Chapter17

814 Words
Amethyst Ano? totoo ba yang sinasabi mo ate? Bulalas ni Aya habang patayong nabitawan ang suklay. “Bakit di mo ako tinawag o ginising man lang? may nangyayari na pala sayo tapos ako panay hilik lang sa higaan.” “Kumalma ka nga Aya.Para namang may magagawa ka kapag ipinaalam ko sayo.Isa pa, ayokong mapahamak ka, Kayo ni Pearl.Mabuti na nga lang at dumating si Malik.” Habang sumisimsim ng kape ay unti unting bumabalik sa aking alala kung paano ako nito iniligtas kagabi.Ang mapanganib nitong mata na siyang kay amo ng mga oras na yun na tila ba nangungusap na animo'y may nais iparating.Ang pag tapik nito sa aking ulo na siyang nag pagaan sa aking kalooban at ang pag haplos nito sa aking pisngi at pag ngiti na siyang mabilis na nag patibok sa aking puso ang siyang nag papagulo rin sa aking isipan. “Eh kung ganun ate wala ka ng dahilan pa para iwasan si Malik.Kung tutuusin ay ilang beses ka na niyang inililigtas.Ngayon mo pa ba siya paghihinalaan na gusto ka niyang saktan? iniligtas ka niya nung muntik ka ng lumubog sa kumunoy, nung minsan muntik ka ng magahasa ni Uncle, at higit sa lahat nung muntik ka ng kunin nung pangit kamo na babae.Imagine kung di dumating sina Malik at atticus ano ang mangyayari sayo?” Mahabang lintanya ni Aya.Tama siya.Sa daming beses na iniligtas ni Malik ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan ngayon pa ba ako mag da doubt? Kasalukuyan ko ng inaayos ang aking gamit.Papunta na kasi ako ng studio.Kinakailangan ko rin mag hire ng magiging assitant ko nang sa gayon ay may makatuwang ako sa pamamahala ng aking negosyo.Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay may magarang pulang sasakyan ang bumusina sa akin.Agad akong napahinto sa pag tawid at pinagmasdan ang paparating na sasakyan.Huminto ito sa aking harapan at maya maya pa'y may isang taong bumaba mula sa passenger seat sa likuran at nang tingnan ko ito ay walang iba kundi si Lester. Napakamanly nito sa kanyang suot na v neck black t-shirt at reap jeans.Bakas sa katawan nito na alagang alaga niya ito sa gym.Agad itong ngumiti sa akin at tinanggal ang kanyang itim na salamin sa kanyang mata. “Amy here you are.” Ahm, Lester ikaw pala.A- anong ginagawa mo dito? Tanong ko ng nakangiti. “I came here kasi gusto kitang ihatid sa trabaho mo.” Saad nito habang may matamis na ngiti. “Naku Lester im okay you don't have to do that.” “Ano ka ba it's fine.Please pumayag ka ng ihatid kita.” Nakanguso pa nitong saad na tila nag papaaawa. “Hay naku ayan na naman yang puppy eyes mo.You haven't changed.Ginagamit mo pa rin yang ganyang style mo sa tuwing may gusto kang gawin o ipakiusap.Pero sige na nga! tutal nagtitipid ako.” Kapwa kami sabay na napatawa sa aking sinabi.Papasok na ako ng sasakyan nang may biglang humila sa aking kamay. Malik? Gulat na sambit ko. He's wearing a semi formal attire.Halos mapanganga nga ako sa kagwapuhan nito.Nakasuot ito ng white polo kung saan bakat na bakat ang matikas nitong dibdib.Naka tuck in ito sa loob ng kanyang gray pants at ang buhok nito ay tila bagong gupit na siyang bumagay sa kanyang itsura.Nakasuot din ito ng mamahaling relo na aakalain mong isang mayamang tao ang nasa harapan mo. “Taray ano 'to ngkanto 2.O version?” Saad ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. “Hey Amy.” Saad ni Lester na ikinabalik ng aking ulirat. I said do you know this man? Seryosong tanong ni Lester sa akin. Ha? o-oo kilala ko siya.Siya ang... “Ako ang nobyo niya.At sino ka? saan mo siya balak dalhin?” Maangas na tanong ni Malik kay Lester na ikinanganga ko. “Ano daw? nobya?” Hindi makapaniwala sambit ko. “Is this man telling the truth?Boyfriend mo ba siya Amethyst?” Ha? ahhh wala... “Halika na.” Wika ni Malik at mabilis na hinila ang aking kamay paalis.Tuloy tuloy kaming nag lakad hanggang sa hilain ako nito sa papalikong bahagi ng eskinita at tulad ng dati ay namalayan ko na lamang na narito na kami sa loob ng aking studio.Halos mahilo nga ako at kamuntikan pang mauntog sa pader ng mag teleport na naman ito ng hindi man lang ako sinasabihan.Mabilis akong inalalayan nito patayo at muli akong natigilan nang mag tama ang aming mga mata.Katahimikan ang lumaganap sa buong lugar.Hindi ko maialis ang aking tingin sa mga mata nito kung kaya't nakipaglabanan ako ng titigan dito. “Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa mga tulad mong nang gugulo? pinaparusahan ko Amethyst.kaya marapat lamang na parusahan kita ngayon.” Sambit nito sa namamaos na boses at saka ako idiniin sa pader.The next thing i knew is that the man who's running through my mind is kissing me savagely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD