Amethyst
Hindi nga halata na nagustuhan nila ang siomai.Kulang na lamang ay higupin pa ng mga ito ang sauce.
“Ano ang bagay na yan?”
Maangas na tanong ni Malik habang punong puno ng mantika ang bibig.
“Eto? binili ko to para sainyong dalawa ni Atticus.Masarap tong ipartner d'yan sa maanghang na siomai pagkatapos kumain.”
Nang sabihin ko iyon ay daling ininom nito ang s**o't gulaman at makailang ulit pa nito iyong tinikman hanggang sa tuluyan na nitong ubusin ang isang baso.
“Atticus nagustuhan mo ba?”
Tanong ko kay atticus habang si Malik naman ay abalang abala sa pagtaktak ng baso sa kanyang bibig dahil sa pilit nitong sinisimot ang mga sagong naiwan sa loob ng baso.
“Siyang tunay binibini.Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sarap ng pagkain na ito.Ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong klaseng pagkain sa tana ng aking buhay.”
Wika nito na siyang ikinangiti ko.Nang magawi ang aking paningin kay malik ay tapos na itong kumain.Seryosong seryoso ang mukha nito na animo'y walang naganap mukbang sa kanila ni Atticus.Im not sure if he is just pretending but one thing is for sure, nagustuhan n'ya ang pagkain dito.
“Malik, nagustuhan mo ba ang siomai?”
Nakangising tanong ko na tila ikinahiya nito ngunit tila pinatitigas nito ang kanyang ekspresyon habang ako ay di maiwasang mangiti dahil sa nagmamantika nitong labi.
“Masasabi kong kakaiba ang pagkain sa mundo ng mga tao.”
Seryosong tugon nito habang nakahalukipkip ang mga kamay.
“Yun lang ba ang masasabi mo? wala ng iba?”
Tanong ko na may nakakalokong ngiti.
“Ano pa ba ang nais mong marinig?”
Pagalit na tanong nito.
“Ang sungit naman.Kala mo talaga hindi na enjoy yung pagkain kanina eh nuh?”
Wika ko at daling kumuha ng tissue sa lamesa at tumayo.Nilapitan ko ito at saka yumuko at dahan dahang pinunasan ang bibig nito.
“Kunwari ka pang di mo nagustuhan eh halata namang gustong gusto mo.”
Sambit ko habang pinupunasan ito sa kanyang bibig.Seryoso naman itong nakatitig sa akin na siyang ipinagkibit balikat ko lamang.
“Alam mo kung may bagay kang nagustuhan o nagpasaya sayo let your heart express your happiness.Hindi yung kahit masaya ka pipilitin mong maging seryoso.Everyone's feeling is always valid tao ka man o engkanto, bawat nilalang ng diyos ay may karapatang sumaya so be it.Okay finish, there you go.”
Sambit ko nang matapos kong haplusin ang malambot nitong buhok paitaas at bahagya iyong inayos saka ito nginitian na siyang tila ikinaawang ng kanyang mga labi.
Nang makabalik na kami sa aking shop ay nag desisyon na ang mga itong umalis.Himala nga't nag paalam si Malik bago ito umalis.Nang makaalis na ang mga ito ay nag umpisa na rin ako sa aking mga gawain.May mga naging costumer na rin kasi ako at kailangan ko ng gawin ang mga lay out ng aking mga projects.Kasalukuyan akong abala sa harapan ng aking computer nang bigla ay may isang babae sa pintuan ang kumatok.Simple lamang itong manamit ngunit litaw pa rin ang kanyang kagandahan.
“Good morning ma'am, my name is Shalee Cristiana Salazar.I saw outside that you are looking for assistant so i went here to ask if the job you are offering is still available?”
Tanong nito na may maamong ngiti at mahinhin na boses.
“Yes, actually kailangan na kailangan ko talaga ng assistant.If you don't mind ,pwede ba muna kitang mainterview at makita ang mga requirements mo?”
Saad ko.
“Of course ma'am.”
“Okay halika, pasok ka sa loob.”
Wika ko at saka ito pinapasok sa shop.