Chapter18

917 Words
Amethyst “Hoy ano bang nangyayari sayo?” Tanong ni Malik matapos itulak ang aking noo gamit ang kanyang isang daliri.Hindi ako nakaamik sa tanong n'yang ito dahil pakiramdam ko ay may isang bagay akong nalimutan na pilit ko mang alalahanin ay di ko magawang mabatid kung ano ito.Saglit akong pumikit at pilit inalala kung ano ang bagay na 'yun ngunit wala ring nangyari. “May nais ka bang sabihin?” Nakangising sambit ni Malik. “Wala naman.Para kasing may nakalimutan ako.Alam mo yun yung nasa dulo na nangdila ko pero di ko masabi kung ano.” Sambit ko na ikinakibit balikat lamang nito.Dahan dahan itong naglakad at sinuri ang bawat paligid ng studio.Huminto ito sa aking harapan at saka sumandal sa pader.His hands were on his pockets at seryoso akong tinitigan. “Anong plano mo sa sinisingil ko? may naisip ka na bang buhay na maaari mong ibigay bilang kabayaran sa pagkakautang mo?” Tanong nito na ikinahigpit ko ng hawak sa aking suot na pantalon. “Pa-pasenya na.Wala pa kasi akong naiisip.Nakikiusap ako sayo na kung maaari ay bigyan mo ako ng konting panahon pa para makapaghanda.” “Tss, siguraduhin mo lang.Dahil ang ayoko sa lahat ay yung sinungaling.” Wika nito na ikinalunok ko ng aking laway.Mahabang katahimikan ang lumaganap sa aming dalawa ngunit naputol din ang katahimikan na iyon ng biglang.. “Krrrrrrrr.” Kapwa kami napatingin sa pinanggagalingan ng tunog na iyon at napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil ang pinanggagalingan ng tunog iyon ay walang iba kundi sa aking tiyan. “He he he sorry ha.Nagkape lang kasi ako kanina eh.” Pabungisngis kong sambit na siyang ikinatitig nito sa akin at ikina awang ng kanyang bibig. “Madalas mo bang gawin ang ganyang bagay?” “Ha? a-ang alin?” “Ang bumungisngis ng ganyan. Nakakairita.” Wika nito ng nagiiwas ng tingin.Agad naman akong napanguso sa sinabi nito.Siya lang kasi ang bukod tanging lalaki na nagsabing naiirita siya sa mga ngiti ko samantalang yung mga katrabaho kong lalaki noon sa maynila ay mangitian ko lang halos matulala na. “Tss, ibang klase.” Pabulong na sambit ko na ikinataas ng isang kilay nito. “May sinasabi ka?” “Wala, ang sabi ko dito ka muna at bibili muna ako ng makakain ko sa labas dahil panay reklamo na nitong tiyan ko.” Saad ko at mabilis na tumayo at iniwan ito.Nang makalabas na ako aking shop ay saglit akong natigilan nang mula sa salamin na pintuan ay nakita kong nakahabol lamang ito ng tingin sa akin.Agad ako napangisi sa ideya na nasa isip ko.Dali kong muling binuksan ang pintuan ng shop at walang ano ano'y hinila ito sa kanyang kamay palabas ng shop. “Ano bang ginagawa mo?Hindi mo ba alam na sa mundo ng mga engkanto ang paghawak ng...” “Ssshhhhhh! mamaya ka na! sumama ka muna sa'kin.May gagawin tayo.” Naniningkit ang mga mata kong pinagmasdan ito sabay ngisi.Kasalukuyan kaming nag lalakad sa loob ng Mall at halos lahat ng makakasalubong naming mga babae ay nasa kanya ang tingin.Nariyan yung may nagpapadyak na animoy nanghihinayang.Mayroon ding halos madapa sa katititig sa kanya tulad na lamang ngayon.May isang babaeng balingkinitan ang hubog ng katawan at hapit na hapit ang suot nitong damit sa kanyang katawan.Noong una ay nakangiti ito kay Malik ngunit nang magawi ang tingin nito sa aming kamay ay nag iba agad ang itsura nito at nag taas ng kilay sa akin.Sa labis na inis ko ay tinaasan ko rin ito ng kilay at mas lalo ko pang hinila si Malik sa aking tabi. “Babe can we eat some food na? im hungry.” Saad ko kay Malik ng nakangiti.Natigilan ito at salubong ang mga kilay na tinitigan ang aking dalawang kamay na nakapulupot sa kanyang braso.Batid kong hindi naiintindihan ni Malik ang lenggwahe na ginagamit ko kaya ganun na lamang kalakas ang aking loob.Mas matangkad ito sa akin kung kaya't bahagya itong nakayuko at nakatitig sa akin.Nang hindi ito umimik o sumagot man lang ay malakas na napaismid ang babae.Pasimple ko itong tinitigan at halos makagat ko ang labi ko sa labis na hiya. “Ahm, hi excuse me. My name is Amber i noticed kasi na super attractive mo.May i know kung artista ka ba or model? kasi kung hindi mo naitatanong model din ako ng isang malaking skin care company.By any chance, would you like to...” Hindi pa natatapos ang sinasabi ng babae nang biglang pumulupot ang kamay nito sa aking baywang na siyang ikinagulat ko. “Let's go babe.” Nakangising sambit nito na ikinagitla ko.Halos mang galaiti ang babae sa aming tabi ngunit hindi ko na ito nabigyang pansin pa dahil napilitan na akong magpahila kay Malik.Nakapulupot pa rin ang kamay nito sa aking baywang at halos kumawala na sa aking dibdib ang aking puso sa labis na bilis ng pagtibok nito.Marunong itong gumamit ng salitang ingles at ibig sabihin lamang nito ay naintindihan niya ang sinabi ko kanina. “Nakakahiya.” Sambit ko sa aking isipan.Nang tuluyan na kaming makapasok sa elevator ay saka lamang nito tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakapulupot sa aking baywang.Halos idikdik ko ang aking sarili sa sulok ng elevator umaasang maitatago ko ang aking sarili mula sa kahihiyan.Nakayukyok ang aking noo sa bakal habang nakatalikod dito umaasang sana ay mag teleport na ito paalis ngunit napadilat ako sa sinambit nito. “You silly woman.” Saad nito na bakas ang pag ngiti sa tono ng kanyang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD