Ngiti
Amethyst
Matapos ang naging pag uusap namin ni ate Susan ay agad na rin akong dumiretso dito sa studio.Magulo man ang aking isip sa mga sinabi ni ate Susan ay pansamantala ko muna iyong kinalimutan.Inumpisahan ko na rin ang pag salansang ng aking mga gamit.Maging ang pag didisenyo ng buong studio ay unti unti ko na ring ginawa.Mabuti na lamang ay sa loob ng dalawang taong pag tatrabaho ko bilang isang photographer ay nakaipon na rin ako ng iba't ibang litrato na ang iba pa nga sa mga ito ay nakasungkit pa ng award sa mga photo contest na aking sinalihan.
“Hay salamat natapos na din.”
Nakangiti kong sambit habang pinagmamasdan ang kabuan ng studio.Hindi ko maitago ang aking mga ngiti sa tuwing pagmamasdan ko ang aking mga camera at iba pang mga kagamitan.
“Sa wakas, natupad na rin ang pangarap ko.Alam kong marami pa akong kakaining bigas pero alam ko rin na sooner or later ay makikilala rin ang aking studio.”
Masayang sambit ko ng biglang tumunog ang aking telepono.
“Oh Aya napatawag ka?
ganun ba? oh sige ako na ang bahalang bumili at wag ka na rin mag luto dahil bibili na lang ako ng lutong manok.”
Nang maibaba ko ang telepono ay nagmadali na rin akong umuwi.Sabi kasi ni Aya ay bigla raw sininat si Pearl kaya dadaan muna ako ng botika bago umuwi at para makabili na rin ng aming uulamin.
“Kuya isang buo pong Manok.Pachop na rin ho salamat.”
Nang maiabot na sa akin ang supot ng manok ay agad akong nag abang ng masasakyan ngunit isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan.Magkasalubong pa ang aking mga kilay na pinagmasdan ang kotse ngunit nang magbaba ito ng kanyang salamin ay agad akong napangiti.
“Lester?”
“Amy, halika hatid na kita sainyo.”
“Ha naku okay lang nakakahiya naman.”
“Ano ka ba Amy, i insist.Ang tagal tagal kong naghintay sayo hanggang ngayon ba naman ay tatanggihan mo ako.”
Patampong sambit nito na siyang ikinasamid ko.
“Ah eh kasi...”
“Come on hop in.Sige ka kung di ka sasabay mapipilitan akong buhatin ka.”
Saad nito na ikinalaki ng aking mata.
“Ha? ah oh si-sige he he.”
Naiilang na tugon ko.
Habang nasa byahe ay pinilit kong huwag tumingin dito kahit pa mula sa aking gilid ng mata ay kitang kita ko ang makailang ulit na pagtitig nito sa akin.I feel so awkward everytime na nakakasama ko siya.Ewan ko ba pero hindi na ata mawawala sa akin yung ganung pakiramdam kapag nandiyan s'ya.Halos mauntog ang aking noo nang bigla itong mag preno.Mabuti na nga lang ay agad nitong sinalo ang aking noo gamit ang kanyang palad.
“Amy, stop ignoring me please.I wan't you to be my girlfriend and im dead serious.”
Saad ni Lester na makailang ulit na nagpapikit sa aking mga mata.
“Ah ha?”
“I know you heard me.Please Amethyst give me a chance.”
Saad ni Lester.
“Pe-pero Lester, sana maintindihan mo.Wala pa kasi sa priority ko ang mga ganyang bagay ngayon lalong lalo na wala na si Nanay at tanging ako na lang ang inaasahan ng mga kapatid ko.”
“Amy, listen to me.Kaya ko kayong tulungan kung yun lang ang iniisip mo.”
“Lester salamat sa tulong mo pero ayoko namang samantalahin ang kabaitan mo.Wag kang mag alala dahil nakapag tayo na rin ako ng negosyo ko at sigurado akong unti unti na rin kaming makakabangon at pag nangyari yun, matutupad ko na rin ang pinangako ko kina inay at itay na bibigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko.”
Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Lester at saka ngumiti.
“Kung nakaya kong maghintay sayo ng four years ano pa kaya itong konting panahon na hinihingi mo?”
Dahan dahan nitong kinuha ang aking kamay at dinala iyon sa kanyang labi at saka dinampian ng halik na labis kong ikina ilang.
“Don't worry i'll wait for you amy.Just let me stay by your side hmmm?”
Wika nito na ikinangiti ko ng pilit.
Nagpaalam na si Lester at kasalukuyan na rin akong naglalakad papasok sa kalye patungo sa aming bahay.My heart is pounding so fast when i saw Malik standing near at the tree.As usual, masama na naman ang titig nito sa'kin.Maaari siguro'y dahil hindi siya makalapit lapit sa 'kin para makapaningil ng utang ko.Nag patay malisya lamang ako at diretsong lumakad.Suot ko pa rin ang kwintas na bigay sa akin nung albularya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalapit sa'kin si Malik.
Nang lingunin ko ito ay seryoso pa rin itong nakatitig sa akin at saka lamang unti unting tumalikod at naglaho.Nang makarating sa bahay ay sumalubong sa akin si Aya na karga karga si Pearl na nakatulog na pala sa kanyang balikat.Mahimbing pa rin na natutulog si Pearl ng ibaba namin ito sa kanyang higaan.Ang sabi ni Aya ay ayos naman daw ito kaninang umaga pero bigla ng ilabas daw ito ni Aling Weng ay may kung ano itong itinuturo sa baba malapit sa ilog at saka pumalahaw ng iyak at doon na daw nagsimulang lagnatin si Pearl.Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ni ate Susan na mga bisita raw namin kagabi.Nakaramdam ako ng takot para kay Pearl kung kaya't dali kong hinubad ang aking kwintas na binmgay ng albularya at isinuot iyon kay Pearl.
Matapos naming kumain ng hapunan ay agad nag paalam si Aya na matutulog na.Siguro ay dahil pagod na pagod ito dahil bukod sa galing sa ekwelahan ay pag uwi nito ay siya na rin ang nag asikaso kay Pearl.Bago ako pumasok sa aking kwarto ay sinilip ko pa sina Aya at Pearl sa kanilang kwarto.Sila kasi ang mag katabi.Mahimbing na ring nakatulog si Aya kung kaya't hindi ko na ito inabala pa at ako na ang nag palit ng damit ni baby pearl na basa na sa pawis.Mabuti na nga lang ay bumaba na ang temperatura nito.Mag mula sa 38.1 ay nasa 37 na lamang ang temperature nito.Dahan dahan kong isinara ang pintuan ng kanilang kwarto at halos mag taasan ang balahibo ko ng malakas na humahangin mula sa labas ng bintana.Dali akong lumapit doon at isinara ito ngunit ng pumihit na ako papasok sa aking kwarto ay bumulaga sa akin ang isang babae na nakasuot ng puting belo habang may nakakatakot na ngiti.Kulay itim ang mga mata nito at nakatitig sa akin.Nanginginig ang aking mga paa na umatras.Ayokong lumabas pa sila pearl at Aya.Natatakot akong mapahamak din sila kung kaya't tahimik akong tumakbo palabas ng bahay.Kumpyansa kasi akong hindi nito malalapitan ang dalawa kong kapatid dahil sinigurado kong naroon ang pangontra.Nag patuloy ako sa pag takbo ngunit bigla na lamang itong lumitaw sa aking harapan and this time, humahalakhak ito sa nakakakilabot na paraan habang unti unting lumalapit sa akin.Sinubukan kong tumakbo muli ngunit tila naistatwa ang aking katawan.Naiiyak kong pinikit ang aking mga mata at habang papalapit ito ay papalakas rin ng papalakas ang tawa ng babae.
“Malik.”
Umiiyak kong bulong.Lumipas ang ilang segundo at napansin kong naging tahimik ang aking paligid at nang subukan kong idilat ang aking mga mata ay halos mahimatay ako nang makita ko ang mukha ng babae malapit na lamang sa aking mukha habang may nakakikilabot pa ding ngiti.
“Malik malik malik malik.”
Pabulong na pang gagaya nito sa akin habang titig na titig ang mga itim nitong mga mata sa akin na siyang labis kong ikinapanghina.Tila tumuwid ang aking katawan at saka bahagyang ngumanga ang babae at lumapit malapit sa aking bibig ng bigla ay sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na karga karga ni Malik.Tila nakatagpo ako ng kapahingahan sa kanyang prisensya at mahigpit kong ipinulupot ang aking mga braso paikot sa kanyang batok at doon umiyak sa kanyang dibdib.Naramdaman ko ang pag haplos nito sa aking buhok.
“Patawad kung natagalan ako.Tahan na narito na ako.”
Sambit nito na ikina-titig ko sa kanya.Dahan dahan ako nitong ibinaba at doon ko nakita ang tagasunod nitong si Atticus.Sinabihan ako nitong manatili lamang sa tabi at siya na raw ang bahala.Nag umpisang lumapit sina atticus at Malik sa babae at parang galit na galit yung babae sa kanila.Pakiramdam ko nga ay nanginginig pa rin ako sa itsura ng babaeng ito dahil sadyang nakakatakot talaga ang kanyang mukha.Kung ididiscribe ko ito ay imaginin mo na lang ang isang lupa na tuyot.Yung tipong nagbibiak biak na.Ganun ang itsura ng kanyang balat na kulay abo.So sino ba naman ang hindi matatakot? lumipas na ang ilang minuto at tahimik lamang na nagtititigan ang mga ito na tila nag uusap lamang sila sa kanilang mga isip hanggang sa mapatingin ulit sa akin ang babae at muling nakakakilabot na ngumiti.Hindi ko malaman ang gagawin ko ngunit nadako ang aking mga mata sa mga indian mango na nakalapag sa lamesa ng balkonahe.Mabilis kong dinampot ang supot ng asin at walang ano ano ay ihinagis iyon sa kanilang tatlo.Kanya kanyang nag laho ang mga ito ngunit hindi ko makakalimutan ang dissapointed na pagmumukha ni Malik bago ito nag laho.Tila ba'y sinasabi kasi ng mga mata nito na ang tanga tanga ko.