Chapter21

1327 Words
Amethyst “Ate, kailan mo pala pinaplano ang photoshoot namin ni Pearl?” Tanong ni Aya.Pasado alas otso na ng gabi at halos kakatapos ko lamang gawin ang pahabol kong trabaho. “Siguro schedule ko kayo sa makalawa.Alanganin kasi kung bukas.Marami pa kaming dapat gawin ni Christiana.” Saad ko kasabay nang pag sara ng laptop. “Christiana? s'ya ba yung sinasabi mong bagong assistant mo?” “Oo, nag apply lang siya kanina.Nainterview ko na rin siya and so far very fit naman siya sa trabahong ibinigay ko sa kanya.” Wika ko. “So kumusta naman siya?” Tanong nito. “Hmm i think she's okay.She's actually look so nice.Maganda siya at mukhang mabait.” “Mabuti naman kung ganun.” Saad ni Aya habang nag huhugas ng plato.Kasaluyan namang natutulog na ang bunsong kapatid naming si Pearl.Alas siete ng gabi kasi talaga ang oras ng pag tulog nito.Kadalasan nga ay kundi tulog, inaantok naman ito sa tuwing darating ako. “Omg, expired na ang load ko.” Saad ko. “Sige ate, ako na ang lalabas para paloadan ka.” Suhestiyon ni Aya. “No, ako na lang ang lalabas para mag paload sa tindahan.Bantayan mo na lang si Pearl.” Sigurado ka ate? Tanong ni Aya. “Oo, dito ka na lang.Bantayan mo na lang si Pearl.” Habang nag lalakad nakatanggap pa ako ng mensahe mula sa isa kong kliyente na nagpapabago ng oras ng kanyang schedule para bukas.Hindi ko naman pwedeng hindi ito replyan dahil ayokong may masabi itong hindi maganda sa aming serbisyo lalo pa't nag uumpisa pa lang ang aking negosyo.Medyo may katandaan na rin kasi itong customer ko kaya normal lang na wala itong anu mang social media account. SAMANTALA,Hindi pa man ako nakakalabas patungo sa phase 2 ng aming brgy ay agad akong napahinto nang maramdaman kong tila may sumusunod sa akin.Nang lingunin ko at sinuri kung may tao ba sa aking likuran ay walang ano mang bakas ng kung anong nilalang ang sumusunod sa akin.Mabuti na nga lang at may flash light akong dala dala dahil medyo may kadiliman talaga dito sa amin.Maluwag akong nakahinga nang makita kong wala namang sumusunod sa akin ngunit halos malagutan ako ng hininga nang tumambad sa akin ang mga nilalang na nakasuklob ng puti sa kani-kanilang mga ulo.Ang isa sa mga ito ay natatandaan ko pa ang itsura at kulay ng balat. “Kanina pa kita hinihintay.” Wika ng babaeng kulay patay ang itsura na may nakakikilabot na ngiti. “s**t, bakit ba lagi nila akong sinusundan ano bang kailangan nila sa'kin?” Sambit ko sa aking isipan at mabilis na tumakbo paakyat.Pakiramdam ko ay lumulutang na ang paa ko sa bilis ng pagtakbo ko.Sino ba naman ang hindi masisindak sa kakaibang itsura ng nilalang na iyon? Patuloy ako sa pagtakbo pauwi ng bahay ng matigilan ako sa isang taong humablot sa aking kamay.Halos mapasigaw ako kung hindi lamang nito tinakpan ang aking bibig. “Malik, atticus?” “Sshhh, itikom mo ang iyong bibig.” Wika ni Malik. “Sino ba sila? ano bang kailangan nila sa'kin? Bakit paulit ulit niya kong pinupuntahan?” Pabulong kong tanong dito. “Hindi ikaw ang kailangan nila.Ako ang totoong kailangan niya.” “Ano? bakit? a-anong meron? saka kung ikaw ang kailangan nila eh bakit ako pinupuntahan niya?” Naguguluhang tanong ko habang tinatanaw ang grupo ng mga nilalang na nakabelo ng puti na nanatili lamang na nakatayo ngunit batid kong hinahanap ako nito hanggang sa nilingon nito ang pwestong pinagtataguan namin.Malayo man sa akin ay kitang kita ko pa rin ang nakakatakot nitong ngiti at sa isang iglap lamang ay nasa harapan ko na ito agad.Ganun nito kabilis narating ang aking pwesto. “Kukunin ko siya.” Saad ng nakabelong babae habang nakangiti. “Hindi mo siya pakekealaman o sino man sa pamilya niya.Alam mo kung anong kakayahan ko.Wag mo akong pilitin mija.” Saad ni Malik dito. “Hindi ikaw ang magsasabi kung sasama siya o hindi.Sa kanya dapat mang galing ang disisyon.Halika Amethyst sumama ka na.” * Kasalukuyan akong nasa malawak na garden.Napakaganda dito.Ang mga rosas na may iba't ibang kulay, ang paro-paro na nagliliparan at ang mga huni ng mga ibon na siyang kay sarap pakinggan ang siyang nag pamangha sa akin. “Amethyst sumama ka na.Hindi ka na makakaramdam pa ng lungkot.Tanging ligaya na lamang ang madarama mo.Sumama ka na anak.” “Na-nanay.” Saad ko. “Amethyst halika.” Wika ni Nanay at dahan dahan kong inabot ang kamay nito.Patuloy ko itong sinusundan habang magkahawak ang aming mga kamay. “Nanay, papaano si Aya at si Pearl?” Tanong ko ngunit patuloy lamang ito sa paghila sa akin habang naglalakad kami sa malaparaisong lugar na ito. “Nay, paano po sila pearl at Aya?” Tanong ko ngunit hindi pa rin ako nito sinasagot hanggang sa madapa ako at mabitiwan nito ang aking kamay.Nang mag angat ako ng tingin ay unti unting naglaho ang malaparaisong lugar na iyon at kasabay nun na naglaho ang mga magagandang bagay na natatanaw ko.Agad kong nilingon si Nanay ngunit laking gulat ko nang ang babaeng nakabelo na may kakaibang itsura ang bumulaga sa aking harapan. * Malik's pov “Hindi ikaw ang magsasabi kung sasama siya o hindi.Sa kanya dapat mang galing ang disisyon.Halika Amethyst sumama ka na.” Wika nito at bago ko pa man ito mapigilan ay nagawa na nitong kontrolin ang isipan ni Amethyst. “Hindi maaari Amethyst!” Sigaw ko.Isa sa mga kakayahan ng lahi ni Mija Aleka ay ang kontrolin ang isip ng isang indibidwal saka nito kukunin ang espirito ng kanyang mabibiktima.Alam kong ginagamit nito si Amethyst upang mapasunod niya ako at maisakatuparan ang kanyang planong pagpapatalsik sa aking posisyon at saka nito gagawin ang maitim nilang balak ni Migo alkedin.Ang planong pag paslang sa akin sa oras na tumuntong ako sa el cantados.Sila ang kapatid ng aking ama na naghahangad na maagaw ang kaharian ng el cantados.Si mija Aleka at migo alkedin ay kapwa anak sa ibang engkantada ng kanilang ama.Magkaiba ang ina ng aking amang hari.Si ama ay anak ng mayamang angkan ng mga diwata na kilala sa mabubuting gawa. Samantalang si Migo at mija ay anak ng kilalang itim na engkantada na kilalang kilala sa pagiging masama nito.Kapwa sila itinakwil sa el cantados ng aking Haros (Lolo) dahil din sa aking kasamaan ng mga ito ngunit ng si Ama na ang pumalit bilang hari ay pinabalik niya ang mga ito at itinuring na hindi iba sa kanya.Ngunit lingid sa kaalam ng aking amang hari ay ganid ang mga ito sa kapangyarihan.Kung kaya palihim na kumilos ang mga ito upang tuluyang mapasakanila ang kaharian ng el cantados. “Amethyst!” Patuloy na sigaw ko ngunit tila hindi nito naririnig ang aking sinasabi dahil kusa na nitong inabot ang kanyang kamay kay Mija.Tulala na ito at alam kong hawak na at kontrolado na nito isip ni Amethyst. “Ate! please gumising ka wag kang sumama sa kanila.” Sigaw ni Aya. “Aya, nakuha mo ba ang bagay ni pinakukuha ko sayo?” Tanong ko dito na siyang ikinatango nito.Tuluyan ng naglakad si Amethyst kasama si Mija at ang kanyang mga taga sunod.Kailangan kong mapigilin si Aleka dahil sa oras na makatungtong ang mga paa ni Amethyst sa mundo ng el cantados ay malabo na itong makabalik pa at habang buhay ng matatali ang kalukuwa nito kay Aleka at hinding hindi ako papayag.Dali kong ginamit ang aking kapangyarihan at buong pwersang binasag ang nakapalibot na mahika sa kanila at hindi ako nabigong basagin iyon.Nang mapasok ko ang kanilang primla ay mabilis kong inabot si Amethyst na wala sa kanyang sarili at dali kong tinapik ito ng isang beses sa kanyang balikat na mabilis nitong ikinagising. “Ayana ngayon na!” Malakas na sigaw ko at mabilis na sinunod ni Aya ang inutos kong pag hagis ng asin sa amin.Dinig ko pa ang nakagigimbal na sigaw ni Aleka bago ito naglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD