Chapter15

1044 Words
Amethyst Bisita * Dalawang araw na ang nakakalipas mag mula ng isuot ko ang kwintas na bigay ng albularya at mag pa hanggang ngayon ay hindi pa din ako nalalapitan ni Malik.Sa totoo nga n'yan ay madalas ko itong masilip sa labas ng bintana na nakaupo sa taas ng sanga ng puno habang ngumunguya ng dragon fruit at seryosong nakatitig sa akin.Hindi ko kasi nagustuhan yung pang titrip na ginawa n'ya sa labi ko kaya hindi ko muna tinatanggal ang pangontra na binigay sa akin ng albularya.Mabuti na nga lang ay agad bumalik sa dati ang labi ko mag mula nang sabihin ni Albina na gagaling na rin ang labi ko.At totoo nga dahil pag gising ko kinaumagahan ay bumalik na ito sa normal.Ang totoo nga nyan ay sa nag daang dalawang araw na hindi nakakalapit sa'kin si Malik ay maraming beses na rin ako nitong sinubukang asarin at takutin.Nand'yan yung may bumabato sa bubong namin o kaya naman ayy hahangin ng malakas at halos lahat ng alikabok sa labas ay papasok sa aming bahay na siyang dahilan sa mag hapon kong pagwawalis.At sa tuwing titignan ko naman ay ang nakangising putakting si Malik ang nasa taas ng puno na panay kain lamang ng prutas.Alam ko naman na siya ang may gawa nun.Katulad na lang ngayon na nasa labas na naman ito at malapit sa puno ng balete at kung ano ano na naman ang ibinabato sa bubong namin tapos ang kapal ng mukhang umarte na parang wala lang. Habang nag huhugas ako ng pinggan sa kusina kung saan tanaw na tanaw dito sa bintana ang ilog at puno ay may bigla na namang kumalabog ang aming bubong.Hindi ko na talaga matiis pa ang inis ko kung kaya't dali akong nag tungo sa sala at mabilis na sinaksak ang speaker.Napangisi pa ako nang simulan ko ng pindutin ang remote. Oh, tahong, makarob-karob (makarob-karob) Makarob-karob an tahong ni Karla Oh, tahong, makarob-karob (makarob-karob) Makarob-karob an tahong ni Karla. Malakas na ugong ng tugtog ang lumaganap sa buong kabahayan maging hanggang sa labas ay dinig din ang lagabog ng tugtog ng aming speaker.Dali akong nag punta sa kusina at pasimpleng sumilip sa bintana at kitang kita ko roon ang busangot na pagmumukha ni Malik na ngayon ay naniningikit ang mga matang nakatitig sa akin mula sa labas.Maya maya pa'y bigla itong naglaho na siyang ikinasakit ng tiyan ko kakatawa. “Magulo ka ah, ano ka ngayon? wala ka pala sa tahong ni Karla eh.” Natatawang wika ko. NAKALIPAS na ang buong maghapon and so far, tahimik ang buhay ko ngayon at walang nagungulit na engkanto.Hindi ko pa rin hinuhubad ang suot kong kwintas kaya sa malamang sa malamang ay matutulog yata ako ngayon ng mahimbing. “Hoy ate, sigurado ka ba d'yan sa pinag gagawa mo? bakit ba kasi kailangan mong suotin pa yan eh alam naman nating mabait si Malik.Eh diba niligtas ka pa n'ya kay uncle Emman?” Saad nito. “Alam ko naman 'yun.Pero kasi ang hirap makisama sa kanila.Bawat tulong nila sa tulad nating tao ay laging may Kapalit na buhay.At the more na nagkakautang ka at ginagawan ng pabor ay mas lalo ka nitong gigipitin Tandaan mo Aya, hindi sila tulad natin.Mga engkanto sila.Hindi natin alam kung ligtas bang makipag kaibigan sa mga tulad nila.Kaya ikaw, tigil tigilan mo na yang madalas mong pakikipag usap kay atticus.Baka ikapahamak pa natin 'yan.” “Pe-pero ate.” Wala ng pero pero Aya.Sige na, matulog na kayo ni Pearl. Saad ko na mabilis naman nitong sinunod. Bago matulog ay nag nilibot ko muna ang buong bahay at isa isang siniguradong nakalock ang bawat bintana.Huli kong isinara ang bintana na malapit sa aming kusina.Inakala ko pa nga na paparating si Malik dahil sa malakas na hangin ang biglang dumampi sa aking balat ngunit lumipas na ang ilang minuto ay walang Malik ang dumating at isa pa sa ipinagtataka ko ay hindi amoy ni Malik ang naamoy ko.Yung amoy kasi ni Malik ay mabango na parang isang sampaguita na medyo amber wood ang datingan.Pero ang amoy na ito ay kakaiba dahil ang isang ito ay tila amoy na natuyong lumot na masangsang.Ah basta, hindi ko maipaliwanag.Dali kong isinara ang bintana at nang masigurado na nakalock na lahat ay nag tungo na ako sa kwarto upang mag pahinga at matulog.KINAUMAGAHAN,maaga akong gumising at nag luto ng maaalmusal at mababaon ni Aya sa kanyang paaralan.Ito kasi ang unang araw na maguumpisa na ako sa pag operate ng aking studio.Kinausap ko na rin si Aling Weng na siyang pag iiwanan ko kay Pearl.Mabuti na nga lang at nariyan si Aling Weng at ito mismo ang nag presenta na siya na lamang ang mag aalaga kay Pearl.Nang masugurado kong ayos na lahat ay nag hamda naman na akong gumayak.Kasalukuyan akong nag lalakad na palabas nang magkasalubong ko muli si Ate Susan. “Amethyst!” “Magandang umaga ho aling susan.” “Ay magandang umaga din sayo Amethyst.Ano kumusta na ba kayo? ang mga bisita n'yo ? nariyan pa ba sila? Po? eh, wala naman po kaming bisita ate Susan.Bakit n'yo naman po nasabi 'yan? Aba'y iha, matanda na ako pero malinaw pa ang aking mga mata at memorya.Kagabi kasi nadaan kami dito para kumuha ng dahon ng tuba tuba dahil ilang gabi na panay sakit ng rayuma ko.Habang may bitbit kaming flash light ay naispatan ng asawa ko iyong mga bisita mo.Nakatayo lang sila d'yan sa labas ng bahay n'yo.Siguro mga nasa Sampu silang nakatayo d'yan sa labas ng bahay n'yo. Nagtataka nga kaming mag asawa kasi puro sila nakaputi.Sinubukan nga namin silang sabihan na bukas na lang nila kayo puntahan dahil ala una na ng madaling araw at siguradong tulog na kayo pero tinignan lang kami ng mga nakaputing tao tapos tinitigan ulit yung bahay n'yo.Nakabalik na nga lang kami lahat lahat sa pangunguha ng dahon pero naroon pa din sila nakatayo at tahimik na nakatitig sa labas ng bahay na para bang may hinihintay na isa sainyo ang lalabas kaya iniwan na lamang namin sila at hinayaan.Akala ko nga ay pinatuloy mo na sa bahay ninyo kaya ko natanong. Ano po? Gulat na tanong ko. Oh siya sige iha, maiwan na kita dahil marami pa akong gagawin. Saad ni Ate Susan na labis kong ikinabahala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD