Amethyst
“Ang kapal talaga ng Malik na yan nang-gigigil ako d'yan masasampal ko na yan eh.Tingnan mo tong nguso ko atticus daig ko pa nguso ng pato sa ginawa n'ya.Palabasin mo yang amo mo ngayon din dahil kung hindi n'ya to ibabalik sa dati kukuha ako ng holy water sa simbahan at ipapaligo ko sa kanya.”
Galit na saad ko kay atticus habang ito ay kakamot kamot na nakatitig sa aking namamagang labi.
“Ikaw naman kasi ate, ano bang ginawa mo at nagawa kang paglaruan ni Ni fafa Malik?”
“Alam mo ikaw, isa ka pa konti na lang masusuntok na kita.Itigil tigil mo yang pag ngise mo d'yan dahil wala ako sa mood makipag biruan sayo.”
“Ang sungit mo naman nag tatanong lang eh.”
Wika nito na tila nag pipigil ng tawa.
“Wala akong naaalalang ginawa ko sa kanya okay? alam mo bwiset talaga yung espasol na yun eh.Pag nakita ko talaga yan may konyat sa'kin yan.Pakialam ko kung engkanto yan.Makikita mo pag di n'ya lang binalik tong nguso ko sa dati tatawag na ko ng albularyo.”
“At sino na namang albularyo ang tatawagin mo? yung matandang nang hingi ng 5k sayo tapos muntik ka pang magkasakit sa baga dahil sa dami ng abong nalanghap mo? naku ate tigil tigilan mo yan.Alam mo kilala kita eh.Bungangera ka masyado.Siguro minura mo na naman si Malik kaya pinarusahan ka.”
Saad ni Aya na nagpatigil sa'kin.
“Masyadong makasalan yang bibig mo.Dapat sayo ay parusahan.”
Unti unting nag balik sa aking alala ang mga huling katagang sinambit ni Malik bago ito umalis.
“Hays, tsk! oo nga pala ilang beses ko rin itong namura na siyang pinaka ayaw n'ya sa lahat.Ano ba naman 'to! anong gagawin ko.”
*
Lumipas na ang dalawang araw at hindi pa din nagpapakita sa akin si Malik.Asar na asar na ako sa itsura ng nguso sa tuwing mag sasalamin ako kung kaya't hindi na ako nag dalawang isip pa nang makwento sa akin ni Aya na may kakilala raw ang matalik na kaibigan na isang albularya.Halos makailang ulit na rin akong nagdasal na sana ay hindi na ito tulad ng albularyong matanda na nakilala ko na hahampasin ako ng dahon o papahiran ng kung ano ano dahil baka hindi na kayanin pa ng powers ko.
Habang naghihintay sa sinasabi ng kaibigan ni Aya na albularya ay saglit akong nagpalinga linga sa paligid ng bahay.Sa totoo lang ay napakatahimik ng lugar na ito.Yung tipong mabibingi ka sa katahimikan.
“Amy.”
Wika ng isang babae na ikinalingon ko.Nakapagtataka, papaano nya kaya nalaman ang pangalan ko? hindi kaya sinabi ng kaibigan ni Aya? maaaring ganun na nga.
“Hello po, ako po yung nagpaschedule sainyo.Yung kaibigan ni Dianne?”
“Alam ko ang sadya mo iha.”
Sambit ng babae na hindi pa naman ganun katandaan ang itsura.
“Alam n'yo po?”
“Hmmm.Ang mga tulad nilang engkanto ay galit sa mga taong gumagamit ng makasalanang salita.Tulad ng pagmumura dahil para sa kanila ay isang malaking kalapastanganan ito.Ngunit ang tulad n'yang engkantado ay hindi masama.Dahil isa siya sa mga mabubuting uri ng engkanto na nagbibigay ng kagalingan sa may sakit at swerte sa buhay.Dalawa ang uri ng mga engkanto. Kung ang puting engkanto ay nag papagaling at nagbibigay ng swerte, ang itim naman na engkanto ay nagbibigay ng sakit, kamalasan at higit sa lahat kamatayan.”
Saad nito na nag dulot sa akin ng takot.Maya maya pa'y may isang magandang babae na maalon ang buhok na tila isang manika ang itsura ng mukha sa ganda.May hawak itong teddy bear at sa tingin ko'y halos magka edad lang sila ng albularyang babae na kausap ko ngayon.Sa una ay pasilip silip lamang ito sa likod ng kurtina at nang ngitian ko ito ay unti unti na rin itong lumabas mula sa kwarto.Sa unang tingin ay normal lamang ito ngunit laking pagtataka ko ng tumalon talon ito na tila isang batang naglalaro habang hawak ang kanyang manika.Makailang ulit rin akong napapikit at tinatantiya kung ano ang nangyayari ngunit ngumiti lamang ang albularya.
“Siya si Albina.Ang aking kaibigan.”
Wika nang albularya.Pinagmasdan ko ito at muli itong ngumiti sa akin.
“Hindi siya normal dahil Isa rin siyang engkanto.”
Saad ng albularya na ikinalingon ko dito.
P-p-po?
Gulat na wika ko.
“Oo Amethyst.Nabibilang si Albina sa uri ng mga puting engkanto na nagbibigay ng swerte at kagalingan sa mga taong may sakit.Sa unang tingin ay aakalain mong isa siyang normal na tao pero malayo ang kanyang mukha sa totoo nitong anyo .”
Paliwanag ng albularya at nang subukan ko itong lingunin ay laking gulat ko na halos magkadikit na ang aming mukha sa sobrang lapit nito at halos mahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang totoo nitong anyo.Ang kanyang balat ay kulay berde na tulad sa mga kulay ng dahon at ang mga mata nito ay kulay puti habang may mga ugat na violet sa loob.Ang kanyang buhok ay may pagka berde na halong puti na talaga namang napaka creepy kung titignan.
“Wag kang matakot amethyst.Mabuting engkantada si Albina.Maaaring naiiba ang kanyang itsura kumpara sa kaibigan mo dahil si Albina ay isang bantay ng kalikasan.Matagal ko na siyang kaibigan at siya ang tumutulong sa akin na manggamot.”
Nakangiting wika ng albularya.
“Ga-ganun po ba? hehe.”
Nauutal na wika ko dahil sa totoo lang, kinikilabutan talaga ako sa prisensya ni Albina.Maya maya pa'y umalis na ito sa aking harapan at nag tungo na sa tabi ng albularya at may tila binulong si Albina dito na ikinangiti na lamang ng albularya at saka ito patalon talon na pumasok muli sa kwarto.Sa sobrang takot ko nga dito ay hindi ko na ito nilingon pa.
“Pinapasabi ni Albina na makabubuting alayan mo na lamang ng prutas at humingi ka ng tawad sa iyong engkantadong kaibigan.Huwag ka raw mag alala at unti unti na rin gagaling ang iyong labi.Maaaring nakatuwaan ka lamang daw ng iyong kaibigan.”
Hanep na nakatuwaan yan.Ayos din itong si Malik matuwa eh! kulang na lang ay lumublob ako sa ilog at hayaang manitili ang ulo ko sa ibabaw ng tubig at mapagkakamalan na ako na isa sa mga pato sa haba at lapad ng nguso ko.
“Nasasayo pa rin ang desisyon Amethyst kung nais mo pa rin magpatuloy sa pakikipag kaibigan sa kanya dahil wala naman masama doon.Pero para sa ikagagaan ng iyong kalooban ay bibigyan kita ng pangontra kung sakaling nais mong makaiwas sa kanya upang hindi ka na n'ya malapitan pa.”
Matapos nitong isulat ang aking pangalan sa kapirasong papel at dinasalan ito ng kung ano ay ibinalot niya iyon sa pulang tela at nilagyan ng tali.Sinabi pa nitong suotin ko ito bilang pangontra in case na ayaw ko ng gambalain pa ako ni Malik.Sinunod ko nga iyon at nang malapit na ako sa bahay ay nahagip ng aking mga mata ang nakatayong si Malik mula sa baba ng ilog.Masama ang tingin nito at hindi lumalapit sa akin.Tila effective yata ang binigay ni Ate na pangontra kung kaya't hindi ko maiwasang mapangisi.
“Blehhhhh.”
Pang aasar ko dito at bahagyang sumasayaw sayaw habang tinuturo ang kwintas na pangontra sa aking leeg sabay ngisi dito.Kung dati ay ito ang madalas na ngumisi at mang bwiset, ngayon naman ay ako ang nakangisi at nangbibwiset sa kanya.
“Bye vehhhhh!”
Pang aasar ko dito at mabilis na tumakbo pauwi sa bahay na parang isang tanga.