may dala dalang mahabang sibat.Sa tingin ko ay nasa sampu rin ang grupo ng mga tikbalang ang dumating. “Ate, tikbalang.” Takot na sambit ni Aya at maya maya pa'y humangin ng pagkalakas lakas at unti unting nahagip ng aking mga mata ang dalawang higanteng ibon na siyang bumaba sa mag kabilaang gilid nina Malik at Atticus.Halos hindi ako makapaniwala sa mga nasisilayan ng aking mga mata.Tikbalang, higanteng ibon, at mga engkanto, ang nasa aming harapan na animo'y nasa isang pilikula kami.Walang sino man sa mga ito ang nag uusap ngunit bakas sa kanilang mga mata na anumang oras ay sisiklab ang labanan sa pagitan nila hanggang sa biglang binasag ni Atticus ang katahimikan. “Aleka, alam mong walang patutunguhan ang iyong ginagawa.Ang grupo mong mga engkantado laban sa mandirigma ng el cantado at ni Prisipe Malik.Tingin mo ba'y may laban kayo sa amin kung sa isang wasiwas lamang ng pakpak ng alagang Avis ng prisipe ay nilipad na kayo ? ano pa kaya't sa grupo ng mga kalasag na ito? Saad ni Atticus habang si Malik ay tila tahimik lamang na nakamasid. “Blasfemino!” Sigaw ng babaeng may nakakatakot na ngiti.Halos matakpan ko nga ang aking tenga sa lakas ng boses nito ngunit ikinataas ng aking balahibo ang biglaang malakas na pag padyak ng mga tikbalang na tila nag bibigay babala sa grupo ng mga nakabelong puti.Agad naman napaatras ang mga ito at bago umalis ang grupo ng mga nakabelo ay mabilis itong tumitig sa akin mula dito sa bintana at binigyan akong muli ng kahindik hindik na ngiti at saka naglaho. Samantala, kasalukuyan naming tinatanggal ni Aya ang mga asin na ipinalibot namin sa buong paligid ng bahay.Habang abala sa pag dampot ng asin ay siya namang paghihintay nina Malik at Atticus na matapos kami sa pag alis ng mga asin.Hindi kasi sila pu-pwedeng madikitan man lang o masabuyan ng asin ang mga ito dahil ayon kay atticus masakit daw ito sa kanila na nagreresulta sa pagkasunog ng kanilang balat. Seryosong seryoso ang itsura ni Malik na habag masama ang titig sa plastik ng asin na hawak hawak ko. “Tumuloy na kayo, nalinis na namin ang paligid.” Paanyaya ni Aya dito at mabilis din namang umakyat ang mga ito papasok sa aming bahay ngunit nang akma na akong tatayo ay napansin kong may kung anong magaspang sa aking kamay kung kaya't gamit ang dalawa kong palad ay mabilis ko iyong papalakpak na pinagpag na siyang ikinalaki ng aking mga mata nang mapagtanto kong butil pala iyon ng mga natirang asin mula sa pagdampot ko kanina ngunit huli na ang lahat dahil halos madinig ko pa ang tila tunog ng nagbabagang uling na biglang binuhusan ng malamig na tubig nang dumampi ang asin sa balat ni Malik at saka iyon umusok.Ang mga mata ni Malik ay nag umpisang umitim at manlisik nang hindi sinasadyang matamaan ito ng asin. “So-sorry Malik.Peace?” Nauutal na saad ko habang may ngiti. Samantala, mag aalas dose na ng gabi ngunit kapwa pa rin kami nakaupo sa sala.Nag umpisa na rin ang sunod sunod na paghikab ni Aya senyales na inaantok na ito ngunit nabulahaw ang aming bahay nang tila may isang malaking bagay ang tumuntong at dumapo sa aming bubong. “s**t, ang baho ano yun?” Tanong ni Aya habang hawak ang ilong samantalang ako ay hindi mapakali sa kakatitig kung saan iyon nanggagaling. “Huwag kayong matakot binibini.Ang bagay na iyong naririnig sa taas ng inyong bahay ay ang alagang avis ni Malik o kung tawagin dito sa inyong mundo ay ibon.Narito ito upang kayo ay bantayan at protektahan sa kapahamakan.” “Woah, that's cool pero ang baho talaga.Di mo ba yan pinaliliguan man lang Malik?” Walang pakundangang tanong ni Aya ngunit mabilis na tumayo si Malik na tila nagtitimpi. “Hindi kayo ligtas sa lugar na ito.Ano mang oras ay babalik at babalikan nila kayo.Ako ang dahilan kung bakit kayo nasasangkot sa gulo.Kung kaya't buo na ang desisyon ko.Bukas na bukas ay lilipat kayo sa aking Mansyon.Ihanda na ninyo ang inyong mga gamit dahil bago pumutok ang liwanag ay aalis na tayo.” Saad ni Malik na ikinanganga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD