Chapter19

1592 Words
Amethyst Halos ilubog ko ang aking mukha sa sinambit nito.Dahan dahan akong umikot paharap dito ngunit mariin kong naipikit ang aking mga mata nang mag tama ang tungki ng aming mga ilong sa sobrang lapit nito.Halos maningkit na ang mga mata nito sa kakangisi habang pinagmamasdan akong lubog na lubog sa kahihiyan.Hindi pa rin ito dumidistansya sa akin at halos maamoy ko pa preskong hininga nito. “Why are are you hiding yourself babe?” Pang aasar nitong muli.Agad ko itong itinulak at ngumuso sa harapan nito. “Ano ka-kasi pasensya ka na.Hindi ko naman intensyon talagang gawin yun ka-kaso...” Muli nitong pinantayan ang aking mukha at sa sobrang lapit nito ay napilitan pa akong mapaliyad ngunit laking gulat ko ng hapitin nito ang aking baywang. “Kaso ano? hmmm?” Muli akong napapikit dahil sa labis na kabog ng aking dibdib.Hindi ko malaman kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ng aking katawan paagdating sakanya.Unti unti kong naramdaman ang init ng hininga nito senyales lamang na sobrang lapit na nito sa akin nang biglang tumunog ang elevator.Halos maitulak ko papalayo si Malik nang makita kong isang grupo ng mga lola na sa tingin ko ay galing pa sa pag zuzumba ang pumasok sa loob ng elevator.Nasa 5th floor kasi nakapwesto ang aking shop ngunit nasa second floor pa lamang kami ni Malik.Nasa first floor kasi nakapwesto iyong mga murang pagkain na pwede naming kainan.Hindi naman nakaligtas sa akin ang bulong bulungan ng mga ito.Kasalanan kasi ito ni Malik.Napapagkamalan pa tuloy kaming gumagawa ng hindi maganda dito.Nang tumunog na ang elevator ay dali dali kong hinila si Malik palabas. Kasalukuyan kaming naglalakad patungong food court ngayon.Nasa likod ko lamang si Malik na panay ang buntot sa akin kahit saan man ako mag punta.Nang maabot ng aking mga mata ang nagtitinda ng mga kwek kwek,kikiam, fish balls ,siomai, palamig ay mas lalong umatungal ang aking tiyan.Dali dali akong nag punta sa food stall at umorder ng kwek kwek. “Ate dalawang order po ng kwek kwek.Saka dalawang order din ng spicy garlic siomai.Samahan mo na din po ng palamig.Ate pala, pakidamihan naman ng chili garlic oh.” “Yes ma'am.” “Yan ang gusto ko sayo te eh.Salamat ha.” Nang makuha ko na ang aking order ay napangiti ako nang makita ko si Malik na tila inip na inip na naghihintay sa lamesa. “Heto na....Tadahhhh! this one is for you and this one is for me.This also for you and this is also for me.” Bungisngis na saad ko ngunit natigilan lamang ako nang tila pinagmamasdan niya lamang ang mga pagkaing inihain ko sa kanyang harapan. “Huy, ano pang hinihintay mo? kumain ka na.” Saad ko at nagsimula kong tusukin ng stick ang kwek kwek.Halos mapasayaw pa nga ako sa bawat pag nguya ko ng kwek kwek habang ito naman ay tahimik at salubong ang kilay na pinagmamasdan ako. “Ano? ayaw mo bang kainin yan?” Tanong ko habang patuloy pa din sa pag lantak ng huling piraso ng siomai. “Nahihibang ka na ba? hindi kami kumakain ng mga ganyang pagkain.Ano naman pumasok sa isip mo na kakain ako ng ganyan? Insanis.” Patuya nitong sambit. Alam mo noong nakaraan pa yang insanis insanis mo eh.Ano ba kasing ibig sabihin nun? Nakangiting tanong ko. “Baliw.” Natigilan ako sa sinambit nito at hindi makapaniwalang tinitigan ito sabay iling. “Palibhasa boring mundo n'yo eh.Siguro puro mga dahon lang kinakain ninyo.” Saad ko at tumayo upang mag tungo sa cr. “Narinig ko ang sinabi mo.Ano ba ang tingin mo sa aming mga engkanto kabayo na tanging dahon lamang ang kinakain?prutas at manna ang kinakain namin sa aming mundo.” “Whatever! pare parehas pa rin tayong nagugutom no? kaya kung ayaw mo edi wag.Mag ccr lang ako.Kung ayaw mo n'yan ako ang lalantak n'yan.” Wika ko dito at iniwan ito saglit. * Malik's pov Kakaiba talaga ang babaeng yun.Kanina ay tinawag niya akong babe.Isa sa mga salitang karaniwang ginagamit ng mga taong mag kasintahan.Hindi ko mapigilang mapangiti nang tawagin niya ako sa salitang iyon.Halos takasan nga ito ng hininga nang mapag-alaman niyang batid ko at nauunawaan ko ang bawat lenggwaheng ginamit niya upang inisin ang babae kanina.Hindi na bago sa akin ang mga lenggwaheng ginagamit ng mga tao dito dahil sa ilang taong paglalabas masok ko sa mundo ng mga tao ay unti unti ko ng natutunan ang mga bagay na ito.At isa pa, ako ang naatasan ni Ama noon na mamahala sa mga kagamitang pang instraktura na siyang kinukuha pa namin sa mundo ng mga tao kaya hindi na bago sa akin ang pakikipag ugnayan sa mga katulad nilang tao.Nakakatuwa lang pagmasdan ang isang tulad ni Amethyst na inaakalang wala akong kaalam alam sa mga ganitong klaseng bagay pagdating sa kanilang mundo. “Malik.” “Atticus, ano't naparito ka?” “Narito ako upang mag hatid sayo ng balita.” “Kumusta ang kalagayan ni Ama?” Tanong ko. “Ganun pa din at walang pagbabago.” Tugon nito. “Narito ako para ipaalam sayo ang mensahe ng iyong nakatatandang kapatid na babae.” “Si Aurora? anong mensahe nito?” “Nais niyang pansamantala ka munang manatili dito upang makaiwas sa tiyak nakapahamakan.Napag alaman niya ang sekretong sabwatan sa pagitan ng inyong Migo at mijah sa pagpaplanong palabasin sa buong el cantados na ikaw ang may kagagawan sa pagkalason ng iyong amang Hari.” Saad ni Atticus na ikinatagis ng aking mga bagang. “Noon pa man ay alam ko ng halang ang kanilang hapti.Naturingan silang kapatid ng aking amang hari ngunit wala silang ibang hinangad kundi ang mapasa-kanila ang buong pamamahala sa el cantados.At ngayong hindi maganda ang kalagayan ng ama ay ginagamit nila itong pagkakataon upang gawing dahilan ang naging hidwaan sa pagitan namin ni Ama upang ako'y mapatalsik ng tuluyan sa aming kaharian.Mga lapastangan.” Nakangising saad ko.Batid kong mangyayari ang ganitong bagay ngunit hindi ko inakalang sa ganito nila kaaga isakatutuparan ang kanilang maitim na balak. “Pinasasabi ng iyong Vana na mangyaring pansamantala ka munang tumuloy sa Mansyon na iyong ipinatayo noon na para sana sainyo ni Binibining shalee.” Wika ni Atticus na ikinataas ng aking kilay ngunit agad ko rin itong ipinagsawalang bahala.Kapwa kami nasa malalim na pag iisip nang biglang maagaw ang pansin ni Atticus sa bagay na nakahain sa mesa. “Malik, ano ang bagay na ito?” Tanong ni Atticus. “Isa itong pagkain dito sa mundo ng mga tao.Hindi ko sigurado ngunit ayon sa pagkaka-alala kong sinabi ni Amethyst ay tinatawag itong shomeng.” Saad ko. “Kakaiba ang amoy ng isang ito.Nakakaramdam ako ng labis na pagkagutom sa aroma na nanunuot sa aking ilong.” Wika nito na kulang na lamang ay ingudngod nito ang kanyang ilong sa shomeng.Nang bigla ay walang pag aalinlangan nito isinubo ang isa.Nanglalaki ang mga mata nito at tila bumibilis ang kanyang paghinga.May kung anong likido rin ang lumabas sa kanyang ilong na siyang ikana-taka ko.Agad ko itong dinagukan sa kanyang ulo nang mapansin ko ang kakaibang reaksyon nito. “Isa kang hangal! anong nangyayari sayo atticus? maaaring may lason ang bagay na 'yan.” Dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at inalog alog ito upang magising sa pagkakatulala. “Atticus!” “Nakapagtataka,anong uri ng mahika ang inilagak sa bagay na ito at tila inaapoy ang aking dila? Malik, kakaiba ang bagay na ito.Napakasarap.” Maluha luha nitong sambit at muling sumubo ng isa pa.At tulad kanina ay ganun muli ang naging reaksyon nito.Sa labis na kyuryosidad ay gamit ang maliit na kahoy ay itinusok ko ito sa shomeng.Dahan dahan ko itong dinala sa aking bibig at pikit matang isinubo ito. * Amethyst “Hay grabe na hagard talaga ako sa nangyari kanina.” Sambit ko habang naglalakad mula sa comfort room.Mabuti na lamang ay nadala ko ang aking make up powder at nagawa kong makapag retouch.Nang marating ko ang food court ay labis ang aking pagtataka dahil wala na si Malik kung saan ko ito iniwan kanina. “Umalis na naman ba siya ng hindi nag papaalam?” Saad ko sa aking sarili nang maagaw ang aking atensyon ng mga babaeng nasa aking tabi na tila hindi mapakali at panay bulungan habang may kakaibang ngiti.Nang sundan ko ng tingin ang kanilang pinagkakaabalahan ay halos manglaki ang aking mga mata. “Te-teka si-si Atticus ba yun? anong gingawa nila?” “Binibini, mangyaring bigyan mo kami ng shomeng.Ngayon din.” Utos ni Atticus sa tindera ng siomai.Tila wala rin naman sa sarili ang babaeng nakatitig sa dalawang lalaki sa kanyang harapan. “Binibini, ano't hindi ka kumikilos? bigyan mo kami ng shomeng.” “Tama bigyan mo kami ng mahiwagang shomeng na may kakaibang apoy at mahika sa poob nito.Ngayon na.” “Sho-shomeng? ahh, siomai po ba?” Tanong ng babae na tila nag papacute pa. “Kung iyon ang iyong tinutukoy mangyaring ihandog ito sa amin ngayon din.” Saad ni Atticus.Nang maibigay na sa dalawa ang kanilang order ay may pagmamadaling tinusok at sinubo ng dalawa ang siomai.Kapwa pa nanglalaki ang kanilang mata na tumitig sa isa't isa at muling tumuhog ng siomai at sabay na kinain.Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaignorantehan nilang dalawa pero nagmadali akong puntahan ang tindera dahil matapos kunin ng dalawa ang kanilang order ay diretso lamang naupo ang mga ito sa aming table ng hindi nag babayad. “Ahm, miss pasensya na ha, ako na ang mga babayad sa kinuha ng dalawa.Bigyan mo rin ako ng palamig.” Saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD